Kabanata 43

85.1K 1.3K 50
                                    

Kabanata 43

Believe

          
           
            
            
“For Pete's sake, Alejah! I don’t know where did you get that idea, but Cyndie is not my wife!”

Napapikit ako nang maalala ko ang sinabi niya noong nakaraan.

Malinaw na malinaw pa sa isip ko ang salita niya. Ang pagsabi niya na hindi niya asawa si Cyndie. Pero nang maalala ko ang masayang mukha niya kanina habang pinapanuod ko silang tatlo, parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko nang paulit-ulit.

Hindi ko ini-expect na makikita ko silang ganun. At akala ko ba si Caleb ngayon ang kasama niya? Ano iyun? Family bonding ba iyun?

Did he lie to me when he told me that Cyndie is not his wife? Sinabi lang ba niya iyun dahil gusto na naman niya akong paglaruan ulit? At kaya ba siya hindi nagpakita nang ilang araw dahil nakonsensiya siya sa sinabi niya? Nakonsensiya ba siyang kinaila niya ang asawa niya?

Akala ko pa naman nasaktan ko siya sa sinabi ko sa kanya noong gabing iyun, pero sa nakita ko kanina, mukhang bale-wala lang naman sa kanya iyun.

Napatigil lang ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko. Kanina ko pa ito nararamdaman pero hindi ko pinagtutuunan nang pansin. Pinalis ko ang luha ko at inilabas ko iyun mula sa sling bag ko. Nakita kong may iilang mensahe at tawag mula sa kaibigan at kapatid ko.

Shannon:

Where are you, Alejah? Why are you not answering my calls?

Miguel:

Where are you, baby? Shannon is so damn worried.

Kuya Zyrel:

Where the hell on earth are you, Alejah?! Don't make us worried!

Shannon:

Nasaan ka ba talagang babaita ka? Balak mo ba kaming patayin sa pag-alala namin sa'yo?

And more. Marami pa silang messages saakin. Lahat, iisa at paulit-ulit lang ang tanong. Kaya matapos kong basahin ng messages nila, ipinatong ko sa counter ang cellphone ko nang hindi niri-reply-an ang isa sa kanila.

I want to be alone. Gusto kong makapag-isip nang maayos kaya wala akong balak sabihin isa man sa kanila ang kinaruruonan ko ngayon. Dahil  alam kong kapag sinabi ko sa kanila, guguluhin at tatanungin lang nila ako.

Kumuha ako ng isang baso ng vodka at inisang lagok lang iyun. Napapikit ako nang agad manuot sa lalamunan ko ang lasa nun. Kahit hindi ko na mabilang kung ilang baso na ang nainom ko, hindi ko pa rin mapigilang mapapikit.

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nandito sa bar. Matapos ng tagpo kanina sa mall, dito ako dinala ng paa ko. Wala akong magawa kundi ang isipin nang paulit-ulit iyun, pakiramdam ang sakit at uminom nang uminom hanggang sa mamanhid ako.

Napabaling lang ulit ako nang makita ang pag-ilaw ng cellphone ko na nakapatong sa counter. Kinuha ko iyun at dahil umaalon na and paningin ko, sinagot ko nang hindi tinitingnan ang caller ID ng tumatawag. Until I heard my son’s familiar voice.

“Mommy, where are you?”

I didn’t answer.

“Mommy, we are worried. Where are you? Are you leaving us again?” I heard his voice cracked, “Please, Mommy, don’t leave us again. Please, come home, Mommy.”

Naitakip ko ang palad sa bibig ko para pigilan ang paghagulgol ko nang marinig ko ang pag-iyak ni Caleb sa kabilang linya.

Pinakalma ko muna ang nararamdaman ko bago ako nagsalita, “Mommy will not leave you again, okay? I made a promise to you, right? Hindi ka na ulit iiwan ni Mommy,” I paused. Napapikit ako para pigilan ang paghikbi ko, “Babalik din mamaya si Mommy, okay? Sa ngayon.. gusto munang mapag-isa ni —”

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon