KABANATA 14

35 8 24
                                    

Jade

"Kilig ka na niyan? Paano pa kung ako kumagat sa 'yo?"

Napatanga ko sa narinig ko. Expected ko sana kung si Jah or Stell 'to, dahil joker sila pero hindi.

"Joke lang! Why so serious?" nakangiti nitong sabi.

Ay! Siraulo pala 'to. Akala ko may aso na sa SB19, eh. May pagkagat pang nalalaman.

Ngumiti ako. "Natakot naman ako sa 'yo. Akala ko may aso na sa SB19," biro ko.

Lalong lunawak ang ngiti niya, kitang kita ang braces  niya na bumagay sa maganda niyang ngiti. "Papakagat ka ba, in case?"

"Sira! Ano 'yon, aso pala ang leader ng SB19?" nakangiti kong sabi bago humakbang na papasok sa loob.

"P'wede rin. I love dogs, anyway," sagot niya kasunod ko.

"He! Hindi bagay sa 'yo," nakangiti ko pa ring sabi. Sino ba naman ang hindi mapapangiti, nakakahawa ang ngiti ng isang 'to.

"Kasi sa 'yo ko bagay?"

Hala! Bakit ba ang dami nilang banat? Lalo tuloy akong kinikilig. Imagine, idols ko 'tong mga 'to. Parang panaginip naman.

Hindi ako sumagot. Hindi ko kasi alam kung ano bang isasagot ko. Baka mamaya joke lang ulit, pahiya pa 'ko.

Nakita ko si Becca na kausap si Ate Rose, Stell at Jah. Nakangiti sila, baka nagkukulitan, kasi makulit naman talaga sina Stell at Jah.

Hindi nagtagal, nalingon si Stell sa akin, kaya kinawayan ko siya gayon din si Jah. Nakita ko pang nagpaalam si Stell kay Becca bago sila gumawi rito.

"Hi, Jadee!" bati nito. Inalok nito ang kamay niya kaya tinanggap ko naman. Ayokong mapahiya si idol, saka isa pa, chance na rin. Minsan lang 'to, eh.

"Hello, Vestey! Kamusta?" sagot ko. Vestey ang itinawag ko sa kaniya from his name, Stellvester and nick name, Tey. Ayos naman sa kaniya 'yon para raw may tawag din ako sa kaniya.

"Ayos lang, ang ganda mo talaga," sabi niya. Medyo nahiya ako kaya medyo napayuko ako saglit para itago ang pamumula ng pisngi ko.

"Mas maganda ka, 'wag kang papatalo," sabi ko naman kaya natawa siya pati si Jah na palapit sa amin.

Agad lumapit si Jah sa akin at nagulat ako nang bigla itong yumakap.

Ay! Para-paraan naman si Bunso.

"Hello, ate! Welcome!"

Napangiti ako at ginatihan na rin siya ng yakap. Nakakatuwa dahil napaka-warm ng welcome nila sa akin.

"Thank you, bunso," sagot ko.

"Aww, wawa, Bebe Jah," pang-aasar ni Josh.

Humiwalay si Jah at ngumuso. Inambaan niya pa si Josh. "Busit ka, Josh!"

"Teka, wala pa si Ken?" tanong ni Pablo.

"Sabi sa inyo, mamaya pa 'yon. Baka tolog pa," sabi ni Jah habang nakahawak sa braso ko.

"Gisingin niyo na kaya?" suggestion ni Stell.

"Gising na ko!" agaw eksenang bungad ni Ken. Kasalukuyan itong pababa ng hagdan.

Napalunok ako nang tumama ang paningin ko sa kaniya. Naka-black ripped jeans siya at fitted sando. Bagay sa magandang build ng katawan nito. Halata ring bagong ligo ito dahil tumutulo pa ang buhok nito.

Shocks! Why so hot, Ken? Bakit kailangang ganiyan ang suotin mo?

"Sige, mag-ayos na kayo. Make-up na, para makapag-proceed na," sabi ni Ate Rose.

Agad umayos ang SB19. Nagkanya-kaniya silang business para ayusin ang sarili.

Umayos na rin ako ng tao at gagawi na sana kay Becca pero nakasalubong ko si Ken.

"Hi, Jaja. Ano, sisiw ka na ba?" gumalaw ang gilid ng labi niya.

Shocks! Bakit mapula na 'yong lips mo kahit walang lipstick?

"Barbecue pa rin," pinilit kong ngumiti kahit parang nanginginig 'yon.

Hinawakan niya ang kumawalang hibla ng buhok ko at iniipit iyon sa tainga ko. "Kung hindi pa, mamaya bago ka umuwi, sisiw ka na."

Nginitian niya ko at kinindatan bago niya ko tinalikuran at gumawi na sa mga kasama niya.

"Ganda mo 'te. Parang panty, 5 in 1. Mamigay ka naman, bakla," bungad sa akin ni Becca na dala na ang make-up kit niya. Hindi naman kailangan ng bonggang make-up, nakasanayan ko naman na iyon, pero kailangan kong mag-retouch ng bahagya dahil grabe ang visuals ng mga ito.

Paula

Badtrip na lumabas ako ng kuwarto. Sayang 'yong damit ko. Hindi pa man narurumihan pinalitan ko na. Kung hindi lang malakit at amoy pawis ayos pa sana 'yon.

Lumabas ako ng bahay at nilagay sa compartment ng motor ko ang pinagbihisan ko. Napansin ko ang pulang kotse. Malamang nandito na 'yong sikat na artista.

Iiling-iling akong lumakad papasok na sana pero may humila sa gilid ko. Isinandal niya ko sa pader at tinakpan ang bibig ko gamit ang palad niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin ako sa mga mata niya. Para bang may hipnotismo ito at hindi ko na maialis sa kaniya ang paningin ko.

Unti-unting inalis niya ang palad niya sa bibig ko habang magkahinang pa rin ang mga mata namin. Bumalik na naman ang pamilyar na pakiramdam na 'to.

Paula! Gising! Gumalaw ka! Patibong 'yan!

Pero, letse! Parang may isip ang katawan ko. Hindi ako makagalaw at nakatingin lang ako sa mga mata niya.

Huli ko nang namalayan na nakalapat na ang mga labi niya sa labi ko. Gulat na itinulak ko siya.

"Bastos!" inis kong sabi saka ko siya tinalikuran at pumasok na 'ko sa loob. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya iyon. Lalong hindi ako makapaniwala na bibilis ulit ng ganoon ang tibok ng puso ko.

Paula, don't fall on his traps.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng flow ng vlog nila. Narinig ko pa sa mula sa likod ko na may kausap si Pau.

"Kasi sa 'yo ko bagay?"

"Siraulo! Sige, magpauto ka sa Pablo na 'yan, tignan ko lang," bulong ko sa sarili ko.

Itinuon ko ang pansin ko sa pagbabasa hanggang sa narinig kong magsalita si Ate Rose.

Pinaayos na niya ang staff, gayon din ang SB19.

Napunta sa artista ang tingin ko. Medyo curious ako kung sino ba ito. Sa tingin ko bigating artista 'to dahil unang beses na pumayag si PopC sa collaboration ng SB19.

Napalunok ako nang makita ko ang babaeng sinasabi nila. Sakto rin na nasalubong niya ang tingin ko.

"What the hell! Siya ba? Bakit siya pa?"

A/N

Aayyyyyyyiiiiieeeeehhhhh bitin na naman. WAHAHAHA pasensya na. Magagalit na ba si Keuna niyan? charot! Bitin talaga muna. wahhaha























HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon