FOURTY FIVE-Am I really happy?

1.5K 17 3
                                    

KEVIN's POV

Halos mapudpod na ang daliri ko kakadial ng number ni Cindy pero always un attented...

"Where are you Cindy?"bulong ko ng mapaupo na lamang ako sa gilid ng aking kama halos pagabi na rin at buong araw na hindi man lang nagpaparamdam si Cindy at tinawagan ko na rin ang PA nya at sinabi nito na pina resched daw nya lahat ng kanyang appointment..At hindi na alam ng kanyang PA kung saan na ito nagpunta.

Nagaalala ako lalo na't bukas na iaannounce ang result para sa Supermodel of the World hindi sya pwedeng mawala sa isa sa alam kong pinakaimportanteng pangyayari sa buhay nya...At sigurado ako na sya ang mananalo....Pero biglang kumabog ang dibdib ko sa ideya na hindi kaya sinadya nyang umalis para hindi siputin ang competition at hindi sya nagsabi sakin dahil alam nyang pipigilan ko sya mag baback out ba sya para magkaroon ng mas malakas na posibilidad na si Sophia ang mag represent ng bansa ginawa nyang mag give way para sa kapatid nya....

"NO!!!"convince ng isip ko kahit ang katotohanan na mismo ang sumasampal sakin ng katotohanan na maaaring ganun nga ang nangyari kaya hindi ko sya makontak..

Kinagabihan kinabukasan abala na ang lahat sa paghahanda para sa pagaannounce kung sino ang ipapadala ng bansa para sa pinaka malaking competition sa buong mundo sa larangan ng pagmomodelo pero lahat din ay nagtataka dahil wala pa rin si Cindy sa venue  gayong ilang saglit na lamang ay iaanounce na kung sino ang magrerepresent ng bansa para sa Supermodel Model of the World na gaganapin na sa isang buwan nagpapaniic na ang orginizer ng event..

Nandito ako ngayon dahil umaasa pa rin ako na mababago ang isip ni Cindy na sa kahulihulihang pagkakataon ay pupunta sya dito pero mukhang umaasa lang ako sa wala hindi rin ako tinitigilan ng press sa kakatanong kung alam ko kung nasaan si CINDY pero iisa lang ang isinasagot ko yun ay ang katotohanan na wala talaga akong idea where the world she is...

Kaya nagdecide na rin ako umalis sa venue pero bago pa ako makalabas ay nasalubong ko na si Pia kasama ang PA nito na papasok naman..Gusto ko man umiwas pero tila huli na ang lahat..

"Mauna ka na.."utos nya sa kanyang PA at mabilis naman itong sumunod tsaka naglakad pa ng konti si Pia para makalapit sakin...

"Saan ka pupunta huh Kevin?"

"Aalis na ako wala namang dahilan para magstay pa ako dito"

"Dahil ano walang Cindy na sisipot..Nasaan na ba talaga sya akala ko ba lalabanan nya ako hanggang huli tapos ngayon missing in action sya? Dahil ano kevin porket nalaman nya ang totoo kaya sya nagback out ayaw nya akong labanan dahil nagparaya sya for me para ano pasalamatan ko sya yun ba ang dahilan Kevin na kaya wala dito si CINDY dahil iniisip nya at sigurado sya na once labanan nya ako dito sya ang mananalo kaya imbes na sa ganung paraan na alam nyang ikakasama ng loob ko mas pinili na lamang nya na hindi sumipot ang lakas din naman pala ng self confidence nya assuming na sya talaga ang mananalo dito"

"Pia wala akong alam sa tunay na dahilan kung bakit hindi sisiputin ni Cindy ang gabing ito pero gaya ng sinabi mo ganyan din ang iniisip ko na mas pinili na lamang nya na talikuran ang pagasa na sya nga ang manalo sa competition at ibigay sayo ang malaking chance to win the title dahil yun ang gusto nya dahil alam nyang ito ang isang bagay na makakapagpasaya sayo dahil ayaw na lalo pang maging magulo ang lahat"

'At sa tingin mo sige let say na ako nga ang manalo sa competition dahil obviously hindi sya sumipot sa tingin mo dun na matatapos ang lahat hindi lang sa isang titulo o korona magwawakas ang lahat Kevin hindi porket napanalunan ko na to magiging okay na ang lahat alam mo ba ang reason kaya pinilit ko na makapasok sa competition na ito dahil once na ako ang nanalo dito masisiguro ko na hindi ko lang mapapantayan si CINDY mas hihigitan ko pa sya at alam ko yun ang magiging katapusan ng career na inaalagaan at minahal nya...Dahil hindi ako titigil hanggat mawala sa kanya lahat ng kinang at kasikatan hindi ako sumali dito para may mapatunayan sa sarili ko sumali ako dahil alam ko isa ito sa mga way para mawala na si CINDY sa larangan ng pagmomodelo at kung nagpakatanga sya dahil nagback out sya dito sana hindi nya pagsisihan na sa pagbalik nya wala na talaga syang career na babalikan pa"

"Hindi ko alam Pia kung hanggang saan lalamunin ng galit ang puso mo kung hanggang saan ang kaya mong tiisin para lang dyan sa paghihiganti mong wala sa lugar sana nga maging masaya sa ginagawa mo at sana ikaw ang hindi magsisi na hinayaan mong kainin ng galit ang buo mong pagkatao"yun lang ang huli kong sinabi at iniwan ko na si Pia at naglakad na ako palabas ng Venue...

Napagdesisyunan na ng officials ng Supermodel of the world na tuluyan ng tangalin si CINDY sa pagpipilian dahil sa hindi nito pagsipot ng wala man lang sabi sabi kaya ngayon ay si VICTORIA SALAMEDA at Si Sophia na lamang naglalaban sa title umalis na nga ako sa event pero nandun naman si RICA at sya ang nagbabalita sakin ng lahat ng nangyayari ngayon ay nandito ako sa isang bar at umiinom sa ganitong way pakiramdam ko medyo gumagaan kahit paano ang pakiramdam ko nasasaktan kasi ako para kay CINDY na ginawa nya ang lahat ng pagsasakripisyong ito para sa isang tao na hindi naman marunong magpahalaga it's all useless..

Makailang saglit ay tuluyan ng idineklara na si Sophia na nga ang magrerepresent ng bansa para sa SMOTW yun ang tinext sakin ni RICA hindi napigilan ng mata ko ang lumuha nasaan na kaya si CINDY ano na kaya ang nararamdaman nya ngayon alam ko at sigurado ako na alam na rin nya ang resulta sino kaya ang kasama nya para damayan sya wala ako sa tabi nya para man lang meron syang paghingahan ng sakit na nararamdaman.."Nasaan ka na CINDY?Alam kong kailangan mo ako this point of your life pero bakit hindi mo ako hinayaang tulungan ka"sigaw ng isip ko sabay inom ng baso ng wine na hawak ko...

CINDY's POV

Pinindot ko na ang off button ng Tv matapos iannounce ng officials ng SMOTW na si SOPHIA na nga ang magrerepresent ng bansa para makipagtagisan sa buong mundo sa pagmomodelo...

Pinipigilan kong masaktan gusto kong maging masaya dahil alam ko masaya si Sophia sa pangyayaring ito ng kanyang buhay napakalaking pagbabago ang magiging dulot nito sa kanayang buhay lalo na sa kanyang career hindi lang sa Pilipinas sya makikilala mas makikilala pa sya sa buong mundo...pero may parte rin ng puso ko nanghihinyang napakatagal na panahon ko hinintay na ma invade ang international na sana kung itinuloy ko ang laban ay malaki ang pagasa na matupad ko yun pero dahil sa mga situation na hindi inaasahan ay nangyari nga ang lahat ng ito pero wala akong pagsisisihan ginawa ko ito para sa kapatid ko..

--------------------------

NA talagang short update lang ito dahil magsisimula na ang book 2 ng story na ito sa susunod na chapter..

OO may book talaga toh kaya wag ng kumontra ok......

Thanks see yah next chapter...

THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon