NA/ Hindi ko na lalagyan ng title ang bawat chapter mahirap din kasi magisip eh....Ang impotante naman yung kabuuan diba?
ENJOY THIS CHAPTER!!!
____________________
KEVIN's POV
Matapos tangapin ni CINDY ang proposal ko ay lumuhod ako sa kanya at kinuha ko ang kaliwa nyang kamay tsaka ko isinuot ang singsing..."Salamat Cindy sa pagtangap"nakangiti kong sabi.
"Wala na akong gustong makasama habang buhay kundi ikaw lang Kevin"tugon nya..
Hindi ko alam kung tama o mali na yayain ko syang magpakasal kahit alam ko sa sarili ko na may tinatago pa ako sa kanya...Hindi ko na nga alam kung sa ano ang tama sa mali dahil ang tanging gusto ko lang ay hindi na mawala sa buhay ko si CINDY..
Tumayo ako sa pagkakaluhod at mahigpit ko syang niyakap ayoko munang magisip ng negative sa mga oras na ito lalo na at nakikita ko kung gaano kasaya si CINDY na sana hindi na matapos pa ang mga sandaling ito...
"Talaga bang paninindigan mo na i broadcast sa buong EDSA ang pagpopropose mo sakin huh"
"Kung pwede ko lang i broadcast sa buong mundo gagawin ko eh ganyan kita kamahal Cindy and I want the whole world to know how much I love you ikaw lang CINDY ang gusto ko makasama habang buhay"
"Salamat Kevin sa pagpaparamdam mo sakin ng lahat ng ito kung paano ang magmahal at mahalin sasabihin ko na ako na ang pinakamasayang tao sa mundo dahil ngayon sa mga oras na ito kasama ko ang taong pinakamamahal ko at sa paglipas ng araw,buwan,taon ikaw pa rin ang makakasama ko kaya buong puso kitang tinatangap na maging asawa ko KEVIN RICAFUERTE"
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni CINDY at dahan dahan kong inilapit ang mga labi ko sa kanyang mga labi hanggang sa tuluyan na itong nagdikit at sa pagkakadikit ng aming mga labi pakiramdam ko ay nagdikit na rin ang aming mga puso sandali ko nakalimutan ang mga bagay na bumabagabag sa akin.......tanging ang pagmamahal ko lang kay CINDY ang nangingibabaw sa aking puso..
Nang maghiwalay ang aming labi ay kasabay naman ang pagliwanag ng kalangitan dulot ng fireworks display na bahagi pa rin ng espesyal na gabing ito kapwa naming itinuon ang aming mga mata sa kalangitan habang akbay akbay namin ang isa isa parang naglalaro ang kislap ng liwanag sa aming mga mata napakasarap titigan at pagmasdan..
"CINDY napakasaya ko ngayong gabing ito dahil simula pag gising ko bukas i look forward ko na ang araw na magiging araw ng kasal natin"
"Oo Kevin bawat araw na lilipas ay magdadala satin sa mas pinaka espesyal na araw sa buhay natin yun ay ang pagharap natin sa diyos dala dala ang pagmamahal natin sa bawat isa"
Gaya ng inaasahan laman na kaagad ng balita ang naganap na proposal sakin ni Kevin kagabi halo halong reaksyon may natuwa may nagulat may naiingit pero ang reaksyon na tlagang inaasahan ko ay ang kay PATTY diba hindi pa nya alam ang real score between me and KEVIN ang buong akala nya ay hindi totoo ang lahat ng nararamdaman ko kay KEVIN kahit nung sabihin ko sa kanya na napatawad ko na si JOSEF hindi ko na namention sa kanya yung totoong nararamdaman ko kay KEVIN kaya nga nagtataka pa sya kung bakit hindi ko pa hinihiwalayan ang mokong...
"Sorry na Patty....."para akong batang nagmamakaawa sa kanya...
"All the way Cindy hindi pala pagpapangap ang ipinapakita mo kay KEVIN"
"Oo nung una pagpapangap lang pero nahulog ako sa kanya pinigilan ko pero hindi ko kaya"
"Pero anong reason at hindi mo sinabi sakin lagi kitang tinatanong na baka inlalabo ka na dyan sa Kevin na yan panay naman ang deny mo at dahil ang pinapasok mo sa utak ko ay inlove ka pa rin sa lalaking nakilala mo sa resort pero ang totoo front mo lang yun para hindi ko mahalata na tinamaan ka na kay KEVIN RICAFUERTE tapos ngayon out of the blue kung hindi pa bali balita ang proposal nya hindi ko pa malalaman ang totoo"
BINABASA MO ANG
THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)
FanfictionIsa lang ang gusto kong gawin that is to make him life misersble dahil sa ginawa nya sakin.Kukunin ko abg bagay na mahalaga sa kanya...Para maramdaman nya kung paano ang mawalan...Sa kabila ba ng galit at poot na nararamdaman ko masasabi ko bang thi...