B2-TWENTY

1.2K 20 5
                                    

MIGS POV

Wala akong ibang gusto kundi mapasaya ang babaeng mahal ko na kahit to the point na maging sunod sunuran ako sa kanya..Ang importante ay maibigay ko sa kanya ang lahat ng gustuhin nya...Tiniis ko ang lahat wag lang syang mawala sa buhay ko kahit ang magpakasal sya sa iba tinangap ko wag lang nya akong iiwanan...Masaya na ako na nakikita sya at minsan ay nakakasama sa mga panahon na nasasaktan sya dahil sa twing ipinaparamdam sa kanya ni Kevin na hindi pa rin ito nakakamove on kay CINDY nandito ako para damayan sya para i comfort sya..Ilang beses ko na rin syang kinonvince na iwanan nya na si KEVIN at sumama sakin at ipinangako ko sa kanya na hinding hindi ko sya sasaktan gaya ng pagkatanga ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya ganun din sya siguro kay KEVIN...

Bakit ba ganito paglaruan ng tadhana namin?Si KEVIN na hindi kaila na sa haba haba ng panahon ay tanging si CINDY pa rin ang mahal nito pero hindi naman nito kayang saktan si Pia dahil sa sobrang pagmamahal nito sa kanya..

Si PIA na labis kong minamahal na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kayang pakawalan kahit alam kong mali dahil kasal na sya.Pero naiisip mo pa ba ang tama at mali pagdating sa pagibig?Hindi diba ?Kung hanggang kailan ako magtitiis hindi ko alam hanggat alam ko dito sa puso ko na mahal ko sya handa akong magtiis handa akong tangapin na pangalawa lang ako...

Si CINDY ayon sa kwento ni Pia ay sobrang nasaktan ito sa ginawang panloloko ni Kevin sa kanya three years ago umalis papuntang States para makalimot pero ngayon nagbabalik at sa pagbabalik nito ay pinatawad na nya ang taong labis na nanakit sa kanya pero sa pagbabalik ba ni CINDY nawala na ba dito ang lahat ng pagmamahal para kay KEVIN?

Kaya heto ako ngayon inilalapit ko ang loob ko kay CINDY para mabigyan ng malinaw na sagot ang mga tanong na bumabagabag kay Pia ang siguraduhin kung mahal pa ni Cindy si Kevin...At lahat ng ito ay ayon sa kagustuhan ni Sophia..Inutusan nya ako na mapalapit kay Cindy para alam ang totoong nararamdaman nito kay KEVIN kukunin ko ang tiwala ni CINDY para ako na ang makatuklas kung totoo ang hinala ni Pia.

Sigurado din naman ako na kung ano man ang nararamdaman ni Cindy kay Kevin ay hindi na nya ito ipaparamdam pa sa huli dahil gaya ni Kevin ayaw din ni Cindy na saktan ang kapatid nya..

Pero hanggang kailan kami magpapa dikta sa tadhana...Hindi ba pwedeng may magparaya na lang saming lahat at ang tanging taong nakikita ko na karapat dapat n magparaya at si PIA lang na kung sakaling nasigurado nya na mahal pa nga nina Kevin at Cindy ang isat isa..

Mas masasaktan lang sya sa katotohanan na kahit alam nyang mahal ng asawa nya ang kapatid nya..."SANA AKO NA LANG SOPHIA.....SANA AKO NA LANG ANG MAHALIN MO"bulong ng isipan ko.

"Oh ano Migs...Kamusta na kayo ni Pia"isang gabi na sinadya nya ako sa bahay...

"Ok naman sinabi ko na sa kanya ang tunay na intention ko gaya ng inutos mong sabihin ko"

"Tinangap ba nya?"

Tumungo lang ako sa totooo lang ang sakit pa rin sakin na ang taong mahal ko ay ginagamit lang ako para sa sarili nyanv interes...Pero mahal ko si Pia....Sukdulan na kaya komg tangapin ang lahat wag na wag nya lang ako iiwanan..

"Good..Alam mo na kung paano mo kukunin amg tiwala ni Cindy huh...Alam ko naman na hindi ka nya mamahalin dahil ang asawa ko pa rin ang mahal nya"sambit nya sabay inom ng wine...

"Bakit mo ito ginagawa Pia?Bakit hanggang ngayon ay iniisip mo na mahal pa rin nila ang isat isa?"

"Dahil hindi ako tanga Migs..Hindi ako manhid...Sa loob ng tatlong taon simula ng mawala si Cindy at iwanan si Kevin alam ko hindi pa rin nila nalilimutan ang isat isa...At sa loob ng halos dalawang taon naming pagsasama ni Kevin alam ko hindi nya pa ako minamahal gaya ng pagmamahal nya kay CINDY..."

THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon