KABANATA 42

26 8 21
                                    

Jade

Windang ako sa sinabi ni Ssob sa akin. Hindi naman sa choosy ako, ayoko lang mag-assume kahit na pakiramdam ko may ibig sabihin lahat ng gestures niya.

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Stell. Kayayari lang namin mag-shoot ng cooking content namin kasama si Pau.

Medyo may something 'yong isang 'yon kasi after ng take namin ay umakyat agad siya sa room niya. Parang malalim ang iniisip.

Ngumiti ako. "Yeah. Ayos lang."

Ginusot niya ang buhok ko kaya napanguso ako. "May gumugulo sa isip mo 'no? Bukod sa'kin, sino pa 'yong gumugulo sa'yo?" biro niya.

Agad ko siyang kinurot sa tagiliran. Iba talaga 'tong isang 'to. Napapangiti niya kahit pinakamalungkot yatang tao.

"Wala. Naguguluhan lang ako kay Ken at Josh," pag-amin ko.

Ngumiti siya. "Ramdam mo ba? Alam mo sa tinagal-tagal naming magkasama ni Josh, ngayon ko lang siya nakitang ganiyan. Cold kasi siya sa girls, even sa mga naginhmg girlfriends niya. SI Ken naman, ngayon lang yata naging seryoso na lumapit sa iisang babae."

Napataas ang kilay ko. Shocks naman! Lalong ginugulo 'yong isip ko. Stell, ano ba?

"Ayokong mag-assume. Mahirap ma-disappoint. Mahirap masaktan," sabi ko matapos magbuntong hininga.

"Ang ganda naman kasi. Ang haba ang hair. Gusto mo gupitin ko?" pagbibiro ulit niya kaya naman napatawa na ko nang tuluyan.

Napaiktad ako ng may mga brasong umakbay mula sa likuran ko. Shocks! Akbay king na yata 'to.

"Napagod ka ba?" tanong niya.

Napatawa naman si Stell. "Pa'nong mapapagod 'yan, naghiwa lang ng sibuyas tapos umiyak. Naghalo lang din siya ng Kare-Kare no'ng malapit nang maluto."

Napanguso ako. "Nakakaiyak naman kasi talaga. Buti ikaw sanay ka na."

"Hayaan mo, Boss. Simula ngayon, sibuyas na lang ang magpapaiyak sa'yo. Kasi gagawin kong masaya 'yong buhay mo," sabi ni Ssob habang taas baba ang kilay niya at nakangiti sa akin.

Shocks naman! Bakit ba ang daming banat ni Ssob? 'Yong puso ko, parang sasabog na.

"Para-paraan 'yan?" basag ni Jah na tumabi sa akin at hinila ako palayo kay Josh.

"Hoy, Jah! Panira ka ng moment," reklamo ni Josh.

"Hokage moves ka, eh. Gusto mo ba 'tong ate ko? Kasi kung hindi kay Kuya Yani na lang siya," sabi ni Jah habang hawak pa rin ang braso ko.

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang tatlo. si Stell na nagpipigil ng tawa, si Jah na parang nang-aasar at si Ssob na sumeryoso ang itsura.

Shocks! Bakit naman ganito? Pakiramdam ko sumisikip ang mundo naming apat. Kasalanan mo 'to, Jah. Dapat hindi ka na nagtanong ng ganiyan.

Ngumiti ako saka ko pinitik ang noo ni Jah. "Kung anu-ano na naman tinatanong mo. Hayaan mo 'to, Ssob. Walang magawa . . ."

"Eh, ano kung gusto ko nga siya? May magagalit ba?" sabi ni Josh habang naka-smirk.

Shocks! Shocks! As in shocks! Ano'ng sasabihin ko?!

Shocks! Nangatog ang tuhod ko sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kasi sa totoo lang hindi ko in-expect 'to.

Hindi ko alam kung na-e-excite ba 'ko dahil bias ko siya, o kinakabahan kasi hindi ko na yata alam kung anong pakiramdam ng magmahal at mahalin. It's been more that two years. Pa'no kung masaktan na naman ako?

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon