SOPHIA'S POV
Hindi ako makaniwala sa inannounce ni Kevin,,,of all people si CINDY MONTEREAL pa..Kung pwede ko lang pigilan ang lahat ginawa ko na....
Kilala nyo naman na ako but you want to know more...Kahit ayaw nyo wala naman kayong magagawa eh..The thing is importante ang role ko sa itatakbo ng story na to kaya wala kayong choice...
Lumaki ako sa CEBU sa piling ng magasawang umampon sakin.....Inamin lang nila xakin na ampon ako nung ten years old na ako..Hindi ko naman kasi naramdaman na hindi nila ako anak.Minahal at trinato nila ako na parang tunay nilang anak...Namatay na raw ang tunay kong ina na nabuntis lang ng isang bakasyonista dito sa Cebu tapos bigla na lang daw naglaho..Ang sabi ng umampon sakin tiga Maynila daw ang ama ko...Kaya lumuwas ako ng Maynila para hanapin sya at magbakasakali na magkaroon na rin ng magandang trabaho dito sa Maynila...Highschool graduate naman ako kaya kahit paano meron din naman akong alam sa buhay..Sa isang kakilala ni nanay Fe ako pansamantalang tumira..Pero makalipas ang anim na buwan bumukod na rin ako dahil nag stay in na ako sa bar na pinagtatrabuhan ko...Oo sa murang edad namulat na ako sa tinatawag nilang kamunduhan..Hanggang sa may nakilala ako....Isang matanda na nagalok sakin na sumama sa kanya..Pumayag ako itinira nya ako sa isang magara at magandang bahay sagana sa materyal na bagay..Nabuhay ako ng parang prinsesa...Pero hindi rin nagtagal yun dahil nahuli kami ng asawa nya..Pinalayas ako sa bahay..Sinaktan pa nga ako....
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mundo...Nagpalakad lakad ako sa kalye na walang kahit isang sentimo sa bulsa pakiramdam ko mamatay na ako.....Nanghihina na ang buo kong katawan...
Hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay nagising na lamang ako na nasa isang malaking kwarto na animo'y kwarto ng isang prinsesa..Nakita ko ang isang malaking painting ng isang babae sa kwarto napaka ganda at napaka amo ng mukha..
Nagulat na lamang ako sa pagbukas ng pinto..."Gising ka na pala Miss"nakangiting sabi ng babae na kung hindi ako nagkakamali sya rin ang babaeng nasa painting.Sigurado ako sya ang may ari ng kwarto bukod sa painting meron din syang pitcure na may kasamang lalaki sa side table ng kama magkaakbay sila kaya sigurado akonn nobyo nya ito.
Nataranta akong tumayo..."Sorry po Mam....hindi ko po alam kung anong nangyari"sabi ko.
Naglakad itonb lumapit sakin.."Ok lang..Nakita ka kasi kita sa may tapat ng village namin na walang malay...kaya tinulungan na kita..Ano bang nangyari?"sabi nito..Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kapayapaan..Napaka mahinahon nyang magsalita..para syang anghel...
Syempre nagsinungaling ako hindi ko naman pwedeng sabihin na kabit ako na nahuli kami ng asawa ng lalaki kaya pinalayas ako at wala ng mauwian...
"Kakaluwas ko lang po kasi ng probinsya galing po akong Cebu tapos na holdap ako.."pagsisinungaling ko.
"Kaya ka pala may sugat ang labi mo...Buti na lang walang nangyaring masama sayo"
May sugat ako sa labi dahil sa pagkakasampal sakin ni Mrs. MONTERO ang legal na asawa ni Menandro Montero..
"Oo nga po tumangi kasi ako na ibigay ang bag ko kaya yun sinaktan nila ako...."sabi ko ulit.
Nagpaawa pa nga ako sa babae para mas kapani paniwala ang kwento ko.
"Kumain ka na ba?"nakita ko ang pagaalala sa babae..
Umiling lang ako alam ko kaya ako nahimatay dahil sa sobrang pagod at gutom..
"Tara sa labas kumain ka"alok nya.
Paglabas ko ng kwarto halos manlaki ang mga mata ko nasa palasyo ba ako sobrang laki ng bahay nakakalula ang taas ng kisame ang sahig halos makita ko ang sarili ko sa sobrang kintab..Ang mga muwebles halatang mamahalin....Kahit saan ko ituon ang mga mata ko hindi ko maiwasan anv humanga ngayon lang ako sa tanambuhay ko nakakita ng ganitong kalaking bahay na akala ko malaki na yung bahay kung saan ako itinira ni Menandro nalos kalahati lang pala yun kumpara dito.
BINABASA MO ANG
THE ART OF LETTING GO (ASHRALD FF)
FanficIsa lang ang gusto kong gawin that is to make him life misersble dahil sa ginawa nya sakin.Kukunin ko abg bagay na mahalaga sa kanya...Para maramdaman nya kung paano ang mawalan...Sa kabila ba ng galit at poot na nararamdaman ko masasabi ko bang thi...