KABANATA 16

19 7 14
                                    

Becca

Na-check ko na lahat ng cameras at andito ako ngayon sa main camera. Kailangan maganda ang kuha dahil maarte ang baklang 'yon. Maiinis kasi hindi maayos 'yong kuha pero wala rin namang magagawa. Hello, nakakahiya 'pag pinaulit.

Pero para maganda kailangan kong ayusin ang buhay ko. Kailangan maganda ang kuha lalo. a kay Jah.

Naupo na lang ako dahil naka-tripod naman. Nakakaloka, ayokong mangawit ang beauty kong ako lang yata ang nakakakita.

Natahimik kami nang magsimula na ang nagmamagandang si Jade.

"Hello, mars and pards. Welcome to Jade Diary. Today, madagdagan na naman ang memories sa ating diary dahil hindi lang isa, hindi lang dalawa kung hindi lima ang makakasama natin today! Kasama ko ngayon ang isa sa pinakasikat na grupo not only here in the Philippines, as well as in the whole universe. Yes, kilala sila ng mga aliens. Pero, syempre charot lang."

Low-key mais din 'tong isang 'to. Ayaw oang umamin, taga maisan din pala.

"Mga mars and pards, let's welcome, SB19. Welcome sa aking vlog!"

Ngumiti naman ang SB19. Actually, may drafts naman na silang ginawa. May GC kasi sila na ayaw akong isali. Doon nila pinag-usapan ang mga ganap sa vlog na ito.

Wala naman silang script. Plano lang. Sabi kasi ni Pau, yes close kami. Charot lang, sabi niya raw mas natural kung walang script na may point naman. Baka maukhang peke parang friend mo kung scripted ang linyahan.

"Hello, Miss Jade. Kamusta po ang pakiramdam na makasama kami?" biro ni Stell.

Witty ka Stell huh? Sige lang, okrayin mo si Jade. Para mainis.

Pero sa halip na mainis nasakyan ni bakla ang joke ni Stell. "Luh, ako pala ang guest." Tumawa muna siya bago nagpatuloy. "Honestly, requested talaga ito ng nga viewers at supporters, pati ng A'tin. Pero nagulat pa rin ako. Hindi ko naman in-expect na tatanggapin niyo 'yong collaboration since hindi pa nangyayari 'yon. Then sobrang na-overwhelmed ako no'ng sinabi nga ni Becca na pumayag daw. Sobrang kinabahan ako."

"Mas kinabahan kami, kasi isang Jade Rivera 'yong nag-invite sa amin," sabi naman ni Pablo.

"Totoo. Kasi isa ka sa pangarap naming maka-work dito sa industry," dagdag pa ni Jah.

"Ay, baka magkaiyakan na tayo niyan," hirit ni Jade.

Sana all iyakin.

"Start muna tayo sa unang question galing kay @Keuna. Ang dami nang views ng bago niying music video, number 1 din sa Spotify sa iba't-ibang bansa, kamusta 'yong feeling, nag-sink in na ba?"

Umayos si Stell ng upo at sinagot ang tanong. Shete naman! Bakit napakaguwapo naman ni Stell. Bakit parang masguwapo na siya kay Jah sa paningin ko. OMG! Isa na akong taksil na mais.

Marami pang naging tanong, pero dahil natulala na yata ang maganda kong mata kay Stell, hindi ko na namalayan na game portion na.

Becca, isa kang mais. Kailangan ka pa naging strawberry?

"Simple lang ang mechanics natin, magbibigay ako ng situation then sasabihin niyo lang kung game or pass," narinig kong sabi ni Jade.

"Luh, kinakabahan ako," sabi ni Jah habang nakahawak sa magkabilang pisngi. Ang cute mo riyan amo.

"Game. Question number 2, Would you date a fan?"

Nag-isip muna sila. Napatingin sa gawi ko si Stell saka ngumiti. Ay jusmiyo Marimar! Bakit ako kinilig?

Nagtaas sila ng sagot at lahat sila ay game.

"Game ako ro'n. Wala naman kasing makakapagsabi ng mangyayari sa future. Kung may magugustuhan man akong fan, p'wede ko naman siyang i-date. Kung baga, ayokong magsalita ng tapos," paliwanag ni Josh habang seryosong nakatingin kay Jade.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon