KABANATA 1

53 8 6
                                    

Jaja

Kanina ko pa ipinaaabot kay Becca ang script sa lamesa pero parang wala itong naririnig. Nakatutok ito sa laptop ko at nanonood.

"Hoy, bakla! Ano ba 'yang pinapanood mo?" inis kong tanong. Tumayo ako at pinuntahan siya. Sinilip ko ang ponanonood nito.

"Sino ba 'yang mga 'yan. K-pop stars? Parang bago?"

Tinaasan ako ng kilay ng bruha saka ako inirapan at tumingin ulit sa screen ng laptop. Tinabihan ko siya at nakinood na rin. "Hindi sila familiar sa akin. Bago ba?"

"Ayan, mag-open ka ng Twitter, bakla o kaya sa YouTube. Viral sila. Saka hindi sila Korean," sagot ng bruha bago ko inirapan.

Inagaw ko ang laptop ko sa kaniya. Hindi ko kasi 'to makakausap nang maayos kung nakatutok ito sa panonood. "Sino 'to? Ang cute naman niya." Itinuro ko ang lalaking may kulay ang buhok.

"Si Josh 'yan. Cute no, tapos ito si Justin," turo niya sa lalaking katabi nong Josh.

"Hindi ko tinatanong, si Josh lang tinatanong ko," pagtataray ko rin sa kaniya. "Teka, hindi sila K-Pop?"

"Boba mo rin, bakla. Tagalog 'yong kinakanta nila. Hindi mo narinig?" pabalang nitong sabi.

Binatukan ko nga ang bruha. "Maka-boba ka, wagas! Malay ko bang tagalog, parinig nga. Pa'no ko malalamang Tagalog pala ang kanta kung sinosolo mo 'yan airpods."

Nakihati ako sa earphones. Na-amaze ako nang marinig ko ang kanta at makita ang galawan nila.

Wow! Ang galing!

"Sino sila?" tanong ko kay Becca.

"SB19," sagot niya.

"SB19? Lima lang sila, ah," taka kong tanong.

Nag-type ito sa YouTube at ipinunta sa YouTube account ng SB19. "Ayan, panoorin mo sila. Pero binabalaan kita, bawal si Justin. Sold out na."

Ay! Paaari mo 'te?

Sinumulan kong manood ng dance covers nila hanggang sa nakita ko na lang ang sarili kong napanood na lahat ng videos nila.

"Shocks! Nine pm na pala. Hoy, Becca! Bakit hindi mo sinabi sa akin na 9 na?" tanong ko habang pinapatay ang laptop ko.

Ngumiti ito. "Sinabi ko. Kaso mukhang hindi mo ko narinig. Kanina pa kita kinakausap pero nakatutok ka sa screen."

Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. "Joker ka! Hindi mo 'ko tinawag!"

Tumawa ito at may ipinakita sa aking video. Napatakip na lang ako ng bibig ko nang mapatunayang tinawag nga niya ko.

Shocks! Bakit kasi na-hook ako sa SB19.

Simula nang araw na 'yon ay naging fan na nila ko. It's somewhat unusual pero nakasanayan ko nang manood ng videos at vlogs nila kahit pa ilang beses ko nang napanood 'yon. Isinama ko na rin sa playlist ko ang kanta nilang Go Up at Tilaluha.

"Jade, SB19 na naman?" bungad ng manager kong si Nick. Actually, best friend ko siya. Classmates kami sa UP. Pareho kaming mass communication students.

After graduation, nagtrabaho ako sa isang publishing company habang siya, dahil director ang papa niya ay nakapasok agad sa linya ng showbiz.

Nag-aral ako ng creative writing habang nagtatrabaho. Hilig ko kasing magsulat talaga. Naka-graduate naman ako. After one month, nagsarado naman ang kumpanya namin, kaya nawalan ako ng trabaho.

Saktong nawalan ako ng trabaho ay nakita ko naman si Nick. Ni-refer niya ko sa isang noon time show bilang content at script writer.

Hindi pa man ako nagtatagal ay nagkaroon ang show ng isang drama series. Nilipat ako ro'n dahil kulang sa tao. Natatandaan ko pa kung gaano ko kakabado dahil papa ni Nick ang director. Masungit kasi 'yon, parang si Nick.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon