THREE-The different side of me..

2.5K 22 1
                                    

PATTY'S POV

Bestfriend ako ni Cindy since kinder...Kaya kung may higit na nakakilala sa kanya ako yun...Ganun din sya sakin..Sabay kami grumaduate sa course ng business management ako pinursue ko ang course ko and now ako na ang namamahala sa garment business ng parents ko...Pangarap na talaga ni Cindy ang maging model at the very young age nakita ko na ang potential nya.Yun lang yata ang bagay na pinagkaiba namin..

Pero sinuportahan ko sya all the way bestfriend na alalay pa...Karag karag nya ako sa lahat ng auditions..Nakita ko ang strive nya to pursue her modeling career...Na hindi nya ginamit ang connections nya para maabot kung anong meron sya ngayon....

Nakatulog na rin si CINDY matapos turukan ng pampakalma...Inexplain na rin ang dahilan kung bakit sya nabulag...Nagkaroon ng blood clut malapit sa nerve going to her eyes dahil sa tindi na aksidente..Halos a week din sya nacomatose dahil sa aksidente na halos ikamatay nya...Walang may alam ayon sa mga nakakita umiiyak syang lumabas sa office ni Josef at nagtatakbong umiiyak palabas ng building...Hindi na nya namalayan na may sasakyan na dumaan dahil derederetso sya patawid ng kalsada...

I'M SURE MALAKI ANG KINALAMAN NI JOSEF SA INSIDENTE...

Lumipas ang mga araw...pinauwi na rin si Cindy according sa mga doctor kailangan nya sumailalim sa major operation pero hindi pa ngayon dahil kailangan pang pagalingin ang mga iba pang surgery na ginawa sa kanya..It takes six months to one year bago gawin ang operation...pero it 50/50 pa rin ang possibilities...na makakita sya...Pwede kasi maglead sa permenenteng pagkabulag kung sakaling hindi magwork ang operation...

"Pwede mo na ako akong iwan Pat..Thank you"sabi nya alam ko kahit hindi sya magsalita ramdam na ramdam ko ang sakit na nasa loob nya...

Simula ng malaman nya na may possibilities na hindi na sya makakita hindi na ganyan na sya..Halos hindi na sya nagsasalita..Nahihirapan akong nakikita syang ganyan...Parang binibiyak ang puso ko...

"Hindi ako aalis..Dito lang ako...."

"No Pat...Ako lang ang kailangan maging miserable...Ako lang ang kailangan magtiis...Dahil it's all my fault.."

"Cindy..ilabas mo ang lahat ng sakit dyan sa puso mo..pakawalan mo ang lahat!!!Iiyak mo.."

"Umalis ka na Patty....I just want to be alone...please"muli nyang pagtataboy sakin...Ngayon mas madiin..Mas puno ng sakit ang boses nya...

"Hindi kita pipilitin Cindy..Basta nandito lang ako anytime...."pilit ko pinipigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko...Ayoko maging mahina para sa bestfriend ko...

Niyakap ko muna sya bago ako nagpaalam...At tsaka bumuhos ang luha ko ng lumabas na ako sa kwarto nya...

"Mauna na po ako Tita"paalam ko sa mama ni Cindy...

"Maraming salamat Patty...."pilit lang ang pag ngiti ni Tita Sandra alam ko sa puntong ito kailangan minsan din natin pagaanin ang sitwasyon...Kung maitatago man ng ngiti ang sakit na nararamdaman ng puso at ipakita sa iba na okay sana lagi na lang ganun..

"Be Strong para kay Cindy...Satin na lang sya kumukuha ng lakas hindi tayo pwedeng maging mahina..."sabi ko.

"Your'e right Patty....We need to be strong at hindi natin bibitawan si Cindy"

Hindi na ako tumugon...niyakap ko na lang si Tita Sandra....At kahit anong pagtatago pala ng sakit kusa pa rin itong ilalabas ng mga luha...Alam kong umiiyak si Tita Sandra ramdam na ramdam ko ang bawat paghikbi nya....Hinimas himas ko ang likod nya na kahit paano at gumagaan gaan ang pakiramdam nya...Alam ko higit sa lahat sya ang nasasaktan para kay Cindy...

CINDY'S POV

Wala ng CINDY MONTEREAL....Wala na ang mga liwanag na nagmumula sa lente ng camera..Wala ng tao na papalakpak habang naglalakad ako sa runway...Wala ng CINDY MONTEREAL na makikita sa ibat ibang fashion magasine...Wala ng naglalakihang billboards na naka paskil saan mang sulok ng EDSA...Tuluyan ng ibabaon sa limot ang pangalang CINDY MONTEREAL..

THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon