KABANATA 58

19 7 46
                                    

Becca

Shemay! Nakakainis naman 'tong babaeng 'to. Akala mo naman diyosa. Mahinhin pa, at abot ang ngiti kay Stell. Kaloka. Bunutin ko kaya 'yong ngipin mo isa-isa?

Ito namang strawberry na 'to bigay todo sa pagngiti. Punitin ko pisngi mo, eh!

No'ng Lingo lang makahalik ka wagas, ngayon may bagong target na. Nakakinis. Kala ko ba si Amaris ang gusto mo? Ngayon naman 'yang Eris na 'yan? Ang hilig mo sa mga Ris, sarap tiRisin.

Kaloka! Hindi 'to kinakaya ng beauty ko! May paabot pa ng regalo. Parang invited naman ng may birthday.

Kaloka talaga. Maharot kang strawberry ka! Bahala ka. Itatapon ko na lang 'tong regalo ko. Mura lang naman 'to.

Kainis! Sa sobrang inis ko tumayo na rin ako. Ginaya ko si Ken. Nag-walk out din ako.

Shunga naman din kasi si Bakla, nagseselos na ang manok, hindi pa mahalata.

Mag-best friend nga sila ng hinayupak na Stellvester na 'yon. Naiinis na 'ko hindi pa niya alam.

Shemay! Bakit nga ba 'ko naiinis? Eh ano bang pakialam ko sa pa-fall na strawberry na 'yon? Wala akong pakialam kahit magpa-fall siya sa lahat ng babae sa mundo, o kahit sinong nakapalda.

Tama. Wala akong pakialam sa kaniya. Animal siya! Teka, animal ba 'yong strawberry? Prutas pala.

Hindi ko alam na napunta ko rito sa kusina. Dito walang tao dahil nakikikain sa sala.

Akala mo naman masarap 'yong pagkain do'n. Makunat kaya 'yong shanghai. Matabang pa 'yong palabok na padala ng fans.

Naupo ako sa isang stool do'n. Hindi ko alam kung gaano ko katagal tumulala ro'n at paulit-ulit na pinatay si Stell at 'yong pabebeng Eris sa isip ko.

Dapat lang sa inyo 'yan. Mga higad! Makati! Gabi! Haliparot! Maharot! Pa-fall!

"Nandito ka lang pala."

"Ay pa-fall," gulat kong sabi.

Bakit kasi bigla na lang sumusulpot 'to? Nakakinis. Uso ba talaga 'yong mga kabute rito?

Tumawa siya. Sige galingan mo. Punyemas ka!

"Sinong pa-fall?"

Shemay ka! "Huh? Wala akong sinabi. Kumakanta lang ako."

Tumabi siya sa akin saka tumawa ulit. "Kumakanta ka pala. So p'wede mo 'kong kantahan?"

Sige, gumayan ka! Nakakainis! Dukutin ko mata mo, eh. "Asa."

"Bakit nandito ka? Andon 'yong celebration," sabi niya pa habang tinuturo ang direksyon ng sala.

Inirapan ko siya. "Ikaw, bakit nandito ka? Dapat nando'n ka. Baka hanapin nila 'yong may birthday."

Ngumiti siya saka ginulo ang buhok ko. Kaloka siya. Ang hirap magplantsa ng buhok guguluhin lang niya. "Andito ka, eh."

Ay, punyeta! Heto na naman siya. Pa-fall na naman. Malandi talaga. Matapos humarot sa Eris na 'yon, pupunta rito.

"So? Pumunta ka na ro'n. Baka hanapin ka nila."

Kumalumbaba siya paharap sa akin saka ngumiti.

Naloko na! Ang guwapo niya. Punyeta! Becca, marupok ka!

"Hinanap talaga kita. Paano naman ako magce-celebrate kung wala ka?"

Kaloka naman 'to. Shemay! 'Yong puso ko. Pakiramdam ko sasabog na. Letse kang strawberry ka. Bakit alam mo kung paano ko makuha?

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon