SEVENTEEN-I'M WAITING FOR THIS MOMENT TO COME.

2K 33 8
                                    

KEVIN'S POV'


"Ano Rica nagset ka na ba ng appointment kay Ms.Cindy Montereal?"tanong ko sa kanya ng pumasok sya sa opisina ko para may papirmahan na papeles.

"Opo Sir..Mamaya daw pong hapon pupunta sya dito sa agency,"tugon ni Rica.

Nagulat ako sa sinabi ni Rica...Magagawang pumunta dito ni CINDY.PAANO KUNG MAGKRUS ANG LANDAS NILA NI JOSEF DITO SA AGENCY?o TALAGANG INTENSYON NI CINDY NA HARAPIN SI JOSEF..


Malabo pa rin sakin ang larong gusto ni CINDY ...Wala akong idea kung ano talaga ang balak nya...


"Ok thank you Rica"sabi ko.


Lumabas na sya...Napasapo ako sa mukha ko at napahinga ng malalim..Ang hirap hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang sarili ko sa walang katapusang pagpapanggap at pagkukunwari....


CINDY'S POV

Suot ang hotpink satin blouse ko na tinernohan ko ng black skirt above the knee na emeksakto sa balingkinitan kong katawan...Masasabi ko na wala pa ring pagbabago sa kung paano ako magdala ng damit....

Ngayon pupunta na ako sa AGENCY wala akong idea kung bakit nakipag set ng appontment sakin ang isang RICAFUERTE..Ready na rin ako sa posibilidad na magkasalubong kami ni JOSEF RICAFUERTE....At nakahanda na ako para dito.


Napapikit ako ng biglang nag Flashback lahat lahat pinigilan ko ang emosyon ko dahil alam kong ito ang sisira sa plans ko.

Bumaba na ako ng kotse...Sobrang bilis ng pintig ng puso ko sa main entrance ako dumaan hindi tulad ng huli kong punta na sa backdoor ako pumasok..Madami ng pinagbago ang agency...Ang dati puro posters ko ang naka paskil sa halos kabuuan nito ngayon ay puro mukha na ni Sophia Valdez ang nakadikt kahit saan ako tumingin...ANG SAKIT SA MATA.....

Halos lahat ng nandoon ay nakatingin sa akin alam kong namumukhaan nila ako pero nagdodoubt pa rin sila dahil nga bago ang style ng buhok ko at naka shades ako siguro iniisip nila na kamukha ko lang ang ang iniisip nila...

'GO TO HELL KEVIN RICAFUERTE.....PAGSISIHAN MO ANG ARAW NA TO"kilala ko ang mayari ng boses na yun walng iba kundi si JONAS CORTEZ....Nagwawala sya sa agency na sa tingin ko ay lasing naglalakad kasi sya palabas sa opisina nya dala dala ang isang malaking box kasunod pa nito ang dalawang lalaki na may hawak ding box...Bahagya akong tumungo ng mas lumapit na sya sa kinatatayuan ko mahirap naman na makilala nya ako...

ANONG NANGYAYARI?BAKIT NAGWAWALA SI JONAS CORTEZ AT GALIT NA GALIT ITO KAY KEVIN?AT ANONG IBIG SABIHIN NG MGA BITBIT NYA AALIS NA BA SYA SA AGENCY NA PINGLINGKURAN NYA NG NAPAKAHABANG PANAHON...

Dumeretso na ako sa paglalakad na dala dala pa rin ang tanong kung bakit nagwawala si Jonas at galit na galit ito sa isang RICAFUERTE....

THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon