FOUR-A STUPID WORD CALLED LOVE

2.5K 25 2
                                    

CINDY'S POV

Lalayo ako...kung saan pipilitin kong buuin ang puso kong winasak ni JOSEF RICAFUERTE at sa pagbabalik ko sisigraduhin ko sya naman ang wawasakin ko..Oo hindi ako nawawalan ng pagasa na bumalik ang paningin ko..Panghahawakan ko ang sinabi ng doctor ang posibilidad na makakita ulit ako...At muli ibabangon ko ang career na inagaw sakin..

Alam ko sa ginawa kong contribution sa mundo ng modeling hindi ako ganun kadali na kakalimutan ng tao..At gagawin ko ang lahat para maibalik ang nawala sakin..

HIGIT SA LAHAT AY ANG PABAGSAKIN ANG RICAFUERTE HANGGANG SA MALUGMOK ITO SA LUPA!!!

I WILL DESTROY JOSEF RICAFUERTE..

"I need to do this Ma..Kailangan ko liwanagin ang pagiisip ko.buuin ang pagkatao ko..Para sa pagbabalik ko isang bagong CINDY MONTEREAL na ang haharap sa mundo..."sabi ko sa kanya at pilit na kinoconvince na lalayo muna ako.

"Anak kung ano man ang pinagdadaanan mo huwag mong hayaang lamunin ng galit ang puso at pagkatao mo..walang maidudulot ng maganda kung magpapatalo ka sa poot at galit"

"Ano po ba ang kailangan kong maramdaman...?Heto ako ngayon miserable walang kwenta walang silbi.at lahat ng ito ay dahil kay Josef Ricafuerte..Nagawa pa nyang lokohin ang lahat ng tao dahil sa lahat ng pinagsasabi nya sa presscon..Hindi pa sya nakontento sa ginawa nya sakin...Do you expect na wala akong mafefeel na galit sa hayop na lalaking yun..?Ma sana nga namatay na lang ako...Pero inisip ko kaya siguro ako hindi namatay dahil kailangan pang magbayad ni Josef sa lahat ng kasalanan na ginawa nya sakin.."

Wala na ring nagawa pa ang mama para umalis ako..syempre kasama ko si Manang Rose hindi naman pwede na ako lang magisa..bulag nga ako diba? Kaya kahit anong pilit ko na kaya ko imposible kailangan ko ng aalalay sakin.

Si Manang Rose para ko na rin yang nanay..Hindi pa yata ako ipinapanganak sa nandito na sya..Hindi nga yan nakapagasawa..

Hiwalay na pala ang parents ko wala na rin kaming naging communication kay Papa ang huli naming balita may kinakasama na itong iba..Wala pa akong isip nung naghiwalay sila kaya I grew up without knowing my father hindi na rin naisipan ng mama na makipagrelasyon sa iba sakin na lang nya binuhos ang buong oras at panahon nya...

Sa isang private resort namin dito sa Batangas ako nagpunta...Malapit sa tabing dagat..Tahimik malayo sa mundong kinasanayan ko..Dito ko bubuuin ang pagkatao ko..Dito ko sisimulan magisip kung paano naman wawasakin si Josef Ricafuerte....

JOSEF RICAFUERTE'S POV

"KEVIN?"gulat kong tugon ng mabungaran sya sa labas ng pinto ng bahay ko...Sa tagal ng panahon hindi ko inexpect na babalik pa sya..

"Oh bro..Mukhang nakakita ka ng multo huh..Hindi mo man lang ba ako papasukin?"sambit nya.

Hindi ako tumugon niyakap ko na lang sya...

"Hindi mo naman ako namiss nyan huh"pabiro nyang sabi na ngayon ay kumawala na ako sa pagkakayakap...

"Akala ko hindi na tayo magkikita pa bro"

"Pwede bang pumasok muna sa napakalaki mong bahay"sabi nito..

"Ano dito ka na ba for good?"tanong ko habang nakaupo na kami sa recieving area..

"Hmm...Kung papatirahin mo ba ako dito sa bahay mo eh"

"Oo naman tol...Pwede bang hindi...eh kapatid kita hindi lang kapatid kakambal pa"

"Dahil hindi obvious na masyado mo ako na miss I guess dito na ako for good"

By the way ipakilala ko sa inyo si KEVIN RICAFUERTE....Matanda lang siguro ako sa kanya ng 5 mins..Oo identical twins kami..Yung tipo na hindi mo madidistinguish kung ang pinagkaiba namin...Pero sa physical features lang yun but we're totally different in many ways...

THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon