Eris
Huminga ko nang malalim bago ko bumaba sa sinasakyan ko. Inilibot ko ang paningin ko. Wala pa ring pinagbago ang lugar na ito. Ito pa rin 'yong lugar na iniwan ko noon.
Hila ang maleta ko, dahan-dahan akong pumunta sa pamilyar na bahay na iyon. 'Yong bahay na naging saksi ng masasayang alaala kasama ang pamilya niya, kasama siya.
Tulad ng inaasahan, maraming tao sa labas. Siguro mga kamag-anak at mga kaibigan nila. May mga taong pamilyar sa akin, meron din namang hindi ko kilala.
Nanginginig ang tuhod kong lumakad papasok sa bahay. Nakasalubong ko si Tita Tes, isa sa mga tita ni Ken.
"Pangga! Nandito ka na pala? Hinahanap ka ni Mamang bago siya nawala," maiyak-iyak nitong salubong sa akin.
Napayakap ako sa kaniya. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Hindi ko lubos maisip na wala 'yong taong sumuporta at nagmahal sa akin, sa amin.
"Ang daya naman ni lola, tita. Bakit hindi niya ko hinintay?" basag ang boses kong sabi.
Kumalas siya sa akin. "Halika sa loob. Nandoon si Kenji."
Lalo akong nanghina sa sinabi ni Tita. Akala ko handa na kong makita siya ulit, pero bakit kinakabahan pa rin ako?
Nagpatianod ako kay tita at pumasok sa loob. Iniwanan ko muna 'yong maleta ko sa sulok ng pinto bago ko nakita ang dalawang taong dahilan ng pag-uwi ko, si lola na nasa kabaong na, at siya na nakaupo sa tabi nito.
Kahit pinigilan ko, hindi nagpaawat ang mga luha ko. Nag-uunahan itong lumabas sa mga mata ko at tumulo sa pisngi ko.
Lalong nadurog ang puso ko nang makalapit ako nang tuluyan kay lola. Para lang siyang natutulog.
"No more pain, la. Ang daya mo naman. Sana hinihintay mo 'ko. Six months na lang uuwi na 'ko, eh," hindi ko napigilang sabihin.
Hindi ko na napigilang kumawala ang emosyon sa akin. Lalo pa 'kong naiyak nang harapin ko si Ken.
God! He's really in pain.
Kitang kita sa mga mata niya ang sakit na itinatago niya sa tipid niyang ngiti.
Alam kong napakasakit nito sa parte niya. Si lola na ang nagpalaki sa kaniya simula nang sanggol pa lang siya.
Nilapitan ko siya kahit nangangalog ang tuhod ko. Pakiramdam ko unti-unting sumikip ang paligid habang pilid akong ngumingiti sa kaniya habang pinapahid ang luha ko.
"My deepest condolences, Kenji." Iyon lang ang nasabi ko. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin gayong kita sa itsura niya ang pinagdaanan niya.
Nagulat ako nang tumayo siya at lumapit sa akin. Halos manginig ako nang yakapin niya ko. "Pangga, wala na si lola. Iniwan na niya tayo," sabi niya sa kabila ng mga hikbi niya.
Parang dinudurog ang puso ko. Kasabay ng paghagulgol niya ay naiyak na rin ako. Kusang gumalaw ang mga braso ko para hagurin ang likod niya.
"Shhh. Kenji, magiging okay rin ang lahat. Nasa langit na si lola. Alam kong masaya na siya ro'n."
Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa ganoong posisyon. Pero pakiramdam ko naubos ang tubig sa katawan ko dahil sa pag-iyak.
Natagpuan ko na lang 'yong sarili kong nakaupo sa tabi niya. Pareho kaming tahimik. Walamg gustong magsalita.
Ilang taon na ba simula nang maghiwalay kami at mawalan ng koneksyon? Matagal na rin pala.
Natuwa ako nang umuwi si Ken. Akala ko hindi na siya uuwi. Birthday ko ngayon, pero dahil nga nasa Maynila siya, walang kasiguruhan na darating siya.
Nakangiti niya akong nilapitan pagdating niya. Tulad ng dati agad niya akong niyakap.
Na-miss ko 'to. Mukhang ma-mi-miss ko talaga 'to dahil baka huli na ito.
Nakangiti niyang iniabot ang isang supot sa akin. May laman iyong maliit na regalo.
"Happy birthday, Pangga!"
Napangiti ako. Tiningnan ko muna 'yong mga nasa paligid ko bago ko iyon binuksan.
Natutop ko ang bibig ko nang makita ang isang gintong kuwintas na laman ng regalo. Hugis puso ang palawit niyon na may bato sa gitna. Maging sina lola at tita ay namangha rin.
"K-Kenji, para saan 'to?" taka kong tanong.
"Regalo ko sa'yo, Pangga. Ayaw mo naman kasing ipakatay 'yong mga manok para sa birthday mo. Kaya iyan na lang," nakangiti niyang sabi.
Agad kong ibinalik sa kahon ang kuwintas at ibinalik iyon sa kaniya. "Hindi naman na kailangan ng ganiyan, Kenji. Baka mahal 'yan."
Tumawa siya at ibinalik sa akin ang kahon bago niya hinawakan ang kanang pisngi ko. "Kahit mahal pa, basta para sa'yo. Saka pinag-ipunan ko sa pagmomodel 'yan."
"Kenji, hindi mo naman ako kailangang bilhan ng ganito. Sana inipon mo na lang."
"Ano ka ba, Pangga. 'Pag sumikat na kami, marami akong bibilhin para sa'yo, para kina lola. Tapos pupunta tayo sa USA," nakangiti niyang sabi.
Wala na kong nagawa nang alisin niya sa kahon ang kuwintas at isuot sa akin.
Simpleng celebration lang ang ginawa namin. Kainan lang at kuwentuhan.
"Pangga," tawag sa akin ni Ken habang nasa hardin kami ni lola, nakaupo sa malaking bato sa ilalim ng puno ng mangga.
"Hmm?"
"Babalik din ako bukas. Nagpaalam lang kasi ako saglit kay PopC. Kailangan ko rin bumalik kasi may practice kami," paliwanag niya.
Ngumiti ako. "Ayos lang, Kenji. Hindi mo naman ako responsibilidad. Alam kong importante sa'yo 'yong pangarap mo."
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Salamat, Pangga. Salamat at naiintindihan mo 'ko."
Akala ko noon, madali lang. Akala ko noon kakayanin namin. Hanggang sa may natanggap akong sulat sa kaniya.
Pangga,
Gusto kong mag-sorry kasi hindi na ko nakabalik diyan. Sobrang busy lang talaga. Pinagsasabay ko kasi ang pagmomodel at training. Medyo mahirap dahil ang dami naming kailangang gawin.
Alam ko naiinip ka nang maghintay sa akin. Alam kong sobrang tagal na. Hindi ko maipapangako kung gaano 'ko katagal makakabalik diyan. Pero sigurado akong matatagalan ako. Kaya, Pangga. Sana 'wag mo na 'kong hintayin. Ayokong masayang ang oras at panahon mo kakahintay sa akin na walang kasiguruhan kung kailan ako darating o kung babalik pa ba 'ko.
I'm sorry, Pangga. Alam mo kung gaano ka kaimportante sa akin. Alam mo kung gaano kita kamahal. Pero ayokong masayang ang panahon at kinabukasan mo kakahintay.
I'm sorry. Hindi ako sumuko para sa sarili ko. Sumuko ako dahil ito 'yong alam kong makakabuti para sa 'yo. Para sa atin. I'm sorry, Pangga. I love you.
Ang awkward ng feeling.
"Kumusta?" sabay naming sabi.
Napayuko siya. Napangiti.
Ikaw pa rin si Kenji. Ikaw pa rin 'yong Kenji na nakilala ko.
A/N
WAAAAHHH! Pasensya natagalan. hihi may ginawa pa ko. Pero ito na. WAHAHAHAHA bukas ulit 'yong kasunod.
BINABASA MO ANG
HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]
FanficSa mundong puno ng pagsubok at pagbabakasakali, marami sa atin ang pinipiling tumakas at takbuhan ang mga dapat ay hinaharap. Kasama na yata sa salitang "mabuhay" ang"lumaban", pero kasama rin sa iba ang salitang "takasan". Jaja is one of those who...