KABANATA 63

20 5 39
                                    

Jah

Kung may mas awkward pa sa salitang awkward sa sitwasyon namin ngayon, 'yon na yata ang bagay. Hindi ko ma-describe, eh. Para kaming nasa loob ng trial court.

Parang nag-iiwasan sina Becca at Stell. Magkaaway naman 'yong dalawang Pau Tapos nakadagdag 'yong presence ni Eris.

Bakit kasi sa dinami-rami ng tao sa mundo, si Eris pa 'yong ex ni Ken?

Nagtapos na ang interview, pero nandito pa kami lahat. Nagyaya kasi si Josh na mag-dinner since marami namang niluto ang mga maids.

Awkward tuloy lalo.

"What do you want?" tanong ni Denise kay Alexa.  Sila lang yata ang naririnig kong nagsasalita. Medyo awkward ang ambiance.

"I want hotdogs," sabi ng bata.

Napairap si Denise. "We don't have hotdogs, Alexa. Eat what's on the table."

Napanguso si Alexa. "How about Sinigang?"

Napabuntong hininga si Denise. "I said eat what's on your plate."

Napasimangot si Alexa at parang maiiyak na. Nakatingin lang si Pau sa kanila. Parang seryoso.

Mukhang hindi rin niya alam.

Based sa observation ko, wala siyang alam kay Alexa. Ang gulo na lalo ng sitwasyon. Nakakagulat naman kasi talaga. 'Yong bata sa mall, anak pala ni Denise.

Tumayo si Stell. "I'll cook hotdogs for you, Alexa. Pareho pala kayo ni Pau. Mahilig sa hotdogs."

Napairap si Becca. "Pati ba naman bata haharutin," narinig ko pang bulong niya.

Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung magulo ba ang sitwasyon o magulo lang ang mga tao, o pareho.

"Kumain ka ng gulay," sabi naman ni Ken kay Eris. Ipinaglagay pa niya ng gulay ni Eris sa plato.

Gago ka, Ken. Ano 'tong ginagawa mo?

Napayuko si Eris. Parang nahihiya. "Salamat."

Tiningnan ko si Ken, at parang wala namang bakas na napipilitan lang siya. Parang sinsero siya sa ginawa niya.

Nag-comeback ba sila?

Napatingin ako kay Ate Jaja. Bigla siyang nasamid. Agad siyang inabutan ng tubig ni Josh habang hinahagod 'yong likod niya.

"Dahan-dahan lang, boss. Ayos ka lang?"

Tumango si Ate Jaja. Nilingon ko si Ken. Hindi nakaligtas sa akin ang mahigpit niyang pagkakahawak sa kutsara niya.

Ken, ano ba talaga?

Hindi tumagal, dumating na si Stell dala ang plato ng hotdogs para kay Alex.

"Thank you po," masaya niyang sabi sabay tusok ng hotdog at inilagay niya sa plato.

"You're welcome, little girl," sabi ni Stell.

Ngumiti ang bata. "Thank you. Dan is really happy now."

Napakunot ang noo ni Pablo. "Dan?"

Ngumiti si Alexa. Tumango-tango siya habang ngumunguya.

"Who's Dan?" intense na sabi ni Pau. Mahina lang 'yon pero halatang seryoso siya.

Dan? Saan ko ba narinig 'yon?

Hala! 'Yong pinag-aawayan nila last time.

"Hey! Tinatakot mo 'yong bata," sabi ni Stell habang nakangiti.

"Kaysa naman hinaharot," bulong naman ni Becca.

Hala! Ang gulo nila.

Uminom si Alexa. Ngumiti siya. "That's me."

"What?" naguguluhang tanong ni Pau.

Kahit ako naguguluhan. Siya si Dan? Siya 'yong pinagselosan ni Pau?

"You're not listening," mataray na sabi ni Alexa. Atichona rin pala 'to. "That's me. I'm Dan. Denise Alex-"

"Alexa, finish your food. I told you not to speak while eating," seryosong sabi ni Denise.

Bakit parang may something?

Tumahimik ang bata at kumain na lang. Maging lahat kami natahimik na rin. Paminsan-minsan nilalagyan ni Ken ng pagkain si Eris sa plato, si Josh at Ate Jaja naman, pasimpleng nag-uusap.

Sana all na lang.

Natapos ang pagkain namin. Nagpaalam na rin sina Denise na uuwi na, maging si Ate Jaja. Kaming lima na lang ngayon ang naiwan dito sa sala. Nanonood kami ng movie sa Netflix.

Naisipan kong i-text si Sungit.

To: Mrs. De Dios

Missis De Dios, kumain ka na? Kumain na 'ko. Share ko lang 😁

To: Mrs. De Dios

Missis ko, busy ka ba? Text mo 'ko 'pag 'di ka na busy. Nanonood lang kami ng movie. Ingat ka.

"Para kang tanga, Jah!" sabi ni Josh bago 'ko binato ng unan.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong problema mo, Cullen?"

"Para kang tanga, anong nginingiti mo? Para kang aso," sabi niya habang may mapang-asar na ngiti.

"Siraulo! Hindi ako nakangiti," sabi ko habang tinatabi ang phone ko.

"Tinamaan ka na rin?" singit ni Stell.

"Bakit ikaw tinamaan ka rin ba?" balik tanong ko. Hindi siya nakasagot.

Umayos si Josh ng upo. "Puro kayo indenial. Bakit hindi pa kasi kayo umamin?"

"Lolo mo!" sagot ko sa kaniya.

"Will you all shut up and focus on that fucking movie?" inis na sabi ni Pau. Kaya natahimik kami. Ramdam namin na malalim ang iniisip niya.

May anak na si Denise? Pero sino 'yong tatay no'n? Si Pau kaya o iba?

Natingin naman ako kay Ken nang mag-ring ang phone niya. Nakadalawang ring 'yon bago niya sinagot.

"Eris? Yeah, andito lang sa SB house. . . What? Bakit?. . . Sige, papunta na 'ko," huli niyang sabi bago tumayo at walang sabing umalis.

Naguguluhan ako kay Ken sa totoo lang. Last time na nag-usap kami si Ate Jaja 'yong gusto niya. Umuwi lang siya nag-iba na?

Ken, anong meron? Mali ba 'yong feelings mo before?

Napangiti na lang ako nang mag-vibrate ang phone ko.

Nag-text na siya.

From: Mrs. De Dios

Epal ka talaga! Pauwi na 'ko. Galing ng shooting. Mamaya na kita ite-text ulit. Kumain na rin ako. 'Wag kang makulit. Tatawagan na lang kita mamaya. Sige na. Mag-iingat ako, 'wag kang mag-alala.

Napangiti ako sa nabasa ko. Ewan ko ba. Iba 'yong pakiramdam ko sa babaeng 'to. Ayoko talaga sa kaniya. Opposite siya ng lahat ng gusto ko. Pero these past few days parang hindi na kumpleto 'yong araw ko nang hindi siya naasar.

To: Mrs. De Dios

Ingat sa pag-uwi. Tawagan mo 'ko pagdating mo. Ingat ka, ako lang iiyak 'pag namatay ka. 😂

"Gago! Jah, inlove ka na!" sabi ni Josh bago ako batukan at tumakbo palayo sa akin.

Gago! Gaganti ako sa 'yo bukas.




HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon