KABANATA 21

15 6 4
                                    

Paula

Nakatanga ako habang nanonood sa pagbubukas ng envelopes ng SB19 at no'ng Jade na iyon.

Napailing ako nang isa-isahin ni Josh ang nakuha nilang ingredients.

-Chicken
-Calamansi
-Toyo
-Mantika
-Paminta
-Sibuyas
-Sili

"Paano tayong makakapag-Adobo nito? Kulang ingredients natin, p'wede bang swap kina Jah?" sabi pa ni Josh habang inaayos ang mga sobre. Nagbabakasakali yata na may naligaw pa.

"Bawal daw," sagot naman ni Jah habang isa-isang binubuksan ang nakuha nilang mga sobre.

-Pork
-Mantika
-Seasonings
-Bawang
-Sibuyas
-Paminta
-Patis
-Toyo
-Tomato Sauce
-Bay leaves
-Luya
-Repolyo
-Carrots
-Bell pepper

"Ang dami ng ingredients, ano lulutuin natin?" tanong ni Ken.

"Adobo na may tomato sauce," sagot ni Jah.

"P'wede bang mag-search?" tanong naman ni Jade. Pero hindi sila pinayagan ng staff. Kawawa naman ang magiging boyfriend nito, hindi marunong magluto.

"Kulang ingredients natin, pa'no?" baling ni Josh sa mga kasama habang nakangiti.

"P'wede 'yan. Kahit kulang," masigla namang sagot ni Stell.

"Akong bahala," sabi naman ni Pablo.

Pumwesto na sila sa kitchen at nagsimulang magluto.

I just observed them. Kung ingredients ang pag-uusapan, malamang manalo sina Jade. Ang daming p'wedeng iluto sa pork na 'yon. Pero mukhang wala silang alam, bukod kay Ken na medyo may idea yata sa gagawin.

"Jah, bakit mo hinihiwa 'yung luya? Hindi isasama 'yan," bawal ni Ken kay Jah.

Tumawa si Jah. "P'wede yan."

"Gago, baka mag-iba lasa. 'Pag malansa lang saka nilalagyan ng luya," paliwanag ni Ken.

"P'wede nga 'to. Sayang naman. Hindi mo ba alam maraming nagugutom sa kalye?"

"Bakit, p'wede bang papakin ang luya?" singit naman ni Jade habang naiiyak na sa pagbabalat ng sibuyas.

"Bakit ka umiiyak, Jaja?" tanong ni Ken. Nilingon niya si Jade kahit naghugugas siya ng karne.

"Hindi ko mapigilan, Ken Ken. Naiiyak ako," sabi ni Jade sa pagitan ng pagsinghot.

Pabebe naman 'to!

"'Pag pumunta ka sa poultry, hindi rin kita pipigilan. Susunduin pa kita sa gate," banat ni Ken sabay kindat kay Jade na napayuko agad.

Nagharutan pa. Baka mamaya makita sa video 'yan. Ipapa-cut ko na lang, in case.

"Sira!"

"Ate, nakakaiyak talaga 'yang sibuyas. Sana all iniiyakan," sabi naman ni Jah.

Napailing na lang ako. Walang ginawa 'yong tatlo kung hindi magbangayan. Halatang hindi nila alam kung ano bang gagawin nila.

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon