CINDY'S POV
"Sige po Manang,,iwan nyo na lang po muna ako dito"sabi ko kay Manang Rose ng dalhin nya ako sa may tabing dagat..Hindi ko man nakikita ang paligid nararamdaman ko naman ang sariwang hangin na dumadampi saking pisngi..At naririnig ko rin nmn ang hampas ng alon....
"Sigurado ka hija.."nagaalala pa ang tono ni Manang...
"Opo..Balikan nyo na lang po ako after 1hr"bilin ko..Malapit lang din naman ang dalampasigan sa resthouse kung nasaan ako ngayon..Halos magiisang buwan na rin ako dito..Malayo sa mundong kinasanayan ko.Sigurado ako darating din ang araw ng mabubuo na ang pagkatao ko na winasak ng pagibig..At sinisigurado ko na once nabuo na ako hindi na ako ang dating Cindy Montereal...
KEVIN'S POV
Naging mabilis naman ang biyahe naming papuntang resort kung saan gagawin ang photoshoot para sa INSTYLE CLOTHING ..The best of summer collections ang magiging kabuuan ng photoshoot pero halos madilim na rin kami nakarating sa hotel kaya mas pinili ko na mag relax muna ngayng gabi at bukas na nang umaga umpisahan ang photoshoot..
"Sige guys magpahinga na kayo para bukas may energy tayong lahat.."sambit ko sa buong team na tutulong sakin para maging maganda ang kinalabasan ng project namin na to..
Nasa sampu rin katao ang bumubuo sa creative team..kasama rin ang sampung model na limang babae at limang lalaki..Hinati ang creative team para sa tatlong kwarto at ang mga models naman ay sama sama ang mga lalaki sa iisang kwarto gayon din ang mga babae naging maayos naman ang set up nila at nagkasundo sundo naman sila kaya wala namang naging problema sa mga na assign na kwarto..
At kaming dalawa naman ng assistant photographer ko sa isang kwarto na si Caloy..
"Sir sigurado po ba kayo na ok lang po na maging room mate nyo ako pwede naman po akong makisiksik sa kanila wala namang kaso po sakin yun.."sambit ni Caloy na halatang nagaalangan na makasama ako sa iisang kwarto.
"Ako lang magisa dito sa room aalog alog ako dito eh tapos sisiksik ka pa sa kanila ...Dito ka na lang para naman may kasama ako..."nakangiti kong sabi para naman gumaan ang loob nya na kasama ako..Importante na magkapalagayan kami ng loob kasi marami pa kaming pagsasamahan na project bilang assistant ko..
"Salamat po Sir.....Ang bait nyo po pala"
"Bakit akala mo gaya ako ni JOSEF."
"Hindi naman po..Mabait rin naman po si SIR JOSEF medyo mahigpit nga lang po tsaka bihira po ngumiti kaya nakakatakot iapproach"
"Ganun talaga yun medyo nasobrahan ng vitamins ng baby pa.....tsaka nga pala maitanong ko lang matagal ka na bang nagtatrabaho sa agency?"pagiiba ko ng topic..
"Opo Sir...May tatlong taon na rin po"sagot ni Caloy.
"So,,Naabutan mo si CINDY"
"Ay Sorry po Sir NO COMMENT po ako dyan..Mahigpit pong binilin ni Sir Josef na wag na pong babangitin si Mam Cindy ..."
"Ano ka ba hindi naman malalaman ni JOSEF eh...Hindi naman kita ilalagay sa alanganin tsaka nabangit na rin yan sakin ni RICA kaya alam ko na ang tungkol dyan"
"Opo madalas po ako ang nakaassign sa lahat ng photoshoots ni Mam Cindy"sabi ni Caloy na wala na ring nagawa at na convince ko na ring mag open up tungkol sa nalalaman nya kay Cindy..
"Ah...So kamusta naman sya bilang model"
"Sir...yari po ako kay Sir Josef kung magkukwento po ako ng mga bagay bagay tungkol kay Mam Cindy"
"Caloy naman pagkatiwalaan mo ako hindi kita ipapahamak kay Josef importante lang na malaman ko ang lahat lahat tungkol kay Cindy Montereal"
"Pangako po Sir?"paninigurado pa ni Caloy..
BINABASA MO ANG
THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)
Fiksi PenggemarIsa lang ang gusto kong gawin that is to make him life misersble dahil sa ginawa nya sakin.Kukunin ko abg bagay na mahalaga sa kanya...Para maramdaman nya kung paano ang mawalan...Sa kabila ba ng galit at poot na nararamdaman ko masasabi ko bang thi...