Amaris
Haggard ang beauty ko today. Nakakapagod ang schedule ko ngayong araw, tatlong straight na photoshoots, may guesting pa sana 'ko mabuti na lang na-postpone.
Haggard na nga ako dumagdag pa 'tong manyak na ito.
Ayoko talagang sagutin 'yong tawag niya, pero sa ilang araw niyang pangungulit sa akin, alam kong hindi niya ko tatantanan.
Nakakairita 'tong manyak na 'to. Ano na namang kailangan niya?
Inis na sinagot ko ang tawag. "Bakit na naman?"
"Chill. Grabe ka naman. Halatang gustong gusto mo 'kong kausap."
Duh! Sino nay gustong kausapin ang makulit na gaya mo?
"Ano bang kailangan mo? Pakibilisan lang, may shooting pa 'ko," pagtataray ko sa kaniya.
"Luh! Ang sungit mo naman. Mangangamusta lang."
"Bakit na naman? Ang kulit mo naman, Mister De Dios. P'wede ba?" Nakakainis na talaga ang kakulitan nito.
Tumawa muna ang loko bago nagsalita. "Masama ka bang kumustahin, Missis De Dios?"
Ay! Siraulong 'to. May sapi na naman. "What did you say?"
"Missis De Dios. Bagay pala sa'yo."
"Stop it, won't you? Ang kulit mo talaga," iritado kong sabi.
Tumawa na naman siya. "Don't stress yourself. Baka mamaya kung ano'ng mangyari sa baby ko."
"What? Baby? Baby who?" sunod-sunod kong sabi.
"My baby. Inside your tummy. Unless, gusto mong baby rin kita."
"Hoy! Kailan ba ko nabuntis? Buti pa ikaw alam mo," komento ko.
"Of course. Alam ko. Akong gumawa, eh."
Letse! Nakaka-stress talaga 'tong taong ito! Bakit ba mukha siyang inosente sa mga videos nila, tapos ganito naman pala siya?
"Justin De Dios, hindi na 'ko natutuwa. Ano bang kailangan mo? Kung wala ibababa ko na 'to," banta ko sa kaniya.
Duh! Wala akong oras magpa-stress sa isang 'to. Kayayari ko lang magpa-facial kahapon, ayokong magka-pimples dahil sa stress.
"Fine. Ang sarap mo talagang inisin. Pero I'm serious. Gusto lang kitang kumustahin. Hindi mo sinasagot ang nga texts at chats ko."
Nai-imagine ko ang pagnguso niya, kaya napangiti ako. Letse, hindi ako nangiti. Duh! Ako, ngingiti sa manyak na 'to?
"I'm fine. Okay na? Ibababa ko na 'to," inip kong sagot.
"Ang sungit mo talaga. Ganyan ba talaga 'pag Amaris mode ka?"
"Amaris mode?"
"Oo. 'Pag Zen mode, baka mabait ka na. Kailangan ko ba makikita 'yon?"
Napatapik ako sa noo ko. Hindi ko na talaga siya ma-gets. Manyak siya minsan, may oras namang isip bata siya. Duh! May split personality ba 'to?
"That will never happen. Sige na. Bye, Mister De Dios," paalam ko. Pero bago ko pa ma-end ang tawag narinig ko pa 'yong huling sinabi niya.
"Bye, Misis De Dios. Ingat kayo ng baby natin."
Napailing na lang ako. I can't take it! Why he needs to be like this? Naguguluhan ako. Teka, bakit ba ko naguguluhan? No. Hindi ako naguguluhan. Hindi 'yong nangyari no'ng gabing 'yon ang makakapanggulo ng utak ko.
BINABASA MO ANG
HER ESCAPE (SB19 Fan Fiction #2) [COMPLETED]
FanficSa mundong puno ng pagsubok at pagbabakasakali, marami sa atin ang pinipiling tumakas at takbuhan ang mga dapat ay hinaharap. Kasama na yata sa salitang "mabuhay" ang"lumaban", pero kasama rin sa iba ang salitang "takasan". Jaja is one of those who...