KABANATA 53

25 6 67
                                    

Jade

Nauna kaming bumaba ni Josh sa van. Ako kasi 'yong nag-volunteer na bumili ng tickets.

"Ako nang makikipag-usap. Dito ka na lang, Boss," sabi niya kahit kaunti lang naman ang distansya ng ticket booth dito.

Ngumiti na lang ako at hinayaan siya. Shocks! Akala ko date na 'yong sa restaurant, may amusement park pa pala. 

Kaya lang amusement park. Paano ka mag-e-enjoy rito?

Naalala ko, iniwan pala namin si Pau sa mall. Hanggang ngayon kasi hinihintay niya pa si Paula na mukha namang hindi sisipot. Nakakaawa rin 'yong isang 'yon. Shocks naman kasi, bakit ba ang tiyaga niya? Kung talagang hindi pa naka-move on 'yon, hindi siya matitiis no'n.

Napahugot ako ng hininga ng dumating si Ssob at umakbay sa akin. "Sorry, Boss. Pumila pa 'ko. Nainip ka ba?"

Ngumiti ako at sumabay sa kaniyang maglakad pabalik kina Stell. "Ayos lang. Hindi ka naman matagal."

"Ikaw lang naman 'yong matagal, eh," sabi niya.

Shock! Pinagsasasabi ni Ssob? "Huh?"

"Ang tagal mong dumating, dati pa kita hinihintay," sabi niya saka nagmamadaling naglakad.

Shocks! Teka. Loading yata ako.

Ilang sandali lang nasa loob na kami ng amusement park. Honestly, ayoko talaga rito. Shocks! Anong gagawin ko rito? Ayoko sa mga rides. Baka sumabog at kumalat dito lahat ng internal organs ko.

Napahintp ako nang hawakan niya 'yong kamay ko. "Ayos ka lang?"

Alanganin akong ngumiti. Shocks! Sa totoo lang hindi ako okay. Ayoko rito. "Yeah. I guess?"

Para kong ewan ng lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Alam ko hindi ka okay. Takot ka sa heights, 'di ba? Preho kayo ni Ken."

Hindi ako sumagot dahil nabigla talaga ko ng bongga. Pero ang sarap sa pakiramdam nang nasa bisig niya. Shocks! Bakit ang harot ko?

Napapikit ako ng ipatong niya ang baba niya sa balikat ko. "Alam kong takot ka. Hindi naman kita pipiliting gawin 'yong mga bagay na hindi mo pa kaya. Pero sana hayaan mo 'kong samahan kang harapin lahat ng takot mo."

Shocks naman! Bakit ganito si Ssob?

Hindi ko alam pero kusa na lang gumalaw 'yong kamay ko. Kusang yumakap pabalik sa kaniya. Pakiramdam ko kahit takot ako, kaya ko.

Humiwalay siya ng yakap bago niya iniipit ang hibla ng buhok ko sa tainga ko. "Let's go? Ikaw 'yong pumili kung saan tayo pupunta. Ikaw ang boss ko, kaya ikaw ang masusunod."

Nagpatinanon na lang ako. Honestly, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Halos kalahating oras na kaming naglalakad na magkahawak ang kamay. Walang eksaktong plano kung saan ba kami pupunta.

Kahit tahimik kami, nakakatuwa dahil lagi niya akong tinatanong kung ayos lang ako. Pinanindigan niya 'yong ako 'yong amsusunod.

Napahinto kami sa bilihan ng cotton candy. Nakita ko siyang nakatingin do'n. Tumingin din siya sa akin bago ko hinila papunta sa nagtitinda.

"Tara, bili tayo."

Napangiti ako nang bumili siya at hindi na kinuha 'yong sukli. Nice, Ssob. Best boy ka talaga.

Humanap kami ng spot, pero ewan ko ba. Dito ko siya hinila sa gawing open space at inaya siyang maupo sa lupa. 

Kitang-kita namin 'yong stars sa langit.

"Ang ganda talaga ng mga stars," sabi ko.

"Mas maganda ka," sabi niya habang kumain ng cotton candy.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon