KEVIN's POV
"Hindi magandang biro yan huh...CINDY"sabi ko pa na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na may gusto sakin si PIA..Oo alam ko na wala syang gusto kay JOSEF na pagpapangap lang ang lahat pero ang magkagusto si SOPHIA sakin ano to JOKE?
"Hindi ako nagbibiro Kevin....Narinig ko mismo sa bibig ni PIA na may gusto sya sayo...At hindi mo ba nahahalata kung bat galit na galit sya sakin bukod sa bumalik na ako sa agency .Galit din sya dahil close tayong dalawa..At nagseselos sya"
"Cindy..Sinabi ko na kay Pia na Girlfriend kita kanina."
"E di lalo ng nangalaiti yun....."
"Oo inamin nya sakin na galit sya sayo dahil bumalik ka na sa Agency na ikaw na naman ang magshishine at ma iitsapwera na naman sya...Yun lang daw ang reason nya..Eh ikaw anong reason mo bat ka nagagalit sa kanya dahil ba apektado ka pa rin na sya ang piniling pakasalan ni Josef o nagseselos ka kasi alam mong may gusto sya sakin?"
"Una hindi ako galit kay Sophia dahil sa inyong dalawa ni Josef...At bakit ba ang kulit mo huh kailangan mo pa bang isali sa usapan natin yung past namin ni JOSEF..At kailangan ko na naman bang sabihin na kinalimutan ko na yon..paulit ulit na lang Kevin......"
"Hindi ka galit kay Sophia?Hindi ka affected na may gusto sya sakin?"
"Hindi ako galit kay Sophia ang gusto ko lang ay lumugar sya sa dapat nyang kalagyan masyado na syang mataas na akala mo halos hindi na sya makatapak sa lupa ano porke't sikat na sya....Hindi ganun Kevin hindi porke't sikat ka hindi ka na pwedeng bumaba hindi pwedeng ang tingin mo sa tao sa paligid mo at langaw na pwede mo na lang bugawin kung gusto mo...I just want her to realize na hindi habang buhay tinitingala sya dahil oras na bumagsak sya wala syang aasahan na sumalo sa kanya......"
"Yah may point ka marami talagang nagtataka sa malaking pinagbago ni Sophia simula daw ng nawala ka sa agency nagiba na sya na hindi naman daw syang dati ganun...Ganun lang siguro talaga lahat ng tao nagiiba nagbabago minsan napapasama minsan napapabuti.At ikaw Cindy sa kabila ng pinagdaanan mo imbes na mapasama ka heto ka ngayon masayang hinaharap ang buhay"sabi ko kahit alam ko kung ano man ang nasa loob nya syempre gusto ko rin iparealize sa kanya na walang maidudulot na maganda ang galit at poot...
Natahimik sya alam kong tinamaan sya sa sinabi ko...."Sana nga CINDY dumating na ang araw na mabura na ang lahat ng galit at poot na dulot sayo ng nakaraan"bulong ng isipan ko.
"Tara na Kevin......."niyaya na lang nya ako para iwasan ang topic..
CINDY'S POV
Walang nagsasalita sa pagitan namin ni KEVIN hanggang ngayon hindi pa rin ako maka get over sa huling sinabi nya yung pagiiba ng tao ...Na minsan nagiging masama..minsan nagiging mabuti at iniisip nya na sa kabila ng pinagdaanan ko masaya akong hinaharap na masaya ang buhay.
KUNG ALAM LANG NYA.......Kung alam lang nya ang nandito sa puso ko.
"CINDY...I'm sorry kung na oopen ko pa yung thoughts na may feelings ka rin kay Josef?"basag ni Kevin ng katahimikan.
"Ok lang Kevin..I understand...tsaka nga pala yung tinanong mo sakin kung hindi ako affected ng malaman ko na may gusto ko sayo Sophia.....Iniiwasan ko Kevin pinipilit kong iignore dahil alam ko hindi ka naman gagawa ng way para saktan ako kaya imbes na magisip ako ng negative iniisip ko na lang na swerte pa rin ako dahil ako ang mahal mo Kevin"sabi ko.....
"I love you so much CINDY.....At lahat gagawin ko para hindi ka masaktan...."seryosong tugon ni Kevin..Nandito na kami ngayon na naka park sa tapat ng bahay namin..
Bakit sa twing sinasabi ni Kevin na mahal nya ako..Hindi ko iniisip na kasali yun sa mga plano ko...Na paibigin sya..kasi sa twing sinasabi nya yung salitang yun parang lumulundag ang puso ko sa saya......
BINABASA MO ANG
THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)
FanficIsa lang ang gusto kong gawin that is to make him life misersble dahil sa ginawa nya sakin.Kukunin ko abg bagay na mahalaga sa kanya...Para maramdaman nya kung paano ang mawalan...Sa kabila ba ng galit at poot na nararamdaman ko masasabi ko bang thi...