Kabanata 44

26.4K 542 23
                                    

WARNING: R+18

Kabanata 44

Waited





Nang magising ako kinabukasan, napatitig ako sa kesame ng kwartong kinaruruonan ko habang iniisip ko kung totoo o panaginip lang ang nangyari kagabi.

Mula sa pagsulpot ni JD sa bar, sa pagsuntok niya sa foreigner, ang madilim niyang titig, ang lungkot at sakit sa mata habang sinasabi ang mga salita niya, ang pag-iyak niya, hanggang sa pagsabi niyang mahal niya ako noon palang. Lahat ng iyun, iniisip ko kung panaginip lang ang lahat.

Bumuntong-hininga ako at matapos nang ilang minuto kong pag-iisip, umupo ako sa kama. Itatapak ko na sana ang paa ko sa sahig nang may mapansin ako.

Mabilis kong inilibot ang mata ko sa kwartong kinaruruonan ko. Nanlaki ang mata ko nang may napagtanto ako.

Familiar ang kwartong kinaruruonan ko, pero hindi ito ang kwarto ko!

Biglang nanunbalik ang alaala ng nakaraan. Kung saan nagsimula ang lahat. Ito ang mismong kwarto na kinaruruonan ko nagsimula ang lahat.

Nasa condo niya ako? Ibig sabihin, hindi lang ako basta nanaginip? Totoong nangyari ang lahat ng iyun? Totoong sinabi niya ako nuon palang?

But what am I doing in his condo?

Mabilis kong nagbaba ng tingin sa katawan ko. Napasinghap ako nang makitang hindi ko na suot ang damit ko kagabi. I am wearing his long sleeve polo!

Oh my God! Oh my God! Anong nangyari? May nangyari ba saamin? May nangyari ba? Bakit wala akong may matandaan?

Iyun ang inisip ko sa makalipas pang ilang minuto. Para akong hilong ibon na lumalakad paparuon at paparito habang inaalala at iniisip kung may nangyari ba saamin. Kung naibigay ko na naman ba ang sarili ko sa kanya.

Naputol lang ang pag-iisip ko nang marinig ko ang pag-click ng siradura ng pintuan ng kwarto. Gulat akong napabaling dito. Later on, mabilis ang naging pagkilos ko. Bago pa tuluyang bumukas ang pintuan, bumalik ako sa kama at nagkunwaring tulog.

Hindi ko kasi alam kung paano ko siya haharapin matapos nang nangyari kagabi, lalo na sa iisipin kung may nangyari nga ba saamin.

Sunod ko na lang narinig hakbang niya papasok at ang malalim niyang boses.

"Don't worry, okay? Uuwi rin kami.." I heard he said, "She's still sleeping. I guess she got tired from last night."

Tired? Last night? Oh my God! There's something really happened between us? We did that thing again?

"Okay, bye.."

Matapos iyun, sandaling tumahimik ang paligid. Sa sobrang tahimik, naririnig ko na ang malakas na kabog ng puso ko.

Wala akong ideya sa ginagawa niya. Ayaw ko namang imulat ang mata ko dahil baka mahuli niya akong nagtutulog-tulugan lang. Pero mayamaya pa, marahas akong napalunok nang marinig ko ang mga yabag niya papalapit saakin.

Muli akong napalunok nang maramdaman ko na siyang nakatayo sa harapan ko.

What is he doing? Bakit hindi siya nagsasalita? Bakit siya nakatayo lang sa harapan ko?

Mayamaya pa, narinig ko ang marahan niyang halakhak, "Someone is faking her sleep."

Muli akong napalunok. Buko na ba ako? Alam na ba niyang nagtutulog-tulugan lang ako?

Hindi pa rin ako nagmulat kahit mukhang alam niyang nagtutulog-tulugan lang ako. Ayoko. Ayoko muna siyang harapin. Hindi dahil ayoko, kundi nahihiya ako sa iisiping sinuko ko na naman ang sarili sa kanya nang ganun kadali.

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon