KABANATA 19

27 8 31
                                    

Jade

Kahit nanginginig dahan-dahan akong tumayo. Tulad ng sabi ni Ken sa envelope ako tumingin. Pero hindi pa rin mawalawala ang kaba ko. Shocks!

"'Wag kang kabahan, Jaja. Hawak ka naman ni Jah. Nakita mo na 'yong sobre?" tanong ni Ken.

"E-Eh ito na. Teka, kukuhanin ko na. Naka-tape. Kaya mo pa ba? Mabigat yata ako," sagot ko.

Kinabahan ako nang gumalaw ang balikat niya. Animal na manok na 'to. Nagawa pang tumawa.

"Sakto lang. Hindi ka naman mabigat. Ayos lang kahit maghapon pa kitang buhatin."

Hindi ako nakakibo. Hindi ko ma-gets ang sarili ko kung bakit ba parang apektado ko sa mga sinasabi niya.

"Nandito pa 'ko. Sabihin niyo lang kung aalis na 'ko," singit naman ni Jah.

Napasigaw ako nang maramadamang wala na ang kamay ni Jah sa nga binti ko. "Jah! 'Pag lang nahulog ako, tatamaan ka sa akin!"

"Yabang!" pang-aasar ni Ken.

"Jah! Hindi ako nagbibiro, isa!" kabado kong sabi. Lalong nanginig ang tuhod ko. Lapat ang palad ko sa kisame. Hindi ko sinasadyang matingin ako sa baba. "Shocks! Ang taas!"

"Ito na. Joke lang. Sige na, bilisan mo na kasi, ate. Nag-enjoy ka masyado sa balikat ni Ken. Gusto mo idikit na kita riyan?" tumatawang sabi ni Jah.

"P'wede, p'wede," sabi naman ni Ken.

Nag-focus na lang ako at kinuha ang envelope kahit na nanginginig ang buong katawan ko.

"Nakuha ko na!"

"Sige, baba ka na," sabi ni Jah. Pero hindi ako gumalaw. Shocks! Hindi ko alam kung paano ba 'ko bababa. Pakiramdam ko mamamatay ako kung titingin ako sa baba.

"Nag-enjoy ka na riyan? Ayaw mong bumaba?" dagdag na tanong ni Jah.

Pero parang paralisado ang mga binti ko. Hindi ako makagalaw sa takot.

"H-Hindi ko alam kung pa'no bababa," pag-amin ko. Naramdaman ko na lang na nag-init ang gilid ng mga mata ko.

"Luh! Naiiyak na siya," tarantang sabi ni Jah.

"Gago! Takot nga yata," sabi ni Ken.

Hindi na ko nakapagsalita. Nanginginig na talaga ko lalo tuwing titingin ako sa baba. Isa ito sa dahilan kung bakit hindi ako tumatanggap ng action roles, takot talaga 'ko sa heights. Naiiyak din ako kahit 'pag sasakay sa eroplano.

"Okay ka lang ba, Jaja?" tanong ni Ken. Pero hindi na ko nakasagot. Sa sobrang kaba ko, pati dila ko umurong na.

"Ganito, aalalayan ka ni Jah. Tapos dahan-dahan kang maupo. Ipatong mo 'yong mga hita mo sa balikat ko, parang sa cheering squad, tapos saka ako mauupo para makababa ka, okay?"

Tulala pa rin ako habang pino-process ko ang sinabi ni Ken. Shocks! Nakakahiya. Matalinong tao 'ko, pero 'pag dating sa ganitong sitwasyon nabobobo 'ko. Ano raw?

"Give me your hands. Kumapit ka," aniya habang itinaas ang pareho niyang kamay para maalalayan ako.

Nanginginig na hinawakan ko ang parehong kamay niya. This time, hindi na ko nailang kung basa ba ang kamay ko dahil sa kaba. Dahan-dahan kong sinunod ang sinabi niya. Naupo ako at ipinatong ko ang mga hita ko sa balikat niya. Marahan naman siyang naupo at inalalayan akong makababa.

"Ayos ka lang?" sabay nilang tanong ni Jah.

Nanginginig na tumango ako. Sa totoo lang takot pa rin ako. Pakiramdam ko anytime kanina mahuhulog ako at mamatay.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon