KABANATA 33

29 7 2
                                    

Amaris

Nagising akong sumasakit ang ulo ko. Letse!

Inilibot ko 'yung paningin ko pero wala akong maaninag. Hinintay kong mag-adjust 'yong mata ko sa dilim. Na-realize kong wala ako sa kuwarto ko.

Pumikit ako nang mariin. Naalala ko na lahat ng nangyari. Naparami pala 'yung inom ko. Pero, hindi ako nalasing, duh! Ako pa ba.

Parang madilim pa sa labas. Madaling araw pa lang siguro. Ano ba naman 'tong mata ko, ang agang nagising.

Napakunot ang noo ko nang maramdaman kong may katabi ako. Leste! Ang nakakawindang pa hindi ko lang siya katabi, nakayakap siya sa baywang ko.

Naloko na! Nasaan ba 'ko?

Dahan-dahan kong nilingon ang katabi ko. Eww! Bakit katabi ko 'tong manyak na 'to? Zen Amaris, ano ba 'tong pinasok mo? Bakit nasa tabi ka ng manyak na 'to?

Gumalaw ako nang kaunti para makawala sa yakap niya. Pero mahigpit ang yakap niya sa akin. Letse naman!

Teka! Bakit parang wala akong damit?

Mabilis pa kay Flash na bumangon ako. Hindi ko na inisip kung magigising 'tong manyak na 'to. Duh! Kailangan kong maka-sure.

Letse ka, Amaris! Anong pinagagagawa mo?

Napahawak ako sa ulo ko. Letse! Wala nga akong suot. Anong nangyari? May nangyari ba?

Pilit kong inalala 'yong nangyari kagabi. Hindi 'to p'wede. Bawal akong magtaksil kay Jin.

Naidlip ako sandali pero nagising din ako. Nauuhaw ako.

Mukhang tulog na sina Jade at Becca, kaya dahan-dahan akong tumayo. Alam ko naman kung nasaan ang kusina kaya kahit hilo pa 'ko ay nagpunta ko sa kusina.

Uminom ako ng tubig at umakyat na rin agad. Nahihilo talaga ko. Hindi na yata ako sanay uminom.

Pumasok ako sa kuwarto at nahiga na. Nahihilo pa rin ako, pero pinilit kong pumikit na lang at matulog.

Wala pang kalahating oras nang may maramdaman akong tumabi sa akin.

Shit! Wala na kong maalala. Ano bang nagyari pagkatapos no'n? Bakit wala akong damit na suot?

This can't be!

Sa sobrang taranta ko, tumayo na lang ako at nagbihis. Sinuot ko na lang 'yong amoy alak kong suot kagabi. Napatingin ako sa mayak na nahihimbing sa kama. Nakahubad din ito.

May abs naman pala. Hindi nga lang halata masyado.

Ipinilig ko 'yung ulo ko. Duh! Bakit ba naiisip ko pa 'yong ganitong bagay sa ganitong pagkakataon.

Maingat akong naglakad palabas ng pinto. Dahan-dahan ko 'yong binuksan. Shit talaga. Bakit ba napasok ako sa ganitong problema.

Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto at dahan-dahan ding isinara 'yon. Letse talaga! Amaris, ano ba 'tong napasok mo?

Luminga-linga ako habang patingkyad na naglalakad. Mahirap na, baka may makakita pa sa akin na galing ako sa kuwarto ng manyak na 'yon.

"Sa'n ka pupunta?"

"Ay letse!" Napahawak akio sa dibdib ko. "Ano ba? Bakit ka ba nanggugulat?"

"Where are you going?" ulit niya. Messy pa ang mahaba nitong buhok.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon