Jah
Maaga kaming umuwi. Medyo mabigat kasi 'yong ambiance sa condo ni Ate Jaja. Tahimik si Ken at busy sa phone dahil sa issue. Si Pau naman naging aligaga na rin sa phone niya. Parang badtrip. Tapos si Becca naman parang nagpaparinig kay Stell.
Ako na lang yata 'yong matino kanina. Kahit kasi si Ate Jaja parang may oras na lutang siya.
Nahiga ako sa kama at kinuha ang phone ko. Napangiti ako ng mag-text si Sunget.
From: Mrs. De Dios
Kakatapos ko lang ng taping. I'm here inside the van. It's so hot in here, like me. Dadaan muna ko sa condo ni Jade then uuwi na ko.
Napangiti ako. Nag-usap kasi kami na subukan ang set-up na'to, like a couple after no'ng nangayari no'ng gabi. Lagi na kaming nag-a-update sa isa't isa.
Pupunta pala siya kina ate, sana pala hindi muna 'ko sumamang umuwi.
Kinuha ko ang phone ko at nag-type.
To: Mrs. De Dios
Nandito lang ako sa SB19 house. May recording kami bukas. Update mo 'ko 'pag nakauwi ka na. Ingat ka. Iingatan pa kita. 😘
Napangiti ako at nagpagulong-gulong sa kama. Hindi ko alam pero ang saya ko tuwing kasama, kausap o ka-text ko siya.
Sa totoo lang hindi 'yong ideal girl ko. Kabaliktaran nga siya.
Gusto ko 'yong mahinhin, parang Maria Clara. Gusto ko rin 'yong kaibigan ko muna para kilala ko na. Pero hindi ko alam kung anong mayroon sa kaniya.
Maarte siya, madiwara, magaslaw, reklamador, at hindi ko siya kaibigan. Pero hindi ko maintindihan kung paano niya 'ko napapangiti at nakukumpleto 'yong araw ko.
Napahinto ako nang mag-reply siya.
From: Mrs. De Dios
I will. Sige na, Mrs. De Dios. I need to drive. BRB. Lab you, Mr. De Dios!
Ops! Charot lang. Alam kong kikiligin ka.
Napangiti na naman ako. May pagkasiraulo rin 'tong babaeng 'to. Ano bang meron ka at napapasaya mo ko?
Wala sa sariling nag-type ulit ako.
To: Mrs. De Dios
Hindi ako kinilig. Sige na, Mrs. De Dios. Ingat ka. Pakakasalan pa kita.
'Yan kinilig ka?
Nag-offline na 'ko sana ako bumaba. Pumunta ko sa kusina at nakita ko si Stell. Parang hindi mapakali.
Stell
Naiinis ako. Hindi ko alamkung ite-text ko ba si Becca o ano. Kanina pa siya may sumpong. Paano na 'ko makakalapit kay Amaris. Sabi pa naman niya tutulungan niya 'ko.
Eh? Sure ka? Si Amaris talaga?
Pumikit ako at kinalma ang sarili ko. Si Amaris naman talaga ang dahilan. Tama 'yon nga.
Pero wala pang ilang segundo kinuha ko ulot 'yong phone ko at nagsimulang mag-type.
Mali. Mali. Wala ka namang kasalanan, 'di ba? Bakit ikaw mauunang mag-text?
Ibinaba ko ulit ang phone ko. Pero hindi pa nagtatagal parang gusto ko na namang kuhanin.
Stell, ano ba? Hindi ikaw 'to. Lahat ng A'tin marupok sa'yo. Bakit hindi mo suyuin si Becca.
Napatingin ulit ako sa phone ko. Teka. Bakit akong mauuna? Siya naunang hindi namansin.
"Baka masunog 'yang niluluto mo."
Napatingin ako kay Jah. Nakasandal siya sa ref habang umiinom ng Pepsi.
"Kanina ka pa?" tanong ko. Hinarap ko 'yong niluluto kong Sinigang. Halos kalati na 'yong sabaw kaya tinubigan ko ulit.
Ngumiti siya. "Mga five minutes."
"Eh?" taka kong tanong.
Five minutes na siya ro'n, pero hindi ko man lang siya napansin? Gano'n ba 'ko kalutang?
"Oo nga. Mukha kang tanga. Anong meron sa phone mo?" sabi niya sa pagitan nang pag-inom sa bote.
"Wala. May tinitingnan lang ako," palusot ko. Pero tumawa lang siya.
"I-text mo na," sabi niya.
"Huh?"
"I-text mo ba."
"Ano?"
"I-text muna. Bingi lang?" pang-aasar niya.
Umiral na naman ang pagkasiraulo niya."Sino? Saka bakit?"
Tumawa siya. Naupo siya sa high stool sa tapat ko. "Si Becca."
Tarot na yata si Jah. Paano niya nalaman? Sobrang obvious ba 'ko?
"Bakit?" kunwari ay tanong ko kahit may idea naman na 'ko.
Nangalumbaba siya. "Alam kong LQ kayo. Kaya nga i-text mo," sabi niya sabay usog ng phone ko palapit sa akin.
"LQ? Hindi naman kami. Saka bakit akong mauuna? Ako ba hindi namansin?" reklamo ko.
Tumawa siya. Maya-maya naging seryoso na. Hindi ako sanay na seryoso siya."Hindi naman importante kung sinong ang nauna. Minsan kailangan mauna ng nakakaintindi. Mahirap 'yan 'pag pareho kayong ma-pride. Hindi 'yan ma-so-solve."
Napakunot ang noo ko. Si Jah ba talaga 'to o may sapi?
"I-text mo na. Para matapos na 'yong LQ niyo," sabi pa niya.
Namaywang ako. "Eh? Hindi nga kami."
"Kailan magiging kayo? Kailan ka aamin, 'pag may nauna na?" sabi ulit ni Jah.
Naninibago talaga 'ko. Parang ibang Jah 'yong kausap ko. Sa mga nakaraang araw, pakiramdam ko nag-mature siya.
Napaisip ako. May dapat ba 'kong aminin?
"Anong aaminin ko?" tanong ko sa kaniya.
Napailing siya. "Aminin mong crush mo 'ko. Ewan ko sa'yo, Stell. Indenial."
Sasagot pa sana ko nang marinig namin si Pau. May kausap yata sa phone.
Actually, hindi ko siya kinakausap. Parang badtrip kanina pa.
"Then let me meet that Dan!" gigil niyang sabi.
Nagkatinginan kami ni Jah. Walang gustong magsalita sa amin dahil halatang inis si Pau.
"Wala lang siya? Pero ayaw mong makilala ko? That's bull shit!"
Kinabahan na 'ko. Parang ayokong kausapin 'to mamaya. Mukhang bulkan na sasabog.
"Hindi pa ngayon? Then, when? Maghapon mong kasama 'yan, then you're telling me not to be jealous?! Come on, Pau! You're making me paranoid!"
Napatakip ng bibig si Jah. Kahit ako naman nagugulat sa mga naririnig ko.
"Fine. If you're choosing that Dan over me, bahala ka," cold na sabi ni Pau bago natahimik. Mukhang tapos na ang tawag.
Nagulat na lang kami nang pumasok si Pau sa kusina. Nagmadali akong hinarap ang niluluto ko. Si Jah naman nagpunta sa faucet at kunwari naghuhugas ng kamay.
Lagot! LQ. Patay kami sa recording bukas.
A/N
Ito na pala. hihi Last UD tonight. Bukas ulit. ☺️
BINABASA MO ANG
HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]
FanfictionSa mundong puno ng pagsubok at pagbabakasakali, marami sa atin ang pinipiling tumakas at takbuhan ang mga dapat ay hinaharap. Kasama na yata sa salitang "mabuhay" ang"lumaban", pero kasama rin sa iba ang salitang "takasan". Jaja is one of those who...