B2-TWENTYFOUR

1.3K 21 2
                                    

NA/ May BS dito wag mag expect na magiging maganda ang pagkadeliver ko....Part lang talaga yan ng chapter na to gusto ko nga hindi na by details pero kasama talaga yun....Sorry kung madidisappoint kayo.....

CINDY's POV

 Naglakad ako palapit kay Mang Ruben bahagya syang inangat ng asawa nya na nagpakilala bilang Aling Mila isinandal sya nto sa sa dalawang magkapatong na una...Pumuwesto ako sa may gilid ng kama kitang kita kay Mang Ruben ang panghihina halos hindi nga nito maigalaw ang katawan ng walang tulong na nangagaling mula sa kanyang asawa..

"Patawarin mo ako sa lahat ng naging kasalanan ko sayo masyado akong nagpabulag sa pera kaya kahit mali ay ginawa ko pa rin"paunang sabi ng nya hindi pa naman saya gaanong matanda sa tingin ko ay nasa pagitan lang sya ng 35-45 years old pero bakas na bakas sa kanya ang panghihina...

At ikinuwento na nga lahat ng ginawa ni PIA na gaya rin ng ikinuwento ni Migs kanina na sya ang inutusan ni Pia ipasagasa sya....At ang nangyari sa kasal sya nagpunta sa probinsya ni ALICE at nagbigay ng pekeng invitation para isiwalat lahat ng panloloko sakin ni KEVIN...Kitang kita ko ang pagsisisi sa kanyang mga mata...At si Aling Mila hindi na maawat ang pagtulo ng luha habang minamasdan ang asawa..

"Kaya po siguro ako nagka ganito para pagbayaran ang lahat ng kasalanan ko sa inyo Ms.Cindy pero tatangapin ko ang lahat ng ito magkaroon lang ng pagkakataon na mapatawad nyo ako"

"Naiintindihan ko po kayo Mang Ruben tulad namin ginamit lang din kayo ni Pia....Wag po kayong magaalala bukal po sa loob ko na patawarin kayo"tugon ko sa kanya kasabay non ay nakita ko ang mga ngiti sa mga labi nya alam ko na kahit paano nabawasan ang lahat ng bigat na nararamdaman ng kanyang loob...

Matapos namin makausap si Mang Ruben lalo ng naging malinaw samin ang lahat ni Kevin na mali na nagpa gamit at nagloko kami kay Pia kaya ngayon tapos na ang lahat ng palabas nya hindi kung hindi nya ako kayang tangapin bilang kapatid ganun din ako.Kung handa nyang ilaban ng patayan si KEVIN handa rin akong gawin ang lahat para kay KEVIN ayoko na magparaya para lang sa isang katulad nyang walang inisip kundi ang sarili nya..

"Cindy ,ngayong alam na natin ang lahat tungkol kay Pia wala na siguro pang dahilan para itago natin ang nararamdaman natin sa isa't isa"sabi ni Kevin habang nakasakay kami ng kotse pero na kapark lang ito sa may labas ng iskinita nina Mang Ruben.

"Oo KEVIN para ano pa?Para kay Pia matapos ang nyang gawin ang lahat lahat ng ito sya ang sumira sa buhay ko dati yung panahon na nabuhay ako sa dilim na isinisi ko pa kay JOSEF hindi ko alam kung anong klaseng tao ang makakagawa ng ganung kasama na manakit ng kapwa..."

"Lalayo muna tayo sa ngayon CINDY para panandaliang makalimutan ang lahat ng nangyari pero sa pagbabalik natin haharapin na natin si Pia at ipapamukha sa kanya ang lahat ng kasalanang ginawa nya....Ipapakulong natin sya sa ginawa nyang pagtatangka sa buhay mo dati "

"Saan naman tayo pupunta?"tanong ko habang inistart na nya ang kotse..

'Basta wag na maraming tanong..sasama ka naman sakin diba CINDY MONTEREAL?

"Oo naman KEVIN RICAFUERTE...kahit saan mo gusto.."tugon ko...

Tam si Kevin sa sobrang bilis ng pangyayari kailangan na muna siguro naming makalimot  kahit panandalian lamang ang lahat ng nangyari napakatagal na panahon na nagpaloko kami kay Pia at napaniwala sa lahat ng pagkukunwari nya...sa ngayon gusto ko naman maranasan na may totoo pa rin pala sa buhay ko yun ay ang pagmamahal ko kay KEVIN....Kaya ngayon handa na akong ipaglaban ang katotohanang yun...Hindi na ako magbibigay at hindi na ako magpaparaya lalo na sa isang makasariling tao gaya ni Pia..

Hindi ko na nga namalayan na nakatulog na pala ako sa biyahe nagising na lamang ako ng maramdaman ko na may akong mainit na hininga na dumadampi sa aking pisngi....At ng dahan dahan kong iminulat ang mata ko si Kevin halos nakatitig sakin as in nakakahiya baka tulo pa laway ko bigla akong napaayos sa pagkakaupo binend siguro ni Kevin ang upuan ko para makapwesto ako ng maayos habang natutulog..Bakit bigla akong na concious?Hindi ako makatingin sa kanya..

THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon