Jade
Nakatulala ako sa buong byahe namin. Nasa parking lot na kami ng condo ko pero hindi pa rin ako makapagsalita. Kahit 'yong mga mata ko napagod na rin dahil wala nang luhang mailabas pa.
"Are you okay?" tanong ni Josh.
Tumango lang ako. Kanina pa kami ganito. Parang tangang walang imikan.
Malinaw pa sa akin 'yong sinabi ni Nikolai kanina.
Nanginginig ako habang umiiyak. Hindi ko alam na ang lapit lang pala sa akin ng ate ko. Ang tagal ko siyang hinanap pero hindi ko inakalang nasa paligid lang pala siya.
Kapatid pala ni Charles Kim ang daddy namin. No'ng gabing may sunog dapat kami pupuntahan ng tatay namin. Pero nahuli na. Nagkahiwalay kami ni ate.
"Kinuha siya ng daddy mo sa ospital. Based sa investigation ko, hinanap ka rin niya pero hindi ka niya nakita. Hindi ka na nila hinanap ulit dahil kailangang operahan ang ate mo sa ibang bansa. After the operation, namatay naman ang mommy mo."
Hindi ako nagsalita. Hinyaan ko lang magpaliwanag si Nikolai hanggang sa parang binuhusan ako ng tubig sa narinig ko.
"She knew that you are sisters."
"What? Ano? Paano?" sunod-sunod kong tanong.
Shocks! Kung alam na ni Paula na magkapatid kami, bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit hindi ko alam?
"Based din sa mga pictures diyan at documents, hinanap ka niya dati. She's about to graduate nang makita ka niya. Kaya lang bigla siyang bumalik sa Korea," paliwanag ulit ni Nikolai.
Hindi ko maintindihan. Shocks! Ito ba 'yong time na nagbuntis siya kay Dan? Pero no'ng bumalik siya, bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit hindi ko alam?
"Are you sure, you're okay?" tanong ulit ni Josh sa akin.
Tiningnan ko siya ng seryoso. Hindi ko alam kung tama ba 'tong desisyon ko, pero gulong-gulo 'yong utak ko.
"Tara sa SB19 house?"
Napakunot ang noo niya. "Wait. Sure ka ba?"
Hinawakan ko 'yong braso niya. "Please. . ."
Huminga siya ng malalim bago pinaandar ang sasakyan niya. Naging tahimik ang byahe namin. Siguro hindi niya alam kung anong sasabihin niya sa akin. Kahit ako hindi ko rin alam kung dapat ba na magsalita pa 'ko.
Hindi nagtagal nakarating din kami. Tiningan niya muna 'ko bago tinanong ulit. "Sure ka na ba?"
Tumango lang ako at lumabas na ng sasakyan. Hindi ko na inintindi kung maayos ba 'yong damit ko o 'yong itsura ko.
Dumiretso ako sa loob at doon ko nakita sina Jah, Ken at Pau na nakikipaglaro kay Dan.
Agad sumalubong si Dan at niyakap ako. "Tita Jaydee."
"Ate Jaja, biglaan yata 'yong punta mo?" sabi ni Jah na napatingin sa akin matapos tingnan si Josh.
"Sana nagpasabi ka para nakapaglu. . . Teka, ayos ka lang, Jaydee? Umiyak ka ba?" tanong naman ni Stell. Tiningnan niya si Josh nang wala siyang makuhang sagot sa akin.
Inihilamos ko ang mukha ko. "Si ate nasaan?"
Lahat sila parang naguguluhan sa sinabi ko bukod kay Pau na lumapit kay Dan. "Baby, let's go to your room. They're gonna have some adult talks."
Napatingin ako kay Pau. "Alam mo?"
Napabuntong hininga siya. "Kailan ko lang nalaman and I'm not in the posistion to tell you. I'll go upstairs and call her. I'm sorry, Jade."
Napahilamos ako. Shocks! Feeling ko ang tanga ko. Bakit hindi k 'yon alam?
Hinawakan ako ni Stell sa braso at inalalayang maupo sa sofa. Lumapit din si Josh sa akin na may dalang tubig.
"Wala akong nage-gets. Anong nangyayari?" tanong ni Jah.
Wala kahit isa sa amin ni Josh ang sumagot. Hanggang sa dumating si Ken na parang pagod din. Tiningnan niya kami at parang nagtataka sa itsura namin.
"What happened? Are you crying?" cold niyang tanong. Hindi ko alam kung dala lang ba 'to ng emosyon ko, or nag-aalala talaga siya.
Sasagot na sana ko nang saktong bumaba si Pau o mas tama kung ate. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
Tiningnan niya 'yong iba saka nakiusap. "P'wede bang iwanan niyo muna kami. We need to settle this alone."
Tumango naman sila at nagtungo sa gawi ng kusina. Naiwan kaming walang kibuan.
Shocks! Ang lakas ng loob kong magyaya rito, pero hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko.
"Alam mo na?" basag niya sa katahimikan.
Kasabay ng pagbasag niya sa katahimikan ay parang nadurog ang puso ko sa idea na matagal niyang alam 'yong totoo.
Akala ko natuyo na 'yong luha ko, pero parang ulang tuloy-tuloy na naman 'yong pumatak.
"Alam ko na. Bakit hindi mo sinabi?"
"May magbabago ba kung sinabi ko?" sabi niya.
Hindi ako nakasagot. May magbabago ba? Meron. Kung sinabi niya sana hindi ako nabuhay mag-isa. Sana hindi kaibigan lang ang kasama ko. Sana may pamilya 'ko. Pero naiinis ako dahil ayaw lumabas ng mga salitang 'yon sa bibig ko.
"May magbabago siyempre. Pero hindi mo pa alam lahat. Marami kang hindi alam," sabi niya. Bakas sa boses niyaa 'yong lungkot, sakit at paghihirap.
"Sinubukan mo sanang sabihin sa akin. Sana sinabi mo," basag ang tinig kong sabi sa pagitan ng pagpapahid ng mga luha.
Ngumiti siya kahit halata sa mukha niya 'yong sakit. "Hindi ka namin nahanap no'ng bata pa tayo, dahil kailangan kong maoperahan agad. I blamed myself for everything. Namatay si Mama ng hindi ka nakikita. Kaya hinanap kita. It took me four years bago kita nahanap. Pero parang ayaw ng tadhanang magkita tayo dahil that time, I was pregnant and I needed to protect them. I needed to protect Dan and even myself."
Tiningnan niya ko at pinahid ang pisngi niyang basa na rin ng luhang kanina pa yata niya pinipigil. "When I returned, I was about to tell you, pero hindi p'wede. Tito Charles is threatening Dad. Gusto ni Tito Charles na siya ang mag-manage ng SBT na si Dad dapat. He's using you to scare dad. He told Dad that he'll kill you. At tanging pagtatago lang ng identity mo 'yong way to save you."
Parang bombang isa-isang sumasabog sa utak ko lahat ng information sa utak ko. Shocks! Sa sobrang dami, hindi ko na alam kung alim ba 'yong tatanggapin ng utak ko at hindi.
"I-I need to go home. Masyado nang maraming nangyari," paalam ko sa kaniya. Tumayo ako at tumakbo palabas. narinig ko pang tinawag ako ni ate pero hindi ako nagpatinag.
Pumara ako ng taxi at agad sumakay roon. Masyadong maraming nangyari sa araw na 'to. Hindi ko yata kaya lahat ng rebelasyon nang araw na 'to.
Hindi pa ko nakakalayo nang mag-ring ang phone kong hindi ko napansing nasa bulsa ko.
"Bakla, nasaan ka? Kailangan tayuo ni Angela, gaga! 'Yong jowa niya, hoy!"
Sasagot pa sana ko sa tawag ni Becca nang masilaw ako at mapatingin sa harapan ng sasakyan. Tumulo na lang ang luha ko nang makita ang isang malaking truck na ilang segundo na lang ay babangga na sa amin.
Gusto ko pa sanang maging masaya. Magulo ang lahat, pero gusto kong makaranas ng pamilya. Pero paano pa 'yon mangyayari kung unti-unting nandidilim ang pangingin ko at wala na kong makita?
BINABASA MO ANG
HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]
ФанфикSa mundong puno ng pagsubok at pagbabakasakali, marami sa atin ang pinipiling tumakas at takbuhan ang mga dapat ay hinaharap. Kasama na yata sa salitang "mabuhay" ang"lumaban", pero kasama rin sa iba ang salitang "takasan". Jaja is one of those who...