FINAL CHAPTER

1.8K 32 13
                                    

NA/ I just deleted my other ASHRALD FF dahil kailangan ko talagang baguhin hope basahin nyo pa rin huh...

____________

CINDY'S POV

"Hmmmmmmp....."si KEVIN niyakap nya ako mula sa likod habang ako ay nakatanaw sa lawak ng dagat...hindi hindi ako magsasawang balikan ang lugar na ito kung saan nagsimula ang lahat....

Humarap ako sa kanya at nagabot ang aming mga mata "Hindi ko akalain na darating pa ang araw na ito...Ikaw at ako magkasama"mahina kong sabi...

"Wala naman talagang makakapagsabi kung ano ang itinadhana eh may mga bagay na tangap mo na sa sarili mong pinakawalan mo na pero sa hindi mo inaasahan ang pagkakataon pa rin ang magbabalik nito sayo"tugon nya...

"Tama ka Kevin...Sa mga pinagdaanan nating dalawa na dun na matatapos ang lahat ang kapwa natin tangapin na talagang hindi na tayo para sa isat isa pero naging mapaglaro ang tadhana satin sinubok nito ang pagmamahalan natin sa paraang hindi natin sukat akalain"

"Ang importante ngayon ay tayo pa rin sa huli Mrs.CINDY RICAFUERTE...At panghahawakan natin ito habang buhay kasama pa ng magiging anak natin"

Oo ikinasal ulit kami ni KEVIN pagka babang luksa ni SOPHIA..Isang taon na ang nakalipas simula ng mawala sya at isinakripisyo nya ang sarili nyang buhay para lang madugtungan ang buhay ni KEVIN kaya walang hanggang pasasalamat ang gusto naming iparating sa kanya saan man sya naroroon.

At nagyakapan na kami ni KEVIN...muli ay haharapin namin ang bukas na magkasama..panibagong buhay panibagong kabanata at panibagong paglalakbay at alam namin na haharapin nitong magkasama.

THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon