KABANATA 80

19 3 38
                                    

Angela

It's nice to be back here in Korea. Ilang taon na no'ng last na nagpunta ko rito. Dati hindi ko pa talaga kaya dahil naalala ko pa siya. Pero ngayon heto ko, nagpunta rito para palayain siya. Nandito ko para pakawalan na lahat ng alaalang pumipigil sa akin para maging masaya.

Napahinto ako sa paglalakad nang may makita kong phone sa damuhan. Agad ko 'yong dinampot at hinanap kung sino ang may-ari niyon. Ilang ikot din ang ginawa ko hanggang sa mapagod ako at maupo sa isang bench.

Inunat ko 'yong kamay ko pero nataranta ako nang may mahagip ang kamay ko. "Hala, I'm sorry!"

Agad ko siyang nilapitan para i-check kung ayos ba siya. Thank God, ayos siya.

"Hala! Ikaw si Miss Angela, 'di ba? P'wedeng magpapicture?" masaya niyang sabi.

Wow! Pinoy. Ngumiti ako at umayos para mag-picture kami. Pero ilang beses niyang kinapa 'yong bulsa niya saka naalarmang tumingin sa akin. "Wait lang, Miss Angela. Nawawala yata 'yong phone ko."

"Teka, black ba case na phone mo, tapos may gitara na keychain?"

Lumiwanag ang mukha niya. "Paano niyo malaman?"

Inilabas ko ang phone na napulot ko mula sa bulsa ko. Masaya niya itong kinuha at binuksan gamit ang fingerprint niya.

Sa kaniya nga.

Nag-picture kami ng ilang shots bago ulit siya nagsalita. "P'wede pong pa- autograph? Fan mo ko, eh. Ang galing mong umarte tapos ang ganda ng kanta mo, puro hugot."

Ngumiti na lang ako at tumango. Para siyang boy version ni Eris.

Inilabas niya ang notebook niya at inabot sa akin.

"Anong pangalan mo?"

Ngumiti siya. "Aris po. Pero RJ na lang. RJ ako tawagin ng mga kaibigan ko. RJ Cruz."

Napahinto ako at ngumiti na lang. Universe na yata ang gumagawa ng paraan para pakawalan ko siya.

Goodbye, babe. Hindi ka mawawala sa puso ko. Pero hayaan mo kong palayain ka. Gusto ko nang maging masaya.

Josh

Nakakainis naman. Last time, ako 'yong kasabwat ni Stell, ngayon naman si Jah. Nabuhay na lang yata talaga 'ko para maging taga-set up ng mga surpresa nila sa mga girlfriends nila.

Now we're here in Korea. Bakasyon daw pero may proposal naman pa lang magaganap. Sana hindi na lang ako sumama. Mabuti sana kung andito si Nikolai. Kahit tropa lang kami no'n, at least hindi ako OP sa kanila.

Buti na lang wala 'yong Pau-Pau dito. Kabuwanan na ni Paula. Kung hindi dagdag inggit pa ko sa kanila.

Napakurap-kurap ako nang makita ko 'yong babaeng nakatayo sa ilalim ng puno.

Si Nikolai ba 'yon?

"Hey! Nikolai! Tol!" tawag ko sa kaniya pero tiningnan niya lang ako nang nagtataka.

Grabe naman 'to. Alam ko naman hindi kami talo dahil babae rin 'yong gusto niya pero parang others naman siya.

"Nikolai, it's me, Josh! Grabe, kakikita lang natin no'ng isang araw."

Tumawa siya. "You're barking at the wrong tree, dude. I'm not Nikolai."

"Eh? Lolo mo! Sino ka, isa sa mga kahawig ni Nikolai?!"

Napakamot siya ng ulo. "Maybe? Are you talking about Chantle Nikolai?"

"Oo, bakit hindi ba ikaw 'yon?"

HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon