B2-TWENTYFIVE

1.4K 19 2
                                    

CINDY'S POV

Nakapikit pa ako habang kinakapa kapa pa ang paligid ng hinihigaan ko dahan dahan kong minulat ang aking mga mata ng maramdaman kong wala na akong katabi....Bahagya akong bumangon at inikot ko ang aking mata sa kabuuan ng kwarto wala si KEVIN pero nagulat na lamang ako nang may nagkalat na red rose petals sa may sahig...Kaagad kung ibinalot ang kumot sa hubad kong katawan remember wala na ang lahat ng gamit ko dito dahil nga ibinenta ko na ang resthouse na to malay ko bang si KEVIN ang nakabili hindi naman kasi ako ang personal na humarap sa buyer inutusan ko na lang ang secretary ko na sya ang makipagclose ng deal...Dahan dahan akong naglakad palabas ng kuwarto at sa bawat paghakbang ko ay merong rose petals na nagsisilbing path kung saan ako tutungo.......

At sa dulo ng rose petals ay huminto ako at doon ay natanaw ko si KEVIN....Nakangiti sya sakin na may hawak pang boquet ng roses...Ginantihan ko sya ng ngiti at heto sya ngayon naglalakad papalapit sakin at sa bawat paghakbang nya palapit sakin unti unti namang tumutulo ang luha ko.....

"GOOD MORNING CINDY MONTEREAL.."nakangiti nyang bati sabay abot ng kumpol ng roses....Parang panaghinip lang ang nangyayari hanggang ngayyon hindi pa rin ako makapaniwala para akong lumulutang.

Walang lumabas mula sa aking bibig dahil sa pagtuloy ng pagdaloy ng luha mula sa aking mga mata...Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak...Halo halong emosyon ang nararamdaman ko pero iisa lang ang nangingibanaw ang kaligayahan na ngayon ay nasa harap ko ang taong pinagalayan ko ng buong buhay na muntik ko ng isakripisyo dahil sa mapaglarong biro ng tadhana...

"Hui...Bakit ka umiiyak?"nakangiting tanong sakin ni Kevin...

"Ikaw kasi eh pinapaiyak mo ako...."tugon ko..

"Hindi mo ba nagustuhan yung hinanda ko sayo breakfast near the beach...."-Kevin

"Syempre I like it.Kaya nga ako naiiyak eh"

"Sige na...Maupo ka na lang ok" ani ni Kevin sabay urong ng silyang uupuan ko...

"Adobo?"sambit ko...Ng makita ang adobo na nakalatag sa mesa...

"Para sayo alam kong favorite mo yan eh"

"Nagluto ka pa talaga huh?"ako

"Dahil gusto ko paggising mo special ang ihahain ko sayo "

"Pwede na bang tikman ko ulit ang adobo mo bukod kay Mama ikaw lang ang pinakamasarap na natikman kong adobo make sure pareho ito noong una mong niluto yung ANDREW ka pa"

"Kaya ka nga nainlove sakin eh dahil sa adobo ko"

"Dahil nilagyan mo ng gayuma."

At sabay kaming nagtawanan ni Kevin na parang wala kaming problemang haharapin pagbalik namin sa Manila....Hindi muna namin iniisip yun sa ngayon ang importante magkasama kami haharapin ang lahat ng yun....

"Cindy...Hindi ko ineexpect na mangyayari pa ang lahat ng ito..."

"Pero Kevin asawa mo pa rin si Pia sa mata ng tao at sa mata ng diyos pareho nating alam na mali ito..Oo mahal nga natin ang isat isa pero hindi naman yun maiintindihan ng mapanghusgang lipunan isipin rin sana natin kung anong magiging epekto nito sa anak natin"

"Wala ako pakealam sa ibang tao at alam ng diyos ang dahilan kung bakit kami nagpakasal ni Pia dahil yun sa pagpapaniwala nya sakin sa mga kasinungalingan nya......"

"Minsan ba isang sandali sa buhay mo minahal mo si Pia huh Kevin?"

"Pinilit ko ginawa ko ang lahat for me to love her pero ikaw lang CINDY ang laman nito"sabi ni Kevin sabay hawak nya sa kanyang dibdib na ang tinutukoy nya ay kanyang puso...

THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon