Kabanata 47

74.8K 1K 68
                                    

WARNING: R+18 SLIGHT LANG

Kabanata 47

Party

   
     
     
        
     
"Are you ready?"

Tumango ako sa tanong ni JD, "Yeah. Open it already."

Ngumiti siya at pinatakan niya muna ako ng halik sa labi saka niya binuksan ang pinto ng kwarto ni Caleb.

Nang makapasok kami sa kwarto nito, nadatnan namin si Caleb na nakahiga pa rin sa kama niya at mukhang mahimbing pa rin ang tulog. Maingat kaming lumapit ni JD sa kanya.

"Good morning, baby," I kissed his cheek, "Wake up already. We have a surprise for you."

Nakita ko ang paggalaw ng talukap ng mata ni Caleb kaya nilingon ko si JD sa likuran ko. Sinenyas ko siya na sindihan na niya 'yung hawak niyang cake na agad naman niyang ginawa kaya muli akong bumaling sa anak kong unti-unti nang bumangon mula sa pagkakahiga.

Kinusot-kusot pa nito ang nakapikit ng mata. Bago pa siyang tuluyang magmulat ng mata, tumayo na ako sa tabi ni JD na agad hinapit ang baywang ko.

"Open yours eyes now, baby."

Unti-unti naman siyang nagmulat ng mata at nang tuluyan na niyang imulat ang mata niya, sabay namin siyang binati ni JD.

"Happy birthday, Caleb!"

His eyes widened when he saw the cake JD was holding, "Mom! Dad!"

Natawa ako saka umupo sa harapan niya at mahigpit ko siyang yinakap, "Happy birthday, anak," I said then I faced him, "Alam ko namang may party ka mamaya, pero gusto namin ng dad mo na kami ang unang bumati sa'yo."

"Yeah," pagsang-ayon ni JD saka siya umupo rin sa gilid ni Caleb, "This is your first birthday that the three of us together. So we want to make it special, not just for you, but for us too."

JD looked at me and smiled. I smiled back at him.

Mayamaya, hinawakan ko rin ang cake saka bumaling ulit sa anak naming namamangha, "Before you'll blow the candle, we will sing a happy birthday song first."

I heard JD groaned, "I told you I'm not going to sing. My voice sucks."

Pinandilatan ko ang timang, "It's for your son! Minsan lang ito!" hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya, "Sige ka, matutulog ka mamaya sa sala." pananakot ko na mukhang umepekto naman.

He glared at me, "Fine!"

Pinigilan kong matawa sa napipilitan niyang pagpayag pero mayamaya, nagsimula na kaming kumanta. Pero mukhang tama nga si JD. Dapat hindi ko na lang siya pinakanta. Gwapo siya, pero ang boses niya.. Oo, gwapo talaga siya.

Joke lang! Ang ganda kaya ng boses ng gwapong timang na ito. Pero hindi ko alam kung anong pinuputok ng butsi nito.

"Thank you, Mom! Thank you, Dad!"

Caleb hugged us after he blew the candle.

Hindi lang naman si Caleb ang natutuwa, maging ako. Like JD said, ito ang first birthday ni Caleb na magkakasama kaming tatlo kaya sobra-sobra ang kaligayahang nararamdaman ko.

"Uh-oh!" JD said after, "We're not done yet. May isa pa kaming surprise para sa'yo."

Caleb eyes twinkled, "What is it, Daddy?"

"It's a surprise. Tara, sama ka saamin pababa."

Kinuha ni JD ang kamay ko at inalalayan akong bumaba ng kama ni Caleb. Sumunod din naman kaagad saamin si Caleb na naunahan pa kami sa paglalakad. Halatang excited sa surprisa ng ama.

My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon