THIRTY EIGHT-I WILL ALWAYS LOVE YOU UNTIL MY LAST BREATH

1.9K 29 9
                                    

CINDY's POV

Pinipilit kong maging malakas para kay Kevin kahit pakiramdam ko unti unti na itong nauubos...Marami rin kaming pinagsamahan ni Josef at hindi ko naman lahat ay pangit na alaala lalo na yung naguumpisa pa lamang kami...At lalo na ng sinabi ni Kevin ang tungkol sa totoong dahilan kung bakit nya ako pinaniwala na ginamit lang nya ako ay dahil sa nalaman nyang may sakit sya...Iniisip ko siguro tama na rin ang desisyon ni Josef na sa ganung way nya ako saktan...Dahil pakiramdam ko mas masakit sakin na lalo ko syang mamahalin tapos iiwan nya rin ako..Mas hindi ko yata kaya yun...Pero ngayon habang tinitingnan ko syang walang malay parang dinudurog ang puso ko sana may panahon pang ibigay sakin para man lang alagaan sya.....Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko hindi ko na kayang itago eh buti na lang nakatulog na si Kevin habang nakasandal at nakaupo sa coach na provided ng hospital para sa mga kamaganak ng mga pasyente sa ICU.Kahit paano hindi nya makikita ang pagluha ko.

Kinabukasan suot ang hospital gown at mask ay pinayagan kami ng doctor na pumasok sa ICU pagkatapos ni KEVIN ay ako naman ang sumunod..

Palapit pa lang ako sa kama ni Josef pakiramdam ko sasabog na ang puso ko.....Hanggang sa makalapit na ako sa kanya umupo ako sa upuan sa may gilid ng kama nya...Hinawakan ko ang kanyang kamay na may nakadikit pa na swero..

"Josef..Wag muna please....kumapit ka pa kahit konti...Babawi pa ako sayo..Aalagaan pa kita pagbigyan mo naman akong gawin yun para naman magantihan ko ang sacrifices na ginawa mo for me...At maraming salamat at hindi mo ako sinaktan sa paraang alam mong lalo akong masasaktan..Dahil kung sakaling sinabi mo sakin ang totoo noong una pa hindi ko siguro makakayanan dumating ang panahon na iiwan mo ako baka ikamatay ko rin...You are so selfless Josef..."bulong ko habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha sa aking pisngi.

At habang hawak ko ang kamay ni Josef bahagya kong naramdaman ang paggalaw ng isa nyang daliri...At nakita ko na lumuluha sya habang nakapikit......At ilang saglit pa ay unti unti na nyang idinilat ang kanyang mga mata....Ngumiti lang sya sakin alam ko wala syang lakas pa para magsalita..

"Wait Josef..Tatawag ako ng doctor"sabi ko at tumayo ako at lumabas mabilis naman dumating ang doctor para tingnan si Josef......

Naging stable na ang lagay ni Josef ayon sa mga doctor pero hindi pa rin nila kinumpirma na malayo na ito sa peligro....

"I'm sorry Cindy"mahinang sabi ni Josef...

"Sorry saan?"-ako

"Dahil hindi ko sinabi sayo ang tungkol dito?"-Josef

"Alam ko na ang lahat Josef sinabi na sakin ni Kevin bago pa mangyari ang lahat ng ito"

"Huh?Alam mo na...."-

"Nalaman ko sa panahong hindi pa huli ang lahat Josef..."at doon ay ikinuwento ko ang totoo kay Josef ang pagpapangap ko na nakalimutan ko na ang lahat ng ginawa nila ni Sophia na wawasakin ko sya dahil sya ang naging dahilan kung bat ako nabulag at naging miserable...Ang plano ko na paibigin si Kevin para gamitin laban sa kanya at nung malrinig ni Kevin ang usapan namin ni Patty sa lahat ng balak ko...At inaakala nyang hindi ko sya mahal dahil narinig nya na may mahal akong iba...

"Naiintindihan ko ganun naman talaga ang gusto kong mangyari ang magalit ka sakin ang mamuhi ka para kalimutan mo na ako nagulat nga ako ng bumalik ka sa agency at hindi makapaniwala na nakalimutan mo na ang lahat naniwala ako na pinatawad mo na ako kahit ngayon sinasabi mong pagkulunwari lang yun....Naging masaya ako....Hindi ko na sana hinahangad na malaman mo ang sakit ko dahil ayoko na mahalin mo ulit ako at sa bandang huli ay iiwan din kita kaya nga dapat ay aalis na ako papuntang Amerika at doon na ako maghihintay ng kamatayan pero dumating nga ito at ngayon alam mo na at sigurado naman ako na si Kevin na ang mahal mo at mahal ka ni Kevin kaya wala ng dahilan para umalis ako diba?"

THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon