KABANATA 37

22 6 33
                                    

Becca

Kanina pa walang kibo si Baklang Jade. Mukhang hindi maganda 'yong pakiramdam. Nakaloloka naman kasi, ngayon pa nagka-red tide. Ang masaklap pa ro'n, nasilayan ni Ken ang pulang marka sa pants niya.

"Ayos ka lang, Boss?" tanong ni Josh kay Jade.

Sana all talaga. Bakit ba kasi hindi nila mapansin ang alindog ko? Lamang lang naman ng mga sampung paligo sa akin 'to.

Pilit siyang ngumiti. Medyo maputla siya. Maputi na nga siya, lalo pang nagmukhang maputi ay maputla pala. OMG! Baka maging bampira siya.

"Ayos lang, Ssob."

Natapos ang premier na tahimik ang bakla. Mukhang may dysmenorrhea ang bruha. Ganiyan kasi 'yan 'pag first day, pati puson nagmamaganda.

"Hayaan niyo lang siya. Ganiyan talaga 'yan 'pag first day. May toyo buong katawan," sabi ko.

"Buti ikaw, wala kang toyo. Namamansin ka na?" biro naman ni Stell habang nakangiti sa akin.

"Ayos na 'ko. Wala lang ako sa mood dati," pagsisinungaling ko.

"Gusto mo i-recharge kita?" malambing nitong sabi.

Ay, gago na 'to! May tama na yata. Parang naka-high. "Eh?"

Tumawa siya. "Ayaw mo ba? Sure ka na riyan?"

Letseng Strawberry 'to. Bakit ba pa-fall ang hinayupak. Baka mamaya ma-fall ako tapos hindi akonsaluhin, eh 'di, uuwi akong luhaan? Lotlot De Leon ang ganda ko.

Save by the bell ako ng tawag ni Amaris. Mabuti na lang. "Excuse, tumatawag si Amaris. Sasagutin ko lang."

"Bakit, bakla?" tanong ko.

"Nasaan kayo? Nasa condo?"

"Oo. Rest day ni Bakla ngayon. Bakit?" Malamang tatambay na naman dito 'to.

"Na-cancel 'yong photoshoot ko. Malapit lang ako, patambay."

Sabi na nga ba. Kabisado ko na 'to.

"Sige. Tamang-tama, nandito 'yong SB."

"What? Nandiyan 'yong SB19? Ganitong gabi?"

Parang gulat na gulat naman 'tong baklang 'to. Ilang araw ko nang napapansin na may something sa kilos niya. Nangangamoy malansa.

"Oo. May premier sila ng vlog today. Bilisan mo na."

"Oh shit! Nakalimutan ko, may pupuntahan pala kami ni Angela. Hindi na pala ko pupunta. Bye."

Magsasalita pa sana 'ko pero bastos na 'yon, pinatay ang tawag.

Bigla na lang nagbago ng isip? Hindi naman talaga gano'n 'yon. May malansa talaga. Lagot ka sa'kin, Amaris. Gagawin kitang calamaris.

"Bakit daw?" tanong ni Jade pagbalik ko.

Nagkibit ako ng balikat. "Ewan ko ro'n. Sabi tatambay raw dito kasi na-cancel 'yong shoot niya."

"Pupunta siya rito?" excited na sabi ni Jah.

Hmm... May something ba?

Sumenyas muna si Pablo dahil may tumawag sa kaniya.

Naupo ako sa dati kong upuan, pero napairap ako nang nakaupo na sa tabi no'n si Stell.

Letseng lalaki! Ano bang ginagawa niya?

"Hindi. Nagtaka nga ako. Sinabi ko lang na nandito kayo, biglang nagkaro'n ng lakad. Binabaan nga ako bigla ng phone, bastos na 'yon. Lapastangan," reklamo ko.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon