Kabanata 34

72.2K 1.1K 145
                                    

Kabanata 34

Betrayed

         
          
             
           
Nang magising ako kinabukasan, sobrang bigat ng pakiramdam ko. My eyes are swollen from crying last night. Tinatamad din akong bumangon. Tinatamad akong gawin ang mga nakasanayan kong gawin sa tuwing magigising ako sa umaga. Pati pag-iisip, tinatamad din ako.

Ewan ko ba. Mula noong maging kami ni JD hanggang sa yayain niya akong magpakasal, ngayon lang ulit ako nagising nang ganito ang pakiramdam. Nasanay na ako dati na nagigising akong nakangiti at maayos ang pakiramdam. Maging ang 'good morning' message ni JD, hindi nakapagpapawi nang bigat na nararamdaman ko, mas lalo lang akong pinalungkot nito.

Kaya naman, nagdesisyon na muna akong huwag lumabas ng kwarto. Hinayaan ko na lang muna si Ate Lena na asekasuhin si Caleb. At saka, ayaw kong humarap kay Kuya o Mommy na ganito ang mata ko, dahil tiyak na hindi nila palalagpasin ito. Magtatanong at magtatanong sila kung anong nangyari. Lalo na si Kuya. Naalala ko ang sinabi ko nuong isang araw.

“As long as he doesn't hurt you or make you cry.. At hangga’t masaya kayo ni Caleb, hindi ako tututol.”

I don’t want him to think that JD was the reason of my swollen eyes. Ayaw kong maging dahilan ito nang pagtututol na naman niya kay JD. Kahit naman kasi nagtatampo ako kay JD, hindi ko pa rin gustong saktan siya ni Kuya.

Oo. I’m just sulky. I’m not mad. I don’t want him to be mad at him. Nagtatampo lang ako kasi hindi niya sinabi saakin na kasama niya ang ex-fiancee niya sa dinner. Nagtatampo ako kasi hindi man lang niya magawang sabihin saakin kahit kaunting detalye ng kung anong pinag-usapan nila.

Hindi naman ako magagalit kapag sinabi niya iyun, ‘e. Kahit medyo masakit sa part ko na kasama niya ang ex-fiancee niya, hindi ako magagalit as long as magiging honest siya saakin.

Ganun naman talaga dapat, ‘di ba? Kahit magiging masakit sa part ng partner mo, dapat magiging honest ka pa rin talaga. Kasi ganun ang dapat. Kung gusto mong magtiwala sa’yo ang partner mo, be honest. Huwag mo siyang hintaying magtanong pa.

The next few days, medyo nakalimutan ko na ang nangyari. No. Hindi ko kinalimutan, pinilit ko na lang kalimutan dahil iyun ang mas mabuting gawin ko. Ni hindi ko na rin tinanong si JD tungkol sa bagay na iyun. Kung sinabi niyang, hindi naman importante ang napag-usapan nila, eh ‘di hindi.

I became an understanding fiancee. Understanding dahil sa mga sumunod pang mga araw, mas nagiging madalang ang pagkikita namin dahil sa pagiging abala niya at inintindi ko iyun. Dahil nga, hindi ba? Ganun naman talaga ang businessman, sobrang busy. Nagmahal ako ng businessman kaya hindi dapat ako magreklamo. Pinili ko iyun, ‘e.

“Ang sarap!” Ate Mina said when I asked her to taste my lasagna.

I smiled, “Talaga, Ate?”

Tumango siya at nag-double thumbs up pa, “Oo! Tiyak na mas lalong ma-i-in love sa’yo si Sir Pogi kapag natikman niya ang special lasagna mo. Tawagin natin ‘yang Alejah's lasagna!”

I couldn't help but laugh because of Ate Mina’s words. Kahit kailan talaga, bolera ang isang ‘to.

Hinubad ko ang apron na suot ko saka ko itinabi at muling hinarap si Ate Mina, “Sige, Ate. Ikaw na bahala riyan. Pakibalot na lang. Pupunta lang ako sa kwarto ko.”

Nang tumango siya, tumalima na ako papapunta sa kwarto ko.

Today, I decided to visit him to his office. Magtatatlong araw na kasi nuong huling kita naming dalawa. At bilang understanding fiancee, dapat ako na ang mag-a-adjust. So I'm planning to surprise him by visiting him to his office.

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon