KABANATA 78

18 4 31
                                    

Paula

Masaya kong tinitingan mula sa puwesto ko ang kapatid kong naglalakad sa red carpet palapit sa altar. Suot niya ang isang white long gown na bagay na bagay sa kaniya.

Parang kailan lang nangyari ang lahat. Everything went fast.

Akala ko mawawala na siya sa 'kin. Akala ko mamamatay siya sa aksidente. Pero I thank God when she saved her and spared her life.

Halos three months siyang hindi nagising. Halos gumuho na 'yong mundo ko dahil kasabay ng aksidente ang pagkawala ni Eris who's been a great friend of mine. Wala akong kinilalang kaibigan bukod sa kaniya, pero nawala siya ng wala akong nagawa.

Ilang taong din bago 'ko naka-move on. Parang galit ang langit dahil sunod-sunod ang dagok na hinarap ko.

A month after the accident, nahuli na si Tito Charles. He planned the accident which almost killed my sister. After two weeks, he was killed inside the jail.

Hindi ko alam kung masama ba 'ko, pero nagpapasalamat akong nawala na siya sa buhay namin. Wala nang mangugulo o magbabanta sa amin ni Papa.

The day we met,
Frozen I held my breath
Right from the start
I knew that I'd found a home for my heart
Beats fast
Colors and promises

Umaalingawngaw ang wedding song na kinanta ni Stell at Jah. This signs that I should walk now. Kinakabahan ako pero lamang ang kasiyahan ko.

How to be brave?
How can I love when I'm afraid to fall
But watching you stand alone?
All of my doubt suddenly goes away somehow
One step closer

Nagsimula nang tumulo 'yong luha ko habang unti-unti akong lumalapit sa altar. isa-isa kong tiningnan ang mukha ng mga kaibigan ko, hanggang sa iisang direksyon na lang ako nakatingin.

I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more

I can't help but smile as I see him. He's wearing a cream tuxedo with white and black lining. Nakangiti siya sa akin kahit pasimple siyang nagpupunas ng luha niya.

Time stands still
Beauty in all she is
I will be brave
I will not let anything take away
What's standing in front of me
Every breath
Every hour has come to this
One step closer

Kasabay ng pagbirit ni Stell, ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam na ganito pala nakakakaba ang ikasal.

Ilang beses mang naudlot ang kasal namin, pero parang tadhana na ang gumagawa ng paraan para sa huli, kami pa rin.

I have died everyday waiting for you
Darling don't be afraid I have loved you
For a thousand years
I'll love you for a thousand more
And all along I believed I would find you
Time has brought your heart to me
I have loved you for a thousand years
I'll love you for a thousand more
I'll love you for a thousand more

Napangiti ako when I finally met him. Una kong nilapitan si Dan na nakahawak sa daddy niya. I kissed her on her cheeks.

"I love you, mommy," she mouthed.

"I love you, baby," I answered.

After that, I looked at her dad who's already smiling. "Selos ako."

Kumapit ako sa braso niya at pumunta na kami sa altar. Nagsimula ang wedding ceremony at hindi ko na alam kung gaano katagal 'yon. Until we reached the wedding vow part.

"Baby. . ." simula ni Pau habang nakatingin sa akin. Ilang beses ko nang tinitigan ang mga mata niya, and I will never get tired of doing it. Kahit yata abutin ng forever, hindi ako magsasawang titigan siya.

"I know, it's never been easy. Ilang beses na ba tayong nagkahiwalay, but we always end with each others arms. I waited for so many signs, but God only gave you. Naisip ko, hindi ko na kailangan ng signs, kasi nasa harap ko na 'yong para sa akin. . . Baby, you're my everything. Whatever I'm doing, lahat 'yon para sa 'yo, para sa atin. . . even most of my songs are dedicated to you. Kulang nga yata lahat ng letra ng kanta, para masabi ko kung gaano ka kahalaga. You know why? Because, when it comes to you, I'm always out of words." Tumawa siya at yumuko na para bang nahihiya.

"Well, it took me couple of minutes. I guess, couple of minutes won't be enough, and couple of hours won't change anything. You're still, my Pau. You will always be my Pau. . . my love. . . my forever. I love you, My Paula."

Ngumiti ako bago ko pinunasan ang pisngi niya. He's really fragile pagdating sa amin ni Dan.

I breathe in and out bago ako magsalita. "You know, I hate doing this. I hate speaking in front of people and aaying cheesy lines. Hindi ako gano'n. But, it seems I'm oblige to do so," panimula ko. Napatingin ako sa mga bisitang nagtawanan.

That isn't a joke, pero naging joke ang dating.

"You've changed me from the day you entered my life. You're a kind of person na gugustuhin ng kahit na sino. Obvious naman dahil kita sa mga fans mo. That's why I understand why they like and love you so much. Now, I'm hoping that all of the hotdogs inside the freezer won't get mad at me. I promise to take care of you, and love you every. I love you, Pau."

Everything went fast and the ceremony ended very well. Kung may higit pa sa salitang masaya, siguro 'yon ang tamang salita para sa araw na 'to.

Jade

Bumaba ako sa kotse ni Stell papunta rito sa reception area.

Nakasakay si Amaris at Becca sa sasakyan ni Jah habang si Angela, kay Ken naman sumabay.

Simula no'ng aksidente hindi ko pa rin ma-process lahat. Nawala lahat ng alaala ko kaya tinutulungan nila kong matandaan lahat.

These days, may mga memories na 'kong unti-unting bumabalik, and hindi ko alam kung matutuwa ba ko dahil may masasakit na alaalang hindi malinaw sa akin ang dahilan.

"Baba na kamahalan," sabi ni Stell na binuksan ang pinto para sa akin.

Natawa ko. "Shocks, Vestey! Mas okay sa akin 'yong Jaydee. Teka, parang may tumatawag sa akin niyan dati."

"Si Pau, Boss. Siya tumatawag sa'yo niyan," sabi ni Josh na kabababa lang ng sasakyan niya. Binuksan niya ang passenger seat at bumaba naman si Nikolai na date niya.

"Naku, naku! Speed ata ng Josh," pang-aasar ni Stell habang inalalayan akong lumakad.

"Tumigil nga kayo. Tumigil ka, Stell. 'Pag 'di ka tumigil, ibubuko ko 'yong plano mo mamaya," sabi ni Josh na tumatawa habang inaalalayan si Nikolai maglakad.

"Subukan mo. Isasangla ko ten years na love life mo," sagot naman ni Stell na tumatawa.

Nakarating kami sa table namin kung saan nakaupo na rin sina Angela, Ken, Amaris, Jah, at Becca. Medyo awkward ang ambiance kasi naikuwento na sa akin ni Jah kung anong nangyari kay Stell at Becca. Pero bakit hindi lang 'yon 'yong dahilan? May kailangan pa ba 'kong maalala?







HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon