KABANATA 62

24 6 40
                                    

Jade

Isang lingo na ang nakalipas. Badtrip pa rin si Becca. Parang menopausal na siya. Shocks! Laging nakabusangot. Siguro hindi pa sila ayos ni Stell.

Napatingin ako sa phone ko nang tumunog 'yon.

From: Ssob

Boss, yari na ang recording at pictorial namin. Finally, makakapag-relax na. Kumusta ka na? Miss na kita.

Napangiti ako. Sa one week na hindi ko sila nakikita, palaging nag-a-update si Josh. Nasanay na nga ako sa mga good mornings, good afternoons, at good nights niya. Madalas din siyang tumawag tuwing may free time siya.

Shocks! Nasasanay na talaga ko sa kaniya. Pakiramdam ko hindi kumpleto 'yong araw ko ng wala siya.

Hindi ko muna siya ni-reply-an. Mamaya na after ng photo shoot ko. I-la-lock ko na sana 'yong phone ko nang mahagip ng paningin ko 'yong name ni Ken sa inbox ko.

Shocks! Hindi naman sa na-mi-miss ko siya. Pero pagkatapos ng birthday ni Stell, wala na siyang paramdam. Naayos naman ang issue nila ni Eris. Pero hindi na ulit siya nag-text, nag-chat o tumawag.

Napakunot ang noo ko. Lumapit si Angela at nakabusangot din. Uso ba ang busangot ngayon?

Nilingon ko si Becca at Angela. Iisa ang mukha. Shocks! Parehong badtrip.

"Shocks! Anong problema niyong dalawa? Parang nilukot 'yang mukha niyo?"

"Wala," sabi ni Becca. Hindi naman kumibo si Angela.

"Ayan, sige. Love life pa," pang-aasar ko.

Inirapan ako ni Becca. "Anong love life? Bastos ka rin talagang bakla ka. Meron ba 'ko no'n? Wala pa nga maharot na, eh!"

Natawa ko. Gagang bakla. Nahulog na nga sa strawberry.

"Aww! Dapat kasi t-in-ext mo na," sabi ko sa kaniya.

Tinaasan pa ko ng kilay. "Ayoko! Bakit ikaw ba sinabihan kitang i-text mo si Ken?"

Shocks! Bakit napunta sa akin ang usapan? Nakakaloka.

"Bakit, may ano ba sa amin ni Ken?" komento ko. Pero parang ako yata 'yong nasaktan sa sarili kong salita. Parang may kumurot sa puso ko.

"Wala. Palibhasa may Josh ka pa," sabi ulit ni Becca. Bakit ba ang pait nito? Kasalanan 'to ni Stell.

Binalingan ko na lang si Angela. LQ sila ng jowa niya. Shocks! Sabi ko kasi, ipakilala sa amin, pero ayaw naman. Pa'no namin makikilatis 'yon?

"Ikaw, anyare? War pa rin kayo ng jowa mo?"

Tumingin siya sa paligid bago nagsalita. "Nakakainis. Ayos na kami na nagkasama sila ng ex niya, pero ngayon madalas na naman silang magkasama. Nakakainis na. Bahala siya. Magsama sila."

Napangiwi ako. Hindi pa nagtatagal na nagkaayos, away na naman?

"Dapat kausapin mo kasi. Hindi p'wedeng ganiyan," suggestion ko.

Tinaasan din ako ng kilay. "Bakit, kinausap mo ba si Ken kung bakit ka niya iniiwasan?"

Shocks! Bakit ba pinagtutulungan nila 'ko? Kaibigan ko ba talaga 'to?

Jah

Sumasakit ang ulo ko rito sa SB19 house. Si Pablo, ilang araw nang masungit, si Ken seryoso palagi at tahimik, si Stell parang problemado rin. Kami na lang yata ni Josh ang matino rito.

Nandito kami sa sofa sa sala. May interview kami ngayon. Wala kasi kaming ganap nitong nga nakaraang araw.

Napatingin kaming lahat nang bumaba si Paula. Madalas na kasi siyang nags-stay rito, pero umuuwi rin sa gabi.

Nilagpasan niya lang kami at natuloy sa kusina. Tiningnan ko si Pablo, seryoso siya at hindi rin tinapunan ng tingin si Paula.

LQ pa rin.

"Hello? Malapit na kayo? Sige. Ingat ka. I love you," narinig kong sabi ni Josh matapos sagutin ang tawag. Malamang si Ate Jaja 'yon. Siya kasi ang mag-i-interview sa amin.

Nakita kong nagbago ang itsura ni Stell. Parang kabado.

Malamang kabado kay Becca. Hindi pa rin ba kayo ayos?

Napatingin ako kay Ken. Napayuko siya. Sa aming apat, ako lang ang nakakaalam ng feelings ni Ken kay Ate Jaja. Sabi ko nga ilaban niya, pero naisip niya si Josh. Ayaw niyang masira silang dalawa.

Solid. Ayaw namang mag-TikTok.

Naghintay lang kami ng kaunti at dumating na sina Ate Jaja. May kasama silang dalawang camera men. Gaya ng dati, si Becca lang ang kasama niya.

Lumapit si Ate Jaja sa amin at yumakap isa-isa. Saktong dumaan si Paula, yumakap si Pablo kay ate.

Sige. Pagselosin mo.

Pero hindi yata nagselos. Umakyat lang sa taas at hindi pinansin si Pau.

Napansin ko rin na hindi lumapit si Ken. Naiinitindihan ko naman siya. Pero sana 'wag niyang ipahalata.

Nag-set-up na agad ng camera at mga ilaw na gagamitin sa interview. Inayusan ni Becca si ate habang mga staff naman sa amin.

"Na-miss kita, Boss," sabi ni Josh kay ate.

"Sana all," sabi ko na lang. Medyo tahimik kasi. Si Stell at Becca ang usual na nagsisimula ng ingay, pero parang wala lang ngayon.

Magsisimula na sana kami nang may batang tumakbo papasok ng sala.

Napansin agad ng mga staff at pinatigil pero parang iiyak na 'yong bata.

"I wanna see my mom," sabi niya.

Tumayo si Jade na nakapuwesto sa single sofa. Nilapitan niya 'yong bata.

"Hey! You're here. Bakit nandito ka? You're lost again?"

Nakatingin lang kami sa kanila. Nakakatuwa na kumalma 'yong bata.

"I wanna see my mom," sabi ulit no'ng bata.

Ngumiti si ate saka hinaplos ang mahabang buhok ng bata. "But, you're mom is not here, baby."

Ang cute nila. Napatingin ako kay Josh, nakangiti siyang nakatitig kay Jade, gano'n din si Ken.

Yare. Bakit kasi pareho pa kayong nahulog?

"She's here. I know she's here," sabi no'ng bata. Spoiled yan?

"Hey! Alexa!"

Nagulat kaming lahat nang biglang pumasok si Eris. 'Yong mabigat na ambiance kanina, parang lalong bumigat ngayon.

"Let's go back to the car. Magagalit ang mommy mo," paliwanag niya sa batang babae.

Pero hindi ito nakinig. Namaywang ito. "I told you, I wanna see mom."

Lahat kami nagtatakang nakatingin lang sa kanila. Wala kaming ma-gets.

"Okay. I'll help you. What is the name of your mom?" sabi ni Ate Jaja na pilit pinakalma ang batang nagta-tantrums.

Tumingin ang bata sa babaeng pababa ng hagdan. "Mom!" Tumakbo si Alexa saka yumakap kay Paula.

"You, brat! Sabi ko bababa na 'ko. Pasaway."

Umirap si Alexa. "Ang tagal mo."

"Pasensya na, Denise. Ang kulit niya kasi," sabi ni Eris.

Nakalapit na sa gawi namin si Paula bago nagsalita. "It's okay. Dito na muna tayo. Kailangan matapos muna ang interview bago ko umalis."

Lalong nanahimik ang paligid. Pati staff hindi alam kung anong sasabihin. Sa mga nangyari these past few days, parang ang awkward na nadito kami lahat.

A/N

Good afternoon! Sana kumain na kayo. hihi











HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon