KABANATA 32

24 6 16
                                    

Jah

"Umiinom ka? Lagot ka," banta sa akin ni Josh. Bigla na lang siyang sumulpot sa likuran ko.

Naupo siya sa isang stool. "Pampatulog lang."

Tumawa naman ang siraulong 'to. May nakakatawa kaya. 'Pag walang nakakatawa tumawa, 'pag joke ko, hindi. Walang kuwenta.

"Nakalahati mo na 'yang iniinom mo, tapos nagpapantok ka lang? Yari ka talaga kay Pau," pananakot niya.

"Gusto mo? Inggit ka yata, eh."

"Lolo mo, inggit! Concerned lang. Yari ka rin kay PopC 'pag nagkataon."

Napakamot ako ng kilay. "Oo na. Hindi na."

Isinarado ko ang bote saka inilayo sa akin ang baso. Doon ko naalala 'yong tanong kanina."Gusto mo si Ate Jade?"

Ngumiti lang siya. "Tingin mo?"

"Parang. Siguro."

"Loko mo. Alam mo, bagay kayo no'ng kaibigan ni Boss," sabi pa niya.

"Si Becca?"

"Si Zen, Zen Amaris."

Natawa ko. "Maria Clara ang type ko, hindi Maria Mercedes. Masyadong maarte at wild 'yon."

Tinawanan pa ko ng gago.

"May nakakatawa?"

"Wala. Sige, matutulog na ko. Umakyat ka na rin. 'Wag ka nang uminom, baka magalit si Tita Gemma dahil hinayaan ka namin," sagot niya bago tumayo at lumakad na palayo.

"Ayos lang 'yon. Nandito naman ako sa SB19 house," sagot ko bago ko tumayo at pumunta na sa kuwarto ko.

Luh! Hindi ko alam na nakakahilo pala 'yong alak na 'yon. May tama na yata ako.

Ni-lock ko 'yong pinto at sumampa na 'ko sa kama ko. Buti na lang naligo na 'ko kanina. Hindi ko in-expect na tatamaan ako sa nainom ko.

Luh may tama na nga yata ako. Bakit parang may katabi ako sa kama ko? Parang may tao?

Makatulog na nga lang. Hilo na yata talaga 'ko.

Jade

Inayos ko muna si Becca sa kama. May dalawang kama sa kuwarto, isang queen sized bed at isang single bed. Dahil nakainom sila, tabi na lang silang dalawa, ako na sa single bed.

Inayos ko rin si Amaris kahit pa medyo mabigat siya. Mabuti na lang hindi nagsuka itong dalawang ito. Kung hindi, yari talaga sila sa akin bukas.

After almost an hour, naayos ko na rin. Shocks! P'wede nang matulog.

Pumwesto ko sa kama ko para matulog na sana, pero naudlot 'yon dahil sa isang tawag.

Shocks! Ito na naman, ang bilis na naman ang tibok ang puso ko.

Kabadong sinagot ko ang tawag. "Hmm?"

"Tulog ka na?"

"Yeah."

Tumawa siya sa kabilang linya. "Ano 'yan, sleep talking?"

Napangiti ako. "May gano'n ba?"

"Hindi ko alam. Baka."

"Imbento ka."

"Yabang."

"Bakit tumawag ka?" pag-iiba ko ng usapan.

"Just checking on you. Baka hindi ka komportable sa pagtulog."

"Komportable naman ako. Naayos ko na rin 'yong dalawa."

"Buti naman. Sige, matulog ka na, Jaja."

"Eh, ikaw? Hindi ka pa matutulog?"

Humikab siya. "Matutulog na rin. Gusto lang muna kitang makausap."

"Bakit?" tanong ko. Pero mali yata 'yong tanong ko. Hindi siya sumagot. "Hey, nandiyan ka pa?"

"Andito pa 'ko. Hindi naman ako mawawala sa'yo. Kasi magkaibigan tayo, we're friends, 'di ba?"

Hindi ko alam pero parang na-disappoint ako sa sagot niya. Parang hindi 'yon 'yong sagot na gusto kong marinig.

"Yeah. Tulog na tayo, Ken Ken?"

"Sige. Goodnight, Jaja. Sweet dreams."

"Good night, Ken."

Hindi konna hinitay 'yong sasabihin niya. Pinatay ko na ang tawag at pinilit ang sariling matulog.

Paula

Medyo hilo ko nang bumalik sa kuwarto ko. I never drink before. Pero, people change. Pagpunta ko sa Korea, may mga bagay na natutuhan ako, at isa na ro'n ang uminom minsan. Yeah, minsan lang naman, kaya may tama pa rin sa akin ang alak minsan.

Pinatay ko ang ilaw at mahihiga na sana. Pero, nataranta ko nang may pumasok sa pinto ko. Letse! Hindi ko pala naisarado.

Napalunok ako ng kumalat ang amoy ng pabango niya. Alam kong siya 'yon.

"Why are you here?" tanong ko. Nakatalikod ako sa kaniya.

Napahinto ako ng bigla niya kong hilahin palapit sa kaniya. Hinapit niya ang baywang ko gamit ang kaliwang kamay at hinawakan ang baba ko gamit ang kabila niyang kamay.

Rumagasa na naman ang kaba ko nang naramdaman ang labi niya sa labi ko.

Naestatwa ako no'ng una, pero parang may sariling isip ang mga labi namin. Parang mananayaw na sumasayaw sa sariling musika.

Gago! Paula, ano bang nangyayari sa'yo? Lumaban ka.

Nangatog ang tuhod ko nang lumalim ang mga halik niya. Hindi ako makatutol sa hindi ko malamang dahilan.

I can't help but moan when he moves his arms touching my back.

"Pau..." hindi ko na makilala ang boses ko. I felt his lips between my shoulder and my neck. Kasabay no'n ang paglalakbay ng palad niya sa hita at likod ko. It's giving me electrifying pleasure which is taking my sanity away.

Paula, lumaban ka. Kaya mo 'yan. 'Wag mo nang ulitin 'yong nangyari dati.

"Pau, stop. Please..." hindi ko alam kung paano ko nasabi ang pagtutol na 'yon. There's a part of me who likes what he's doing, pero half is saying it's wrong.

Para siyang natauhan at napaso. Agad siyang lumayo sa akin. Napasabunot siya sa sarili at padabog na naupo sa kama.

"I'm sorry," bungad niya.

Pero dahil nabigla ako, hindi ako nakasagot. Letse namang kasing lalaking 'to.  Bakit ba kailangan niyang sumulpot bigla?

"Don't you wanna say sorry too?" tanong niya.

"I told you how sorry I was. Hindi ko na kailangan pang ulitin, Pau," cold kong sabi.

"Sabi mo, it's like that. Don't you like explaining everything to me?" seryosong tanong niya.

"Hindi mo maiintindihan. May dahilan ako, pero sa akin na lang 'yon," sagot ko.

"Bakit hindi ko subukan? Bakit hindi ka mag-explain? I'm sure, I'll understand," confident niyang sabi.

Napangisi ako. "'Wag na, Pau. It's past already. Hayaan na lang natin."

He smirked. "So gano'n na lang 'yon? Tatapusin na lang lahat? Pa'no naman 'yong feelings ko?"

Napabuntong hininga ako. "Move on, Pau. It's over. Hayaan na natin. Tama na."

Tumayo siya at tinalikuran ako. Hinarap nito ang pinto. Pero bago siya makalabas, tumatak sa akin ang sinabi niya.

"If that's okay with you, sa akin hindi. Kung ayos lang sa'yo na sumuko, ako hindi. If you can't fight anymore, then I will. Hindi ako bibitaw lalo at alam kong ako pa rin ang nasa puso mo."

Gago! Bakit ba hindi ka na lang sumuko? Tama na. Pareho lang tayong mahihirapan. Ayoko ng pansamanatalang kasiyahan. Ayokong magbago ang lahat 'pag dumating si Dan.

A/N
Kamusta? Kaya pa ba? WAHAHHA Hindi pa tapos ang ON. WAHAHHA meron ps, charot!


HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon