Jade
Natapos ang medyo awkward na dinner namin. Actually hindi naman siya super awkward sana. Medyo nailang lang ako kay Josh at Ken. Shocks! Hindi ko sila ma-gets. Balak yata nila kong patayin sa sobrang kilig. Tapos dumagdag pa 'tong si Pablo tapos 'yong feeling na may something sila ni Denise. Plus, 'yong pagiging tahimik ni Becca at bangayan ni Jah at Zen.
Shocks talaga. Mother Earth, ano nang nangyayari?
Nandito kami sa malaking guest room. Maraming room dito sa SB19 house kaya inalok nila kami nang separate rooms, pero pinili namin na isang room ang gamitin. Suggestion din 'yon ni Ken, para raw komportable kami.
"Ramdam niyo 'ying tension sa pagitan ni Pablo at Denise?" tanong ni Amaris. Inaayos nito ang gamit niya.
"Sabi sa'yo, bakla. May something sa kanila. Tama ang instinct ko," sabi naman ni Becca. Kalalabas lang nito sa banyo.
Nauna kong maligo at magbihis, sumunod naman si Amaris sa akin dahil alam naming makupad si Becca.
"Hindi kaya nag-o-over think lang tayo?" sagot ko sa kanila. Kitang kita ko ang sabay nilang pag-irap.
"Duh! Mare, sa ating apat, ikaw ang may pinaka malakas ang instinct. 95% totoo ang instinct mo, remember?" maarteng sabi ni Amaris. Naupo na ito sa kama at nagsuklay ng buhok.
"Correct! Alam mo bakla, alam kong nararamdaman mo rin 'yon. 'Wag kang painosente, hindi bagay," hirit naman ni Becca.
Ligo lang pala ang katapat ng isang 'to. Kanina badtrip, ngayon nasa-mood na.
"Yeah. 95% accurate ang instinct ko, at mabilis akong kutuban. Pero, shocks! Kilala niyo ko. I don't like assuming things. I want. . ."
"CONFIRMATION!" sabay nilang putol sa akin.
Shocks talaga! Minsan masarap sapakin 'tong dalawang 'to. Si Angela lang talaga ang maasahan kong kakampi.
Sana pala hindi ko na sinama si Amaris. Nagkaroon pa tuloy ng kakampi 'rong Becca na 'to. Bakit ba 'ko pumayag sa plano ni Vestey?
Naudlot ang usapan namin nang may kumatok sa pinto. Dahil nagb-blower pa si Becca at tamad naman si Amaris, ako na ang tumayo.
Binuksan ko ang pinto at napalunok ako nang makita kung sino 'yong kumakatok.
Shocks! Ang yummy!
Mukhang kaliligo lang nito dahil basa pa ang buhok niyang naka-brush up. Naka sando rin siyang itim at itim ring jersey shorts.
"Yari ka na?" nakangiti niyang sabi.
"H-Huh? Yari?" naguguluhang tanong ko.
"Yari ka nang titigang ako, boss?" aniya habang may pilyong ngiti.
Shocks! Ginawa ko ba 'yon?
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko kaya napayuko ako. Shocks! Nakakahiya. Bakit ba kasi ang guwapo mo, Ssob?
"Hindi, ah. Teka, bakit andito ka?" pag-iiba ko ng usapan.
Itinaas niya ang kanang kamay niya at itinukod iyon sa hamba ng pintuan. Kinabahan ako dahil isang dangkal na lang ang distansya namin.
Shocks! Lord, teka lang naman. Hindi yata ako makahinga.
"Sinundo lang kita. Ngayon ang premier ng vlog mo. Malapit ng mag-seven," aniya. Shocks! Amoy ko 'yong mint sa bibig niya. Parang bagong toothbrush lang.
"Huh? Ah... kasi... ano..." Shocks! Ja, ano bang nangyayari sa'yo?
Ngumiti siya. Para bang natutuwa pa siyang makitang namumula ako kasabay ng pagkataranta ko.
"Kami ba hindi kasama sa susunduin mo, Ssob?" singit ni Becca sa likuran ko. Napangiti si Josh at umayos ng tayo.
Para kong nabunutan ng tinik. Napatingin ako kay Becca, hawak na niya ang laptop at phones ko. Katabi naman niya si Amaris na halatang nang-aasar base sa pagkakatingin niya.
"Josh Cullen Santos, huh?" sabi pa ni Amaris bago lumakad at nilagpasan kami.
"Lagot ka sa mga barbecue. Sumingit ka sa pila," sabi naman ni Becca na lumakad na rin.
"Siraulo," bulong ko na narinig naman ni Josh kaya natawa na lang siya.
"Tara na. Baka ma-late ka sa pag-upload ng video. Nasa studio na sila," sabi ni Josh.
Hindi na ko nakasagot dahil hinawakan na niya ang palapulsuhan ko at hinila papunta sa studio.
Kasabay nang mga hakbang namin ay ang nagwawala kong puso. Shocks! Bakit ganito?
Nadatnan naming nandoon na nga sila. Sine-set-up na ni Becca ang laptop ko habang nakaupo naman si Amaris sa carpet. Mukhang inayos nila ang dance studio para doon kami manood. Nakalatag kasi ang carpet at may mga unan para maging komportable pa rin.
Magkatabi si Jah at Pau, si Amaris naman ay nakabukod, habang nasa isang sulok naman si Denise at nakatutok sa cellphone. I looked around, parang kulang sila.
Nasaan si Ken?
"Si Ken?" Hindi ko na kailangang magtanong dahil si Josh na 'yong nagtanong.
Naupo ako sa tabi harap ni Jah. Tumabi naman si Josh sa akin.
"Sinundan ka kanina. Hindi mo ba nakita?" sabi naman ni Stell. Tumayo siya at lumapit kay Becca. Mukha kasing nahihirapan siyang iayos ang TV.
"Tulungan na kita?" offer niya kay Becca. Pero shocks, ito na naman siya. Mukhang may sumpong na naman. Hindi na naman kumikibo.
"I've seen him. Nakasandal siya sa wall kanina no'ng lumabas ako ng room," sabi ni Amaris.
Shocks! Nandon siya?!
"Hindi ko siya napansin," sagot naman ni Josh.
"Sa iba ka kasi nakatingin, kaya siguro," biro ni Amaris.
It took only few minutes when Ken arrived. May dala siyang chips. Lumakad ito papunta sa gawi namin, at bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang huminto siya sa tapat ko. Naupo siya sa tabi ko at ibinigay sa akin ang malaking Nova.
"Favorite mo 'to, 'di ba?"
Napayuko ako dahil pakiramdam ko namumula na naman ako. Shocks! Bakit napapadalas yata ang pagba- blush ko?
"Thanks."
Lumapit si Jah kay Ken. "Hoy po! Bakit ako wala?"
"Bakit, Jaja ka ba? Jah ka lang," sagot naman no Ken.
"Pahingi ako. Piattos gusto ko," aniya na kinuha na ang pinakamalaki.
"Parang bata," komento naman ni Amaris.
"Inggit ka lang," sagot naman ni Jah.
"Bakit ako maiinggit sa pagiging isip bata mo? Eww!"
Tumawa si Jah. "Gusto mo ba ng patunay na hindi ako isip bata?"
Amaris
Shete! Nakakairita talaga 'tong lalaking 'to. Manyak na isip bata?
"Bakit ako maiinggit sa pagiging isip bata mo? Eww!"
Tumawa pa ang gago! Halos mapaatras naman ako nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
Leste! Bakit hindi ako makagalaw?
Napalunok na lang ako ng magtama ang mga mata namin. Halos maduling ako dahil malapit ang mukha namin. Buti na lang nasa gawung likuran kami.
"Gusto mo ba ng patunay na hindi ako isip bata?"
Hindi ako nakasagot. Biglang may kabang naramdaman ako sa dibdib ko. Nag-iilusyon ko lang, Amaris. Duh! Si Jin ang nasa puso mo.
Agad ko siyang itinulak.
"Manyak ka talaga!"
Tumawa ito. Letse ka!
"Takot ka naman pala, eh."
A/N
Good afternoon! Hahaha ang haba pala ng scene na 'to. Hindi na natapos ang overnight. HAHAHHAA
![](https://img.wattpad.com/cover/267500863-288-k962660.jpg)
BINABASA MO ANG
HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]
FanfictionSa mundong puno ng pagsubok at pagbabakasakali, marami sa atin ang pinipiling tumakas at takbuhan ang mga dapat ay hinaharap. Kasama na yata sa salitang "mabuhay" ang"lumaban", pero kasama rin sa iba ang salitang "takasan". Jaja is one of those who...