KABANATA 13

26 9 34
                                    

Becca

Laking pasasalamat ko kay Lord nang papasukin na kami ng staff sa malaking bahay ng SB19. Medyo hagardo Versosa 'ko dahil bitbit ko ang gagamitin namin sa vlog shoot mamaya. Well, hindi na ko magrereklamo, baka kasi mamaya mawalang pa ko ng trabaho. Saka, in fairness naman sa baklang si Jade, siya na nagdala ng gamot niya.

Nakakahiya naman kung ako lahat, 'di ba? Hulas na nga ang ganda ko, pagod pa kung nagkataon.

Pinatuloy kami ng staff na si Tin yata ito, ewan. Nauna na ko kay Jade dahil pinaglihi ata 'to sa pagong, ang bagal maglakad. Huminga-hinga pa, p'wede na sa ER sa ospital.

Nadatanan ko ang Rosas na walang bango sa salas ng bahay. Nag-a-assist sa staff kung saan ipupwesto ang mga ilaw, camera at iba pa. Two way kasi ang vlog na 'to. Isang vlog para sa nagmamagandang si Jade at isa naman sa mga SB19 na mukhang tulog pa. Ni anino wala.

"Hoy, Rosas! Kanina pa kita tinatawagan. Bakit hindi mo naman sinagot?" bungad ko kay Rose. Hawak nito ang nagmamalaking tablet niya.

"Ay, sorry, bakla. Hindi ko napansin," sagot nito. Mukha namang sincere ang sorry niya. Kaso ang Rosas na 'to, bakla na rin ang tawag sa akin? Alam ko namang kulang ako sa boobs, pero duh! Ang ganda ko kaya.

Magreklamo pa sana 'ko pero nauna na ang pagtulo ng laway ko kasi napanganga ko sa dumating tlat kumausap sa Rosas na nagkatawang tao para manilbihan sa guwapong nilalang sa harap ko.

"Ate Rose, nakita mo 'yong phone ko? Mukhang pinag-trip-an na naman ako ni Jah," malumanay niyang sabi.

Anak naman ng kung sinong magulang. Bakit ganito kaganda ang boses niya kahit hindi kumakanta? No'ng nagsabog yata ang universe ng ganda ng boses nag-swimming 'to. Bagay sa kaniya ang pagiging heavenly voice niya.

Nasa langit na yata ako.

At 'yong mukha niya, walang pores. Korean skin ata 'to. Kaya napagkakamalang KPop, eh. Napakaguwapo at ang bango! Ang broad pa ng balikat. Parang ang sarap magpakulong sa yakap.

Lord, ready na 'kong maging Mrs. Ajero. Kailan mo kami itatakdang ikasal?

"Miss, ayos ka lang?"

Napakurap ako nang iwagayway niya ang kamay niya sa tapat ng mukha ko. Watawat 'yan?

Nakakahiya, natulala ako sa harap niya. Akala ko si Jah na ang pinakaguwapong nilalang, mas guwapo yata ito.

"A-Ah. O-Oo, ayos lang ako," sagot ko. Nairita ko sa sarili ko. Bakit ba 'ko nauutal? Hoy, Becca! Tao rin 'yang kaharap mo.

Lalo nawindang ang circulatory, nervous, at kung ano pang system sa katawan ko nang tumawa siya. Tang na orange naman, baka mamatay na 'ko sa tawa niya. Ang guwapo talaga.

"Sure ka ba? Ayos ka lang talaga?"

Ay paking ina, pa-fall naman masyado 'to. Baka mamaya hindi na 'ko makaahon.

"Ang guwapo mo pala sa personal," wala sa sarili kong nasabi. Wala na, nilaglag ko na ang sarili ko. Shunga mo, Becca! Dapat sa 'yo ibalik sa grade one.

"Ako ba hindi guwapo?"

Diyos na mahabagin! Kalmahan Niyo lang naman! Kay Stell pa lang hindi na 'ko makahinga, lalo pa ngayon dalawa na sila. Hindi ko na keribels 'to!

Napalunok ako nang makita ang kaliligo pa lang na si Jah. Basa pa ang buhok nito at nagbubutones pa ng damit sa parte ng dibdib nito.

"S-Siyempre, gu-guwapo. Ang guwapo niyo pala sa personal," hindi magkandatuto kong sabi.

Tumawa si Jah gayon din si Stell.

"So, panget pala kami sa TV at videos?" pagbibiro ni Stell.

"H-Huh? Eh?" Gusto kong sakalin na lang ang sarili ko. Nakakaloka dahil wala akong masabi o maisagot. Bobita na yata ako. Braincells nasaan ka na ba?

Naiwan na lang akong mag-isa nang kumaway si Stell sa gawi ni Jade. Tumingin muna siya sa akin bago umalis at pumunta sa gawi ni Jade kasama si Jah.

Konti na lang talaga aabangan ko na sa gate 'tong baklang 'to. Hindi pa nga ako nakakachika kay Jah iniwan na ko.

Lord, anak niyo rin ako. 'Wag kayong favoritism.

Jade

Namamanhid ang paa ko kaya medyo mabagal akong lumakad. Nakakainis naman si Becca, iniwan ako. Excited 'yan?

"Napano ka?"

"Ay, manhid!" gulat kong sabi nang may sumulpot sa gawing kanan ko.

Nag-aayos siya ng wristwatch niya at naglalakad pagawi sa akin.

Ngumisi ito. "Hindi ako manhid. Maangas lang," sabi nito.

Agad akong kinabahan. Hindi ko in-expect na makikita ko siya agad. Ano ba 'yan? Bakit ako kinakabahan? Nasobrahan na yata ako sa kape.

"Tulungan na kita?" offer niya. Hindi pa 'ko nakakasagot, nakuha na niya ang bitbit ko.

"Thank you, Ssob," nahihiya kong sabi. Siyempre may hiya pa rin ako. Saka bias ko 'tong nasa harap ko. Gusto ko sananh sumigaw kaso nakakahiya.

"Wala 'yon. Ayokong nakikitang nahihirapan ka, eh," sagot ni Josh bago humakbang. "Kanina pa kayo, boss?"

"Ah, kararating lang. Medyo traffic kaya medyo natagalan."

Nagdahan-dahan itong naglakad para masabayan ako. Ngayon ko lang nalaman na hindi naman pala siya ganoon kaliit gaya nang sinasabi nila. Matangkad na 'ko para sa iba, pero mas matangkad pa siya sa akin ng mga 2 inches siguro.

"Ayos ka lang?" tanong niya habang nakangiti. Lumabas ang braces niya na bumagay sa bunny smile niya.

Napangiti na rin ako. "Yeah. Medyo namanhid lang 'yon paa ko, pero ayos naman na."

"Gusto mo buhatin kita?" nakangiti pa rin niyong sabi.

Ay! Jusko! Baka mahimatay na 'ko kung bubuhatin pa niya 'ko. Umilin ako ng nga twenty times. Chos lang! Hindi ko na binilang. "No need. Ayos naman na." Sinabayan ko na siyang maglakad. Maya-maya ay nagsalita ito.

"You sure? Willing naman akong buhatin ka para 'di ka mahirapan."

Gusto kong tumalon dahil sa kilig pero siyempre hindi p'wedeng ipahalata. Baka mamaya ma-turn pa si Ssob sa akin. Kinagat ko ang labi ko para doon ibuhos ang kilig.

"Lip biting, huh? Gusto ko 'yan," sabi ni Josh bago ito naglakad nang mabilis at maiwan akong dina-digest ang sinabi niya.

Ano raw? Gusto niya 'yong lip biting, o 'yong lips ko?

Hoy, Jade! Tumigil ka! Ang halay ng nasa utak mo!

"Kilig ka na niyan? Paano pa kung ako kumagat sa 'yo?"

Napalingon ako sa likuran ko. Nakapamulsa siya at nakangisi sa akin.

Hayop! Bakit may pagkagat? Ayoko na sa Earth!

A/N

Ola! Pasensya na medyo hindi ako naka UD kahapon. Busy kasi ako. Malapit na pasukan at kailangan kong gawin ang dapat gawin. hihi pero after nito baka back to normal na ko sa UDs. Hehehe konting adjustment pa. Hihi






HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon