TWENTYFIVE-Is it right to say for me to say i love you too.

1.9K 24 1
                                    

KEVIN'S POV

OO nasabi ko kay Cindy na mahal ko sya...At alam kong dinig na dinig nya yun.

"Sinabi mong mahal mo ako?"tanong nya sakin na siguro gusto nyang sabihin ko sa kanya ulit na ngayon mata sa mata...

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya...At tiningnan ko sya sa kanyang mga mata..."Oo Cindy mahal kita"sabi ko ulit habang tinititigan sya..

Bahagya syang ngumiti....Alam ko nagdodoubt pa sya kung nagsasabi ako ng totoo dahil wala naman syang idea na ako si ANDREW na matagal ng nagmamahal sa kanya....

"MAHAL DIN KITA KEVIN..."

Hindi ko inaasahan na sasabihin nyang mahal nya rin ako gayong alam ko naman ang totoo na mahal nya si ANDREW o sa maikling panahon ay nakalimutan na rin nya ito ..Maniniwala ba ako sa sinasabi ni Cindy na mahal nya rin ako...Sa sandaling panahon na nakilala nya ako bilang KEVIN RICAFUERTE..At sa mga panahong yun nalimutan na ba nya na may ANDREW na minsan dumating sa buhay nya.

"Talaga Mahal mo rin ako?"tanong ko.....

"Hmmm..Bakit hindi ka ba naniniwala?"nakangiti nyang sambit..

"Hindi ko lang talaga inexpect na mamahalin mo ako...sa sandaling panahon na magkasama tayo?"

"Bakit ikaw naramdaman mong mahal mo ako sa sandaling magkasama tayo...Wala naman sa tagal o bilis yan eh..Once na feel mo na yung love sa isang tao kusa na ang puso mo ang titibok para dito"

Gusto ko maniwala kay CINDY na mahal nya ako....At kung sakaling totoo nga yung nararamdaman nya alam ko magiging bukas na ang puso nya sa pagpapatawad.Pero hindi ko kailangan magpa kampante may posibilidad din na hindi rin totoo ang lahat ng sinasabi ni Cindy...Pero paano ko malalaman kung talagang mahal nya ako.....Tingnan natin sa paglipas ng mga araw...At may naisip na akong plano..

CINDY'S POV

"Talaga girl?bumigay na rin sa alindog mo si KEVIN RICAFUERTE?"si PATTY isang hapon na niyaya ko syang magcoffee..

"Sabi ko sayo girl eh....Bibigay din yan..Next thing to do is gusto ko syang mabaliw sa pagmamahal sakin yung lahat ng iuutos ko susundin nya..Yung tipo na kapag inutusan ko sya na tumalon sa building he wo'nt hesistate to do it for me"

"Madali na yan girl...Atleast ngayon alam mo na may feelings sya for you...."

"Yah..I will do it one step at a time...."

"But let me remind you girl...Don't make yourself fall for him..."sabi ni Patty na may mapangasar na ngiti..

"No way Patty....I promised to my self na hindi muna ako magmamahal hanggat hindi ko po napapagbabayad si Josef at Sophia sa kasalanan nila sakin"sabi ng bibig ko....Pero sa kabilang banda bakit kumokontra ang puso ko......

"Ok.....Pinapaalalahanan lang kita..By the way speaking of that anaconda alam mo naba kung nakapasok final screening malapit na yun huh..next week ba ?""pagiba nya ng topic..

"Hmm...Wala akong balita for sure sisikapin nyang makapasok.....Dahil it will be very exciting kung kami ang magfaface off sa final screening"

"Kabahan na sya my friend.......Baunin na nya ang lahat ng lakas ng loob na meron sya if ever na kayo ang maghaharap sa final screening"

"Oh paano mauna na ako Pat..May usapan kasi kami ni Kevin na magdidinner daw kami"paalam ko na kay Patty......Susunduin daw kasi ako ni Kevin mamaya sa house kaya uuwi muna ako para magayos.

"Good luck sis"ani Patty at sabay nag beso beso na kami bago ako tuluyang umalis.

"Manang Rose kanino pong kotse yung naka park sa labas"tanong ko sa kanya ng pagbuksan nya ako ng pinto.

THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon