B2-FOURTEEN

1.2K 14 10
                                    

NA/ I really appreciate your comments regarding my story whether positive or negative man yan it inspired me to improve my skills..Thanks a lot guys..

______________

KEVIN's POV

 FLASHBACK ( 3 yrs ago)

Halos sumabog ang puso ko na iannounce ng judge na tuluyan na ngang napawalang bisa ang kasal namin ni CINDY naging mabilis naman ang prosesso dahil ako ang kusang umamin na niloko ko sya kaya kaagad na pinanigan ng judge si CINDY...Ginawa ko ang lahat ng ito dahil alam kong ito ang gusto nya  kahit pakiramdam ko ay katapusan na ng mundo para sakin..

Hindi na rin kami nakapagusap matapos nun hanggang sa nabalitaan ko na lang kay Sophia na umalis na sya papuntang AMERIKA.

At doon nagsimulang magiba ang buhay sakin halos hindi na ako pumasok sa agency wala akong ginawa kundi uminom at sumama sa ibat ibang babae na kahit saglit malimutan ko man lang ang sakit na nararamdaman ng puso ko..

"Tol..may problema ba?Angas mo makatingin huh?"sita sakin ng isang lalaki sa bar kung saan ako tumatambay para magpakalunod sa alak...

Hindi ako kumibo tiningnan ko lang na parang wala akong narinig at sabay talikod sa lalaki at  shot ng alak na nasa baso ko ...Wala ako sa mood makipagbugbugan ngayon masakit pa ang panga ko sa pakikipag suntukan nung isang araw sa kabilang bar...At sa nakikita ko sa karakas ng lalaki wala ng sisirain pa sa mukha nito dahil sira na..

THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon