NA// Medyo matured kasi ang concept ng story nito..Kaya nagdodoubt ako na gawing ASHRALD FF to..Pero irerevise ko na lang para maging wholesome ng konti..
For the sake of ASHRALD SUPPORTERS...
Sana nga magustuhan nyo ..
------------
KEVIN'S POV
Hindi ko rin sinabi kay Josef kung anong naging buhay ko sa nagdaang taon..Sinabi ko na lang sa kanya na napadpad ako sa malayong probinsya at doon namuhay..Nagbago at muling binuo ang pagkatao...
"So..Anong plano mo?"tanong sakin ni Josef..
"Pwede ba akong magtrabaho sa agency mo..?"tugon ko..
"Oo naman.."deretso nyang sabi..
"Photographer..pwede ba?"
"Kailan ka pa nahilig sa photograpy?"pagtataka nyang tanong
"Yan kasi ang naging sideline ko nung lumayo ako..yun nagustuhan ko naman kaya kinareer ko na lang"
"Ok sige..Magreport ka bukas sa agency huh"
"Sige bro...Wag kang mag alala hindi kita ididisappoint"
"I trust you bro..."
"Thanks"
Kinabukasan nagreport na rin ako sa agency...Lahat halos ng makita ko ay binabati ako ng "Good Morning Sir" akala nila siguro ako si JOSEF ningingitian ko na lang sila..tsaka na siguro sasabihin sa kanila na kambal kami ni JOSEF.
"Sir Josef?Diba nasa meeting kayo?Kakalis nyo lang 15mins ago"gulat na gulat na reaksyon ng babae na nasa table malapit sa opisina ni Josef.
"Hmm..Hindi ako si Josef...Kevin toh..twin brother ng boss mo"
"HUWATTTTTT?may kambal si Sir?"
"Obviously...Nandito nga ako ngayon sa harap mo.."
"Oh sorry po..Sir.."
"Nasaan si Josef?"
"May meeting po sa perspective clients.."
Hindi ko alam kung bakit napagawi ang tingin ko sa isang magazine na nakapatong sa desk ng babae...At dinampot ko ito..Hindi ko alam kung bakit may kurot akong naramdaman ng makita ang babae naka pose sa front cover nito...
"SINO TO?" naitanong ko na lang sa babae sa harapan ko.
"Hmm..Ah luma na po yan...Last year issue pa po yan Sir..Si CINDY MONTEREAL po yan..Yung model namin dito.."
"Ah ok..Maganda sya..Mahusay talaga ang mata ni Josef sa pagkilatis ng babae..Nasaan na sya.."Sabi ko na hindi ko maiwaglit ang mata sa babae sa cover..
Hindi na nakatugon ang babae at nabigla rin ako ng may biglang humalik sa labi ko..
"Oh Honey ..Akala ko may meeting ka with Mr. Flores"nakangiting sabi ng babae..
"EXCUSE ME.."sabi ko na lang...Hindi ko naman kilala ang babaeng ito bigla bigla na lang ako hahalikan....
"Oh..Ms.Sophia..Hindi po sya si Sir Josef..Si Sir Kevin po sya twin brother ni Sir Josef"ang babae na kausap ko kanina ang sumabad..Nagulat din ito sa ginawa ng babae na out of the blue hinalikan ako.
"Huh...Anong pinagsasabi mo Rica?wala namang sinasabi si Josef na may kambal sya eh"
"Yup..Kakambal ako ni Josef..Hmm..Medyo nagkaroon lang kami ng mis understanding in the past kaya siguro hindi na importante na i tackle ang tungkol sakin"
"Oh I see..Im so sorry.I thought ikaw si Josef..By the way Im Sophia..Josef's fiancee"sabay lahad nito ng kanyang kamay..
"Sir Kevin tumawag na po si Sir Josef on his way na raw po sya"sabi ni Rica...
"Sige Kevin hinatayin mo na lang si Josef sa loob..Mauna na rin ako huh...May photoshoot din kasi ako mamaya konti"
Pumasok na ako sa loob ng office ni Josef...Ni sa panaghinip hindi ko inaakala na mararating ang lahat ng ito ni Josef..He really did a good job..
Nagulat na lamang ako ng bumukas ang pinto at si Josef na ang pumasok kasunod si Rica..Nagpakilala na rin to kanina na secretaty ng kakambal ko.
"I schedule na kita ipakilala sa buong agency..Medyo madami ang macoconfuse sating dalawa dahil kambal tayo for sure malilito ang lahat ng emplayado dito..Pero for sure masasanay din sila later on"ani Josef .
"Good idea bro..Kahit nga yung fiancee mo pinagkamalan ako..ikaw.."
"Oh..Nagmeet na pala kayo ni Pia.."
"Yah..Bago ako pumasok dito"
"So...Si Rica pala ang tatayo mong secretary habang hindi pa tayo nakakahanap ng secretary mo"
"Ok that's fine with me..mukhang magkakasundo naman kami ni Rica"sabay ngiti ko sa kanya..At ginantihan din nya ako ng ngiti.
"Tara ipakilala na kita sa lahat para naman makapag umpisa ka asap"si Josef.
"RICA..Ipatawag mo ang lahat empleyado ng agency then pumunta kayo straight sa conference room"utos ni Josef sa secretary..
"OPO sir"mabilis nyang tugon...At dali dali na lumabas si Rica sa kwarto.
Sari sari ang naging reactions ng mga empleyado ng agency..Yung iba nagtaka..nabigla.natuwa...basta iba iba ang pagtangap nila.
"Basta wag kayong malilito hah...Tingnan nyo na lang sa pananamit at ayos ng buhok.."
"Tama si Josef..Isipin nyo na lang na ako ang pinaduming version ni Josef"
"Hindi naman Bro..."nakangiting sambit ni Josef.
"O sya sya..Basta sanayin nyo na lagi nyong makikita ang Sir Kevin nyo kasi isa na sya sa magiging official photographer ng agency"
"Opo Sir Josef"sabay sabay nilang tugon na parang grade one lang na sumusunod sa bilin ng teacher..
Nangiti ako ng bahagya..Kitang kita ko kasi sa mukha ng mga empleyado na talagang takot sila kay Josef...
Ang bigat na vibes..Parang wala man lang happenings dito..Seryoso lahat ng tao..
"Matanong ko nga Rica..Ganyan ba talaga si Josef masyadong aloof sa mga emleyado nya"tanong ko kay Rica habang naglalakad kami ng hallway, nagpaalam na rin muna si Josef meron pa daw syang pupuntahan..
"Opo Sir Kevin..Kamag anak yata yan ni Hitler...Napaka strikto kaya nga sila nagbreak ni Ms.Cindy"
"Huh..Cindy sya ba yung model na nasa magazine kanina?"
"Sir.pasensya na po..Bawal po kasing pagusapan Ng tungkol kay Ms.Cindy dito sa agency"
"Kapatid ako ng may ari dito kaya may karapatan akong malaman kung anong meron dito"
"Sir..Hindi po talaga pwede..Sorry po"
Hindi ko na pinilit si Rica na magsalita alam kong sinusunod nya lang ang protocol sa agency marami namang way para malaman ko ang tungkol sa kanya..
Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng interest kay CINDY MONTEREAL..Nararamdaman kong may something na kailangan kong gawin..Lalo nat nadulas pa si Rica na may past sila ni Josef....Kung naging sila ng kapatid ko bakit nag end up si Josef at Sophia..At bakit nawala si Cindy dito..Nasaan na sya?
Kaagad kong sinearch ang Cindy Montereal sa internet...
Im very shocked sa na discover ko...She got into a tragic car accident ...At nabulag sya kaya nawala sya sa limelight..
And there speculations na it's all because of Josef..my twin brother..but Josef denied it..
Ayon sa pinanuod kong press conference nya...
I NEED TO KNOW THE WHOLE TRUTH KAILANGAN KONG MAKITA SI CINDY MONTEREAL
PERO SAAN AKO MAG UUMPISA
---------
NA/ walang kwentang UD...
Bawi na lang ako next Chapter...promise
O
BINABASA MO ANG
THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)
FanficIsa lang ang gusto kong gawin that is to make him life misersble dahil sa ginawa nya sakin.Kukunin ko abg bagay na mahalaga sa kanya...Para maramdaman nya kung paano ang mawalan...Sa kabila ba ng galit at poot na nararamdaman ko masasabi ko bang thi...