KABANATA 36

24 5 18
                                    

Jade

Bongga ang pag-aapura ko today. Pupunta ang SB19 dito sa condo ko. Ngayon naman kasi ang posting ng content na ginawa namin sa vlog nila.

Hindi naman sila ma-o-overnight dito, may upcoming interviews kasi sila dahil nominated nga sila sa BBMAs. Suggested na rin ni Denise na ngayon i-upload ang vlog para na rin dagdag engagement sa Twitter. Kasama kasi ang tweets sa voting.

Napangiti ako sa videos sa phone ko. Nag-re-record kasi ako ng TikTok video na i-a-upload 'pag napag-trip-an ko nang mag-upload.

Nakaputi akong pants at itim na crop top. Nandito lang naman sa condo kaya no need pumorma.

Nandito ko sa studio ko. Pinaayos ko ang maliit na kuwarto rito sa baba para maging dance at music studio ko. Nandito na rin ang computer ko in case nq kailangan kong mag-live stream and such.

Mamaya pa naman ang dating nila, kaya mag-shoot na muna ko.

"Isa pa, Ja. Para maraming reserba at options," sabi ko sa sarili ko bago ko binalik sa tripod ang phone ko at nagsimulang magsayaw ulit.

"Yabang. Ano 'yan, TikTok?"

Napahinto ako at napalingon sa dumating. Nakasuot siya ng usual niyang ripped jeans na itim, nagbago lang ang pang-itaas niya. Naka-jacket siyang itim.

Napalunok ako nang alisin niya ang jacket niya at lumitaw ang sando nitong kulay grey at may mukha na naka-print sa harap. Hindi nakaligtas sa akin ang braso niya.

Shocks! Bakit ang perfect mo, Ken Ken?

"Natulala ka na. Sisiw ka na ba?" nakangiti niyang sabi.

Shocks! Bakit kailangan kong matigilan lagi tuwing nakikita ko siya?

"H-Huh? A-Ano bang sabi mo?" Shocks, Jade Anikka! Bakit kailangan mong mautal? Nakahiya.

Tumawa siya bago lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko.

Shocks! Bakit gano'n? Bakit parang nag-slow motion ang paligid ko?  Malala na yata 'to.

"Sabi ko nag-shoo-shoot ka ba ng TikTok video? Ayos ka lang ba?"

Ngumiti ako para itago ang pagkatulala ko. Ayokong asarin ako ng manok na 'to.

"Yeah. Gusto mong sumali?" alok ko sa kaniya.

Ngumiti siya saka namulsa. "Ayoko. Ikaw na lang. Kami nga ni Josh matagal na nilang nire-request, eh."

Ngumuso ako at hinawakan siya sa braso. "Napaka-KJ mo, Ken Ken. Iba naman si Ssob, iba naman ako. Halika na. Patunayan mong main dancer ka."

Tumawa na siya nang tuluyan. "Ayoko nga. Ang kulit mo, Jaja."

Sinimangutan ko siya. "Dali na. Isang sayaw lang, eh. Ang damot nito."

"Makulit ka. Ayoko nga. Nakakatamad," sagot niya.

"Sige, mamaya na lang. Si Stell o kaya si Josh na lang yayayain ko. Mahilig mag-TikTok 'yon." Lumapit ako sa phone ko at kukuhanin na sana 'yon pero shocks! Pinigilan niya ko. Hinila niya ang braso ko saka ako seryosong tiningnan. Ito na naman 'yong pakiramdam na parang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Lumapit siya sa akin kaya medyo napaatras ako. Gustuhin ko mang 'wag siyang tingnan pero parang na-magnet na 'yong mata ko sa mga mata niya.

"Game na," aniya saka siya na mismo ang pumindot ng phone ko bago pumwesto.

Ilang ulit kong pinakalma ang sarili ko habang nagsasayaw kami. Malakas ang music pero shocks! Mas malakas yata ang tibok ng puso ko.

Hindi naman kami nahirapan sa pag-shoot. Dahil pareho kaming sumasayaw, na-perfect naman namin agad. Natutuwa nga ako. Pakiramdam ko sanay na 'ko sa presence niya kahit madalas pa rin akong inaatake ng kaba tuwing may kakaiba siyang ikikilos.

Nakangiti kaming naupo sa malapit na couch.

"Ano, pasado na ba?" tanong niya.

Shocks naman. Bakit naman pakiramdam ko lahat ng sinasabi niya double meaning?

"H-Huh? Oo naman. Dancer ka, eh. Expected na." Pinili kong ngumiti para maitago ang naguguluhan kong feelings.

"Ang aga mo, Ken. Anong nakaain mo?"

Pareho kaming napalingon sa pinto. Papasok si Jah kasunod si Stell, Josh at Pablo.

"Nauna na 'ko. May dinaanan pa kasi ako," sabi ni Ken.

Makahulugang ngumiti naman si Stell. "Grabe naman 'yong dinaanan mo."

Nagtitigan sila sandali bago tiningnan ni Stell ang relos niya. "6:15 na pala. Seven daw ang uploading ng vlog sabi ni Rea."

"Shocks! Ang aga niyo. Maliligo muna ko," sabi ko. Tumayo ako pero nagulat ako nang tumayo rin si Ken at pumwesto sa bandang likod ko.

Ayan na naman 'yong nagmamabilis na tibok ng puso ko nang maramdaman kong ang lapit na ng katawan niya sa katawan ko.

Halos pigilin ko ang paghinga ko nang maramdaman ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko.

Shocks! Ken, ano ba? Bakit ba ganiyan ka? PDA ka.

"K-Ken . . . " 'yon lang ang nasabi ko. Pakiramdam ko nag-iinit ang buong mukha ko.

Kabado ko nang maramdaman kong inilapit niya ang labi niya sa tainga ko at may ibinulong. "May period ka yata, Jaja. You have leak in your pants. Thank me later, Jaja."

Lumayo siya sa akin at bumalik na sa kinauupuan niya.

Shocks! Nanlaki ang mata ko. Nakakahiya. Shocks! Natagusan ako? Shocks! Shocks! Nakita ni Ken.

Napahawak ako sa jacket ni Ken na nakatali na sa baywang ko. Kaya naman pala siya lumapit, itinali niya 'yong jacket niya para hindi makita ang nagmamaganda kong tagos.

Shocks! Bakit ba ngayon pa 'ko nagkaroon ng period?

Napatakip ako sa mukha ko. Nakangiti ng alanganin sina Jah. For sure narinig nila.

Shocks talaga! Wrong timing!

"W-Wait. Maliligo muna ko," nahihiya kong sagot.

Nakayuko ko silang nilampasan habang nakahawak sa jacket ni Ken.

Shocks talaga!

Nagsisigaw ako sa kuwarto ko habang iginagayak ko ang damit ko. Peste naman kasi, nakakahiya. First time kong makita ng isang lalaki na may tagos. Shocks! Nakahiya.

Napahawak ako sa kama ng maramdaman kong medyo nahilo 'ko. Shocks! Makikisabay pa 'tong pesteng dysmenorrhea na 'to.

Usually sa first day ko hirap ako. Sumasakit ang puson ko, minsan nahihilo, nagsusuka at nilalagnat din ako. Ewan ko ba. Abnormal yata 'tong hormones ko.

Napabuntong hininga ako bago ko tinungo ang bathroom at naligo na.

A/N

Wawwiieee! Kamusta kayo? Pasensya naman, medyo hindi pa ko ayos kaya medyo slow ulit ang UD.












HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon