KABANATA 7

29 7 6
                                    

Jade

Nag-aayos na ko ng gamit ko. Tapos na ang noon time show kung saan kasama ko sa mga hosts. Medyo drained ako ngayon dahil sa sunod-sunod na photoshoots sa mga endorsements ko. Mabuti na lang at wal pa kong serye ngayon.

Nasa kalagitnaan ako nang paglalagay ng make-up kits ko nang dumating si Amaris. Isa sa best of friends ko sa showbiz.

"Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Nasaan si Becca?" tanong nito.

Isinarado ko ang zipper ng bag ko at hinarap siya. "Wala, mare. Nag-inquire sa school na papasukan. Mag-aaral daw siya."

"Mag-aaral? Meaning hahanap ka ng kapalit?" tanong niya.

Umiling ako. "Matagal na kaming magkasama ng babaeng 'yon. Hindi naman kailangan."

Tinaasan niya ko ng kilay. Mukhang hindi duda pa 'ting bruhang 'to. "Ngayon ayos pa, paano kung may series ka? Paano kung hectic na schedules mo?"

Natawa ko. Minsan din talaga may pagka-OA 'to. "Nanay kita, 'te? Kaya ko naman. Saka hindi naman siya kukuha ng full loads, ilang units lang kada sem. Para naman makatapos siya. Hindi p'wedeng forever siyang assistant. She deserves better."

Tumawa ito. "Spoiled sa 'yo si Becca. Hindi nga aalis sa 'yo 'yon. Sabagay, nandiyan naman si Nick. Sure hindi ka no'n pababayaan," panunukso nito.

Shocks! Malisyosa talaga!

"Stop it, will you? Malisyosa ka," pagtataray ko sa kaniya pero hindi tunalab sa bruha. Lalo itong ngumiti.

"Bakit? Bawal? 'Pag kay SB19 p'wede?" dagdag pa nito.

Tuluyan na kong napangiti. Shocks naman kasi. Bakit alam niyang SB19 ang kahinaan ko? "Iba naman kasi 'yon." Kahit hindi ako magsalamin alam kong namumula na ang mukha ko. Shemay.

"Ano kasing nakita ko sa kanila? Sabi ko sa 'yo, mag-BTS ka na lang. Mas guwapo 'yong mga 'yon," sabi pa nito.

Tinaasan ko siya ng kilay saka pairap na sumagot. "BTS nga bet mo, pinakialaman ba kita? Baka 'pag na-meet mo sila in person makalimutan mo 'yang BTS mo? Lalo si Jah, baka ipagpalit mo si Jin mo," pagtatanggol ko.

Tumawa rin ang bruha. Minsan masarap ding pektusan 'to, eh. "Sige, pakilala mo sila sa akin minsan. Gusto ko kay Josh," may tonong pang-aasar nitong sabi.

"Bawal na si Josh. Kay Jah ka na lang," pagpupumilit ko.

Lalong tumawa ang bugak. "Madamot. Pero, let's see kung kaya bang higitan ni Jah si Jin ko."

Inirapan ko siya. "Kailan pa siya naging sa 'yo, aber?"

"Inangkin mo nga si Josh, kinontra ko ba?" panggagaya niya sa tono ko kanina. Kaya natawa na rin ako. Madalas kaming ganito, mukhang may mga tama.

Nag-online muna 'ko sandali. Maya-maya na 'ko uuwi. Titingnan ko muna kung may updates ang SB19.

Una kong in-open ang stan accounts ko sa lahat ng social media platforms. Pero wala pang update. Baka busy sila.

Nalibang ako. Inabot pala ko ng halos kalahating oras do'n.

Sinunod kong binuksan ang real accounts ko. Nagulat ako nang may GC na lumitaw sa messenger ko.

"Luh! Ano 'to?" wala sa sarili kong sabi.

Napatingin na rin si Amaris sa screen ng phone ko. "SB X Jade? Ano 'yan GC? Pa'no kang nasali riyan?"

Hindi ako sumagot. Shocks! Kahit ako hindi ko alam kung pa'no ko nasama sa GC na 'to.

Tiningnan ko ang GC at nagulat ako. GC 'to kasama ang SB19.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon