B2-nine

1.2K 15 5
                                    

CINDY's POV

"This is your big day mah friend"nakangiting sambit ni Patty dito na kasi sya natulog kagabi feeling ko nga mas excited pa sya keysa sakin....

"Oo nga Pat..I'm so excited especially iaannounce ko na sa lahat na magkakababy na kami ni Kevin I can't hardlly imagine kung anong magiging reaction ni Kevin"

"Hay naku sis for sure maglulundag yun sa tuwa mantakin mo wala pang honeymoon may baby na kaagad...Diba advance gift?"

"Loka loka ka talaga best!!!!"

"Naman pero hindi kasing loka loka mo pagdating sa love..."

"Kesa naman sa walang lovelife diba?"

"Atleast walang sakit sa ulo pero girl Im happy for you finally natagpuan mo na ang right man for you at alam ko magiging masaya ka obvious naman eh"

"Pero best hindi pala talaga lahat ng bagay na magpapasaya sayo ibibigay ng buong buo na meron pa rin kailangang maiwan..."

"Si Pia na naman ba yung kulang para tuluyan mo ng makamit ang complete happiness girl ganyan talaga ang buhay ang hirap i balance gaya ng nangyayari sayo masaya ka dahil ikakasal na kayo ni Kevin pero in the other hand merong Pia na nagbibigay ng kakulangan pero Cindy i priority mo yung positive vibes at i set aside mo yung mga negativity dahil once ipagsabay mo yan hindi mo kakayanin for sure sasabog ka...Ang positive and negative hindi mo pwedeng i combine"

"Parang batery lang?"

"Tumpak!!!kaya ikaw kung ayaw mong sumabog alam mo na gagawin mo ok?"

"Thanks Patty ...Hindi ko siguro alam what is life without you kahit minsang kontrabida ka kahit napaka taklesa mo I've learned a lot from you dahil ikaw ang pinaka honest at pinaka totoong tao na nakilala ko"

"Enough na baka magkaiyakan pa tayo dito not this time remember this is your day"alam ko pilit lang ikinukubli ni Patty sa ngiti ang lahat pero alam ko sapol din sya sa mga sinasabi ko...Yun kasi ang personality nya kaya nga hindi mo malalaman kung may prob sya dahil sobrang positive nya..

Nagyakapan kaming dalawa.........Pero hindi ko na rin napigilan ang lumuha ...

KEVIN's POV

Patungo na rin ako ngayon sa simbahan pero bakit parang ang bigat bigat ng dinadala ko na dahil ba sa katotohanan na tinatago ko kay CINDY kaya ba talaga ng konsensya ko na humarap sa altar dala dala ang lahat ng kasinungalingan dito sa puso ko pero mas kakayanin ba ng puso ko na mawala sakin si CINDY???

Bumaba na ako ng kotse at doon ay sinalubong ako ni SANDY....Unti unti na ring nagdadatingan ang mga bisita...

"Sir dito po tayo sa may altar on her way na raw po ang bride" by the way si Caloy na lang ang kinuha kong bestman dahil sya lang naman ang close sakin sa ngayon tuwang tuwa nga ang mokong eh..

Napansin ko na halos kumpleto na rin ang guest hindi ko lang maiwasan ang hindi malungkot dahil iilan ilan lang ang pamilya ko ang nakapunta wala na rin naman kasi akong contact sa iba kong kapamilya...

"Patawarin nyo po ako kung haharap at manunumpa ako sa inyo kahit alam ko sa sarili ko na meron akong dinadalang malaking kasalanan sobrang mahal ko lang po talaga si Cindy at hindi ko po kaya na mawala sya sa buhay ko...Hindi ko po alam kung ano pong magiging kabayaran ng lahat ng ito pero handa po akong harapin wag lang mawala ang babaeng pinakamamahal ko" dasal ng isipan ko..

Sumenyas na si SANDY na parating na ang bride..Kaya inready na rin nito ang entourage na mag mamarch papuntang aisle......

CINDY's POV

THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon