KEVIN'S POV
"Nagkita kami ni Cindy kanina sa mall..."sagot ko..
"Kaya ba malalim ang iniisip mo..Dahil nagbalik n sya..."
"Of course not...Alam mo naman na matagal nang tapos ang samin ni Cindy may kaniniya na kaming buhay ngayon..Masaya na ako sa piling mo Pia"
"I trust you Kevin...At alam kong walang dahilan para saktan mo ako dahil ginawa ko ang lahat ibinigay ko ang lahat para sayo nagbago ako para sayo tinalikuran ko ang career ko para ituon ang panahon ko sayo at higit sa lahat minahal kita ng higit pa sa kaya kong ibigay sana sapat na yun para hind mo ako saktan dahil alam mong ikakamatay ko yun Kevin"
"Hindi kita sasaktan ...I promise..."
"Sana nga Kevin..."
Niyakap ko si Sophia sinecure ko sya na hindi ko magagawang saktan sya.
Nagpaalam na rin si Pia para umakyat sa taas..."Susunod na ako Hon..."sabi ko.
"Ok ...wag ka ng masyadong magpuyat huh..."bilin nya.
Tumango lang ako..
Hindi ko alam kung paano mababago ang buhay ko sa muling pagbabalik ni Cindy mapapanindigan ko paba ang sinumpaan namin ni Pia sa altar hindi ako kailangan malito hindi ko kailangang maguluhan si Sophia ang asawa ko at sya lang ang dapat nandito sa puso ko....Masaya kami at alam kong ginagawa nya ang best para maging mabuting asawa.
Mahal ako ni Pia at ilang beses na nya iyong pinatunayan at hindi makakayanan ng konsensya ko na saktan si Pia..Hindi ko na pwedeng balikan ang nakaraan namin ni Cindy tanging ang anak lang namin ang syang nagdudugtong saming dalawa...
CINDY'S POV
"OH PAT akala ko umuwi ka na...Late na huh!!"puna ko kay Patty ng maabutan ko sya sa kusina na umiinom ng kape galing kasi ako kwarto at pinatulog si Josef.
"Wala ka bang sasabihin sakin tungkol sa pagiinarte mo kanina nung makita mo si KEVIN sa mall..Akala ko ba ready ka na harapin sya para magkapatawaran na kayong dalawa at para rin sa anak nyo...tapos kanina parang sinisilaban yung pwet mo while in front of him obvious na obvious Cindy sobrang panic mo kaya kanina."
"Sobrang nabigla lang ako kanina very unexpected at sa ganun pang tagpo si JOSEF pa talaga ang naging way"
"Cindy...Kahit sa kalagitnaan pa kayo ng Edsa magkasalubong ng ex hubby mo balewala lang yun sayo kung talagang naka get over ka na sa kanya eh na kahit anong oras at anong lugar expected man o unexpected hindi ka na iiwas sa kanya kung totoong naka move on kana...Cindy wag mong sabihin after all this time may something ka pa rin dyan para kay Kevin Oh my gosh...dadagukan talaga kita ..."
"Wala noh.."sabay talikod ko kay Patty at nagpunta ako sa ref para kumuha ng juice para na rin iwasan na makita nya ang expression ng mukha ko dahil kilalang kilala ako ng bestfriend ko at kaya nyang basahin ang totoong nararamdaman ko sa pamamagitan ng expression ko.
"Oh bat tumalikod ka?Dahil ayaw mong makita ko yang itsura mo dahil alam mong hindi ka na makakapagtago sakin..Style mo bulok Cindy!!!"
"Eh sa nauuhaw ako kukuha ako ng juice..."
"Eto ang juice sa harap mo oh tutukain ka na"nagulat n lamang ako ng bigla akong hinawi ni Patty at sya ang kumuha ng juice na nasa harap ko lang.
"Cindy...Alam ko na ilang beses ka ng nagpakatanga sa lalaki pero please lang tigilan mo na matauhan ka naman kundi hindi lang kita sa Amerika ipapatapon kundi sa ibang planeta...Tatlong taon na Cindy marami ng nag iba yung Kevin na iniwan mo sinalo na ng kapatid mo asawa na nya to kaya ikaw kung meron ka pang nararamdaman dyan sa ex mo tigilan mo na yan kung ayaw mong magkagulo kilala mo ang kapatid mo walang sinasanto yun!!"
![](https://img.wattpad.com/cover/3072981-288-k457543.jpg)
BINABASA MO ANG
THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)
FanfictionIsa lang ang gusto kong gawin that is to make him life misersble dahil sa ginawa nya sakin.Kukunin ko abg bagay na mahalaga sa kanya...Para maramdaman nya kung paano ang mawalan...Sa kabila ba ng galit at poot na nararamdaman ko masasabi ko bang thi...