TWO-IM BROKEN..totally broken

2.8K 23 0
                                    

CINDY'S POV

"Saan ka pupunta?"tanong ni Patty ng makita nya akong kinuha ang purse ko sa side table at akmang lalabas ng pinto..

"Sa AGENCY..."tugon ko...

Nagmadali syang tumayo habang nakahiga sa kama.."Kailangan bang agad agad...Cindy naman ganyan ka ba talaga kabaliw sa Josef na yun huh..."sabi nya...

Hindi ako tumugon sigurado akong pipigilan lang ako ni Patty...Ayoko ng patagalin..Gusto ko ng makausap si ASAP...

"Hui...Talagang loka loka ka na noh...Alam mo bang nagkalat ang press sa mga posibilidad na pupuntahan mo syempre una na sa agency"pinipigilan pa rin ako ni Patty....

"I DON'T CARE PATTY...SA back door ng agency ako dadaan to avoid them....Ang importante magkausap kami ni Josef...."pagpupumilit ko na ngayon ay papunta na ako kung saan naka park ang kotse ko..

"Sama ako....At hindi ka pwedeng tumangi Cindy Montereal"

Wala na akong nagawa syempre magpapapigil ba si Patty...kaya sumakay na rin sya sa kotse ko...

"Talagang paninindigan mo yang kabaliwan mo sa Josef na yan..Cindy isang taon ka nawala inexpect mo ba na may babalikan ka pa...."

?

"Mahal ako ni Josef......"

"Weeeh..Sino nagsabi parang hindi ko yata alam yun huh...o ikaw lang ang tangang nagiimagine na mahal ka nung gagong yun..."

Sanay na ako kay Patty sya naman talaga ang major kontrabida samin ni Josef..Kahit kailan yata sa tagal tagal na namin magkarelasyon ni Josef hindi pa ako nakarinig ng positive comments mula sa kanya...

Mabilis naman ang naging biyahe namin nakarating na rin kami sa AD agency....Tama si Pat nagkalat ang press sa buong building..."Tara Pat..Dito tayo sa backdoor...."sabi ko kay Pat ng makababa na kami ng kotse ..

"Hay naku girl sa tingin mo sa dami ng taong makasalubong natin hindi makakarating sa press sa labas na nandito ka....kaya mabuti pa tsaka mo na lang kausapin yang ex mo kapag hindi na masyadong hot ang media"

"Best naman..wala ka n ba kahit konting support sakin huh....Kahit ngayon lang.."

"Sa tingin mo ba sasama ako dito kung hindi ko sinusuprtahan ang kabaliwan mong wala sa lugar"

"Kaya nga tara na...."

Nagdaan na nga kami ni Patty sa backdoor...Syempre ready ako sa pagdedesguise suot ang hoodie jacket at shades ko...Hindi naman gaano kilala si Pat dito kaya wala rin namang makakakilala sa kanya magpapangap lang sya na mag aaudition.....

Wala namang naka recognize sakin yung iba napapatingin siguro nagtataka sila sa get up pero wala na lang basagan ng trip diba....Nakarating na ako sa floor kung nasaan ang office ni Josef...

"RICA..."tawag ko......hindi naman kalayuan ang pagitan namin....Nagphophoto copy kasi sya malapit sa kinatatayuan ko....

Remind ko lang si Rica pala yung PA ko..Buti na lang dito pa rin sya nGtatrabaho sa agency buti na lang hindi sya pinatalsik ni Josef ng umalis ako..Isa rin si Rica sa iniisip ko dati ng bigla kong iwan ang RICAFUERTE..

Palingon lingon pa sya hinahanap kung sino ang tumatawag sa kanya hanggang sa mapadako ang tingin nya sa dereksyon kung saan aki tumayo....Sinenyasan ko sya na lumapit...Pero nagaalangan pa sya..Syempre lalapit ka ba sa taong hindi mo kilala eh nakadisguise pa rin ako up to now...Inalis ko ang hood at shade ko...

Pero bago pa nya isigaw ang pangalan ko ay sumenyas na ako sa kanya na wag maingay..

Hindi kasi ako makalapit dahil may mga kasama sya na nakapila para magpaphoto copy rin..

"Miss Cindy .Ano pong ginagawa nyo dito"mahina nyang sabi nahalata rin nya siguro na ayoko magpakita sa lahat kaya hinihinaan na rin nya ang kanyang boses..

"Hintayin mo ako dito huh..Maguusap tayo huh..Pupuntahan ko lang si Josef..."bulong ko sa kanya....

"Pero Ms.Cindy...."

Hindi ko na sya pinatapos magsalita..."Sige Rica....Magusap tayo mamaya"at doon ay naglakad na ako papuntang office ni Josef.

Napapikit muna ako bago ko hawakan ang door knob...Kailangan kong gawin ito ayokong mawala sakin si Josef...Magsisimula ulit kami...Papatunayan ko kung gaano ko sya kamahal at pinapangako ko na hindi ko na sya iiwan gaya ng ginawa ko one year ago..

PAGBUKAS ko ng pinto....Hindi ko inaasahan ang nakita ko si JOSEF nakikipaghalikan nakapatong pa ang babae sa kandungan nito..Hindi ko makilala ang babae dahil nalatalikod ito at nakaharap kay Josef...Si Josef lang ang nakaharap kung saan banda ako nakatayo...

Tila nagulat sya sa pagkakakita sa kin at biglang napatayo..At mas nagulat ako sa babaeng kahalikan nya..Si Sophia ang tinuring kong parang nakababatang kapatid....Para akong lalamunin ng lupa...Pakiramdam ko tumigil ang ikot ng mundo ko....Namanhid ang buo kong katawan...walang salita ang lumabas mula sa aking bibig....Hindi pa rin naabsorb ng sistema ko ang lahat...

"CINDY ..Anong ginagawa mo dito?"gulat na reaksyon ni Josef..

"Anong ibig sabihin nito Josef?"nangangatal pa ang boses ko pinipigilan kong mag breakdown gusto ko parin marinig ang side ni Josef..Ang posibilidad na inakit lang sya ni Sophia Maiintindihan ko....Papatawarin ko sya...Magsisimula kami ulit...

"IM SORRY CINDY...ME AND SOPHIA WE'RE GETTING MARRIED..Tapos na tayo nung iniwan mo ako a year ago....Umalis ka diba?Hindi naman para magmukmok ako sa pagkawala mo hindi ako magpapakabaliw para sa iisang babae...Hindi ka naman naging kawalan dahil all this time hindi naman mita minahal...Ginamit lang kita for the sake of my company...Si Sophia talaga ang mahal ko....Ang buong akala ko lulubog ang agency dahil sa pagkawala mo pero Im wrong...Kaya nga dapat umpisa pa lang hindi ko na hinayaan n makipag committ sayo...Inisip ko kasi good publicity kung malalaman nila na tayo mas magiging malakas ang impact sa mgacliente..."

?.

"Tama na Josef..Sabihin mong hindi totoo yan..Sabihin mong minahal mo ako....Pleaseee..Hindi ako naniniwala sayo..."pagmamakawa ko sa kanya .

"Mabuti na malaman mo na ang totoo Cindy....Pinilit kong mahalin ka pero talagang hindi ko magawa gustong gusto ko na sabihin sayo pero iniisip ko na masasaktan ka at hihiwalayan mo ako at aalis ng agency alam mo kung gaano ka ka importante sa company ito...Kaya nagpaka harsh ako sayo...Kaya puro hindi maganda ang ipinakita ko sayo ma para kahit paano hindi mo na ak mahalin ng sobra...Akala ko ng iniwan mo ang kompanya tuluyan na itong babagsak pero tinulungan ako ni Sophia...Sya ang muling nagbangon ng Agency. At doon ko rin narealize na unti unti ko na syang minamahal...."

Hindi ko na kaya masyado ng masakit...durog na durog na ako...Ngayon hindi lang si Josef ang nawala sakin pati ang career ko..Pati ang pangarap ko kinuha na nilang lahat...Tumalikod na ako hindi ko na kaya pang magsalita...Palabas na ako ng opisina ng hawakan ni Sophia ang braso ko.."Im sorry .."sabi nya...na nagsisimula na ring tumulo amg luha..

Tumingin lang ako sa kanya..Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko...Alam ko na wala ako sa lugar magalit dahil ako naman talaga ang may kasalanan ako ang nawala ako ang lumayo..

Pero ang masakit sa lahat ay ang marinig sa taong pinagalayan mo ng buong pagmamahal ay hindi ka pala minahal kundi ginamit ka lang nya.

Hinawakan ko ang kamay ni Sophia at inalis ko sa braso ko...Hindi ako nagsalita pero alam kong ramdam nya ang sakit na nararamdaman ko...Na minahal ko sya bilang kapatid pero ngayon nasa kanya na ang lahat ng dati ay akin...

Lumabas ako ng opisina at tumakbo palabas ng agency hindi alintana ang mga taong nakatingin...Blangko ang isip ko...HANGGANG SA ISANG PANGYAYARI ANG BIGLANG BABAGO NG BUHAY KO.......

Tanging sigaw na lang sa paligid ang naririnig ko hanggang sa tuluyan ng nagshutdown ang sistema ko........

Unti unti kong binubuksan ang mata ko kasabay nito ang bahagyang pagsakit ng aking ulo....

"I CAN'T SEE ANYTHING!!!™TURN ON THE LIGHT!!MOMMMMM!!"sigaw ko..natatakot ako bakit ang dilim ng paligid.....

----*

Short update for now......sorry!!

THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon