Jade
Nauna akong bumaba kina Becca at Amaris. Nakatulala pa si Amaris habang nauna namang maligo si Becca.
Agad akong pumunta sa kusina. Kahit naman hindi ako marunong magluto, nakakahiya naman. Kami na nga ang nakitulog, hindi man lang kami makisama. Isa pa, gusto kong magkape.
Tuloy-tuloy akong nagpunta sa kusina, pero shocks! Hindi ko naman in-expect na ganito pala ang eksena rito. Shocks talaga. Hindi nila napansin ang pagdating ko.
"P'wedeng lumayo ka? Hindi ako makapag-focus. Malapit na 'tong maluto," sabi ni Denise na nasa harap ng kalan habang nakasandal sa Pablo sa sink at nakatitig kay Denise.
May nangyari ba kagabi?
"Hindi ko kayang lumayo sa 'yo. Ikaw lang naman ang lumayo sa akin. You left me," sabi pa niya bago pumwesto sa likod ni Denise at niyakap ito.
Shocks! Ano bang ginagawa nila?
Pumiglas naman si Denise. Kumawala siya rito at inambaang pupukpukin ng sandok si Pau. Tumawa naman ito at kunwari ay sasanggain ang amba ni Denise.
Wala sa sariling napangiti na rin si Denise.
In fairness, bagay sa kaniya 'yong nakangiti. Bakit kasi hindi na lang sila mag-come back?
"P'wede ba tigilan mo ko? Hindi ako mayayari nito," sabi ni Denise.
"Bakit ayaw mo kasing tulungan kita?" pangungulit ni Pau habang nakanguso.
"Kailan ba ko nagpatulong sa'yo tuwing nagluluto?" taas kilay na sabi ni Denise.
Napangusong lalo si Pau. "Sabi ko nga hindi p'wede."
Ang cute naman ni Pau.
"Kailan mo ba ko titigilan kakakulit?" inis na sabi ni Denise.
Ngumiti sa Pau at sinserong tumingin kay Denise. "'Pag sinagot at tinanggap mo na ulit ako, baby."
Shocks! Ang landi naman ni Pau. Wait, 'pag sinagot? Ibig sabihin nanliligaw?
"Asa."
"'Yan din sabi mo sa 'kin no'n. Pero sinagot mo pa rin ako," confident na sabi ni Pau.
"Gusto mong kape?"
Nagulat ako sa nagtanong sa likod ko. Dumiretso siya sa counter kung saan nakalagay ang coffee maker. May pinindot ito.
"Hayaan mo na sila. Mukhang may sarili silang mundo. Hayaan na natin, mag-ex pala sila. Any coffee preference?"
"Cappuccino, please."
Inabot niya sa akin ang kape. Pero nagtataka ko dahil meron din siya.
"Kailan ka pa nagkape, Ssob? Hindi ka naman nagkakape, 'di ba?" nakangiti kong sabi matapos humigop ng kape.
Nagulat ako ng tumawa siya at ituro ang ilong ko. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko siya na-gets.
Pero ayan na naman ang kaba ko nang sumeryoso siya at punasin ang coffee foam sa ilong ko. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko. Shocks! Ssob, bakit ba ganiyan ka?
"Ang cute mo pa lang uminom ng kape, medyo messy," sabi pa niya.
Napayuko na naman ako. Shocks, Ssob! Anong cute sa kadugyutan ko?
"Hindi ako mahilig magkape, tama ka naman. Pero you love coffee, right?" sabi niya pa matapos humigop ng kape. Medyo napangiwi siya, siguro dahil hindi siya sanay.
Tumango ako. "I can't start my day without coffee. Pakiramdam ko kulang ang araw ko 'pag walang kape."
Ngumiti siya. "Now, I'll start drinking coffee. Aaralin kong gustuhin 'yong mga bagay na gusto mo, mahalin 'yong mga bagay na mahal mo. Like, playing instruments, turuan mo ko minsan, p'wede?"

BINABASA MO ANG
HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]
Fiksi PenggemarSa mundong puno ng pagsubok at pagbabakasakali, marami sa atin ang pinipiling tumakas at takbuhan ang mga dapat ay hinaharap. Kasama na yata sa salitang "mabuhay" ang"lumaban", pero kasama rin sa iba ang salitang "takasan". Jaja is one of those who...