KABANATA 55

22 8 12
                                    

Paula

I am nervous, I really am. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko hinahatak ako pabalik kay Pau habang palapit kami sa apartment ko noon.

I feel uneasy. Ayokong magkamali ng decision. Lahat ng ginawa ko noon, para 'yon sa mas makakabuti sa lahat. Umalis ako dahil 'yon 'yong tama.

Napahugot ako ng hiningan nang buksan na niya 'yong pinto ng apartment. Hindi ako tuminag, ayokong bumalik sa nakaraang tinakasan ko noon.

Natigilan ako nang hawakan niya 'yong kamay ko. Tiningnan ko siya at nakita kong gusto niyang sumama 'ko sa loob.

Damn it! Ayoko!

"Dito na lang ako," tanggi ko. Pero wala akong nagawa nang nakangiti niya 'kong hilahin papasok sa loob.

Napatingin ako sa paligid. Nagbago na ang mga kurtina at bedsheet, pero ito pa rin 'yong pinturang ipinuntura namin ni Pau noon, kulay light blue pa rin.

Nabaling 'yong tingin ko sa shelves. Nandoon pa rin 'yong mga books ko dati. Kahit 'yong mga displays ko, nandoon pa rin.

Mukhang itinabi ni Aling Rosa 'to lahat.

Pinangiliran ako ng luha nang makita ko 'yong side table ko. Nakapatong doon ang isang maliit na picture frame, picture namin ni Pau no'ng nag-perform siya sa department namin. Nakaakbay siya sa akin habang hawak ko 'yong gitara niya at naka-peace sign. Pareho kaming nakangiti dahil sobrang saya no'ng event na 'yon.

"Malapit na tayong matapos mag-general cleaning. Mamaya libre mo ko ng ice cream. May tinda na si Aling Rosa," sabi ni Pau bago niya itabi ang brush ng pinturang ginamit niya.

Nilapitan ko siya. Inayos ko 'yong buhok niyang nagulo na. I kissed him on his left cheek. "Ayos na ba 'yan? Or gusto mo pa rin ng ice cream?"

Ngumiti siya. Inalis niya 'yong gloves sa kamay niyang may bahid na ng pintura saka ipinulupot sa baywang ko 'yong braso niyo.

"Not enough, baby. I want more," pang-aasar niya kaya kinurot ko siya sa braso.

"Hoy! Tumigil ka. Hindi pa tayo tapos."

"Pagkatapos? Sige na. Kiss lang naman, eh," sabi niya habang nakanguso.

"Ayaw."

Sumimangot na siya nang tuluyan habang nakatingin sa akin. Hay. Paawa effect.

"Sige na. Maglinis na. Malapit na tayong matapos, oh," sabi ko.

Napipilitan niya 'kong pinawalan. Nagtatampo na 'to, I'm sure. Napailing ko siyang binalingan at mabilis na hinalikan sa labi. Nakita ko pang nagulat siya pero tumalikod na 'ko at hinarap ang sinasalansan kong mga libro.

"Ang daya naman! Bakit nambibigla ka," reklamo niya.

"You asked for a kiss. That's it. Bayad na 'ko, huh?" biro ko sa kaniya.

"Bakit kasi ang bilis. Dapat sinabihan mo ko," reklamo ulit niya. Pero hindi ko na siya pinansin kahit nagrereklamo pa siya.

Tahimik na lang naming tinapos 'yong gawain namin. Napapangiti pa 'ko tuwing kumakanta siya o nag-ha-humming. Ang sarap pakinggan ng boses niya.

"Ayan tapos na! Lika na, bibili na kita ng ice cream. Baka isumpa mo pa 'ko," biro ko.

Pero hindi siya kumibo. Nakangiti siyang lumakad palapit sa gawi ko. Ipinatong niya ang picture frame na hawak niya sa table.

"Wow! Ang cute natin dito," sabi ko habang nakatingin sa picture namin.

Yumakap siya mula sa likod ko at hinalikan ako sa pisngi. "Para makikita mo everyday, bago matulog or pag-stressed ka."

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon