B2-TWENTYSEVEN

1.3K 18 6
                                    

KEVIN's POV

Naabutan kong palabas sina Cindy sa presinto sinalubong ko sya at mahigpit na niyakap...

"Nasabi sakin ni Pia ang lahat" sambit ko ng kumawala ako sa pagyayakap.

"Oo Kevin sya ang may kagagawan nito pero sakin nakaturo ang lahat ng ebidensya na nkita ng mga pulis sa bahay ni Migs at alam ko sya ang nagpain ng mga ebidensya dun na magdidiin sa akin" ani ni Cindy..

"Kung ganun bakit ka nakalabas?"

"Kinuwestyon lang ako at sabi ni Atty hanggat wala pang kapamilya ni Migs ang magsasampa ng kaso within 48 hrs hindi pa ako pwedeng i detain at kaya Kevin kailangan na nating mahanap si Migs sya lang ang makakapagpatunay ng lahat..."

"Hindi patay si Migs?"

"Hindi Kevin nawawala lang si Migs...Walang bangkay na nakita ang mga pulis sa bahay nito pero bakas ang dugo sa nagkalat na sinasabing binugbog muna si Migs"

"Kailangan nating harapin si Pia sya lang ang nakakaalam kung nasaan si Migs...."

"OO kevin kailangan na nating tapusin ang kasamaan ni Pia....At hanggat hindi p natin napapatunayan na patay na si Migs possibleng buhay pa sya"

Magkasama kami ni Cindy na dumeretso ng bahay para puntahan si Pia.....

At nang maabutan namin sya dun ay hindi ko na napigilan si Cindy na sugurin ito at sampalin.....

"Hayop ka Pia......Hindi ko alam kung paano nakakayanan ng konsensya mo na gawin ang lahat ng ito..."galit na galit na sambit ni Cindy...

"Sabi ko sayo Cindy kahit ilang sampal pa ang bitawan mo balewala sakin lahat ng yan pero sisiguraduhin ko na huli na yan......Nakita mo naman kung ano ang kaya kong gawin diba lalo na sa mga taong kumakalaban sakin....Wait kamusta na pala si Josef sinigurado mo bang safe sya sa bestfriend mo?"nakangiti pang sabi ni Pia..

Ako na ang lumapit kay Pia at hinawakan sya sa magkabilang braso...."Kung may binabalak kang masama sa anak ko wag mo na ituloy Pia"mahina pero punong puno na galit kong sambit..

"OH Takot ako...Don't worry my dear Kevin....Madali naman akong kausap eh...."

"Tinawagan ko si Patty kasama nya si Josef......"sabi ni Cindy matapos nyang tawagan si Patty..

"Oh safe naman pala si Josef kay Patty huh..pero kung iinisin nyo ako isang tawag ko lang sa mga tauhan ko na nagbabantay sinisiguro kong madadamay si Josef sa lahat ng ito kaya ikaw Cindy wag masyadong matapang ok"

Lumapit si Pia kay CINDY at hinawakan nya ito sa braso...."Sasama ka sakin.....kung ayaw mong mapahamak ang anak mo"

At nugulat na lamang ako ng may mga armadong lalaki na humawak sa braso ko....

"Ikaw din Kevin..pare pareho tayong magsama sama sa impyerno"sabi ni Pia nanakatingin sakin..

Hindi na kaming pwedeng pumalag kay Pia dahil maling galaw lang namin ni Cindy maaaring mapahamak si Josef...

Piniringan ako ng mga tauhan nya...."CINDYYYYYYY!!!"sigaw ko ng nabalot ng dilim ang paligid ko....

Pero wala akong narinig na pagtugon....Hindi ko alam kung anong balak ni Pia pero alam ko maaari itong ikapahamak ni CINDY..

Naramdaman ko na lang na nasa loob ako ng sasakyan na umaandar....at mahaba din ang biniyahe namin ng naramdaman ko na huminto na ang sasakyan...At dito ay may hunawak sa magkabilang braso ko habang binababa ako sa sasakyan....

Naglalakad kami sa lugar na hindi ko alam kung saan dahil naka piring pa rin ang aking mga mata....Hanggang sa iniupo ako ng mga lalaki at ginapos......

THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon