Kabanata 23
Surprise
“Nikka,”Pagkasakay namin sa kotse niya, agad niyang tinawagan ang sekretarya niyang si Nikka. Nakatingin lang ako sa kanyang abala sa pakikipag-usap kay Nikka.
“Find a nearest restaurant except Rhowee.. and reserve table for two..” napalunok ako nang bigla itong bumaling saakin, “Yeah. I'm going out on a date,” then he chuckled as he shook his head, “Thanks, Nikka.”
Matapos iyun, tinapos na rin niya ang tawag. After he put down his phone, he already stepped on the gas. Samantala, nanatili akong tahimik at wala akong ibang magawa kundi ang pakiramdam ang puso kong naghuhumirintado. Hanggang sa marinig ko ang pagtikhim niya.
“Talk to me, Alejah.”
Napabaling ako sa kanya. Lumunok ako para mawala ang nakabara sa lalamunan ko, “I don't know what to say.”
It's true. I'm still surprised. Hindi ako kapaniwala nang bigla siyang magyayaya ng date. Ni hindi pa ako nakapagpalit ng desenteng damit. Basta na lang niya akong hinila at pinilit na isakay sa kotse niya.
Seriously? Magdi-date kami? Without Caleb? Just the two of us? Am I dreaming?
Dati. Tandang-tanda ko pa kung paano ako madalas mag-day dream na kunwari dinadala ako sa date ni JD. Iniisip ko kung anong pakiramdam na makasama siya sa isang date. Sinusulat ko pa nga sa likod ng notebook ko nuon ang mga gagawin at pupuntahan kapag nangyaring iyun. Ngayon ko lang napagtanto, how crazy I was for him back then.
Bumalik lang ang diwa ko nang muli siyang magsalita.
“Baby, I’ll take you on a date to make you comfortable with me,” he said then he sighed, “Now tell me. What's your dream date?”
Napalunok ako sa tanong niya.
“Watch movie? Shopping? Take you to amusement park? Arcade? What else?”
Isa iyun sa mga naisulat ko nuon, pero ngayong hindi na ako bata tulad ng sinasabi nila nuon, iba na ang gusto kong gawin. May gusto akong subukan ulit. At tsaka ‘yung mga sinabi niya, nagawa na namin ng nakaraan... with Caleb. Kaya naman umiling ako sa suggestion niya.
“No. May gusto akong puntahan.”
Napasulyap siya sandali saakin, “Where?”
I smiled and told him where.
Wala pang dalawampu’t minuto, nakarating na kami sa pinakamalapit na Shooting Range. Nakatayo ako sa mahabang mesa na puno-puno ng kagamitan. Iba’t ibang klase ng baril at kung anu-ano pa.
“How did you know that?” I heard JD asked habang tinitingnan akong nilalagyan ng magazine ang handgun na hawak ko.
I glanced at him, “Nung nasa abroad kami, madalas akong dinadala ni Miguel sa Shooting Range duon kaya natuto na rin ako.”
He groaned and his eyebrow furrowed, “Baby, we’re dating. Stop mentioning that friend of yours.”
Napalunok ako, pero napatango rin kalaunan, “S-sorry.”
“It’s okay, but don't do it again. Anyway,” kinuha niya ang hearing protection at siya na mismo ang nagsuot saakin, “Let’s start. Let's see if you can shoot the target, like how you shot my heart.”
Pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi niya. Damn. JD and his corny pick up. He just chuckled when he saw my reaction and put the protective eyewear on me. Nagsuot din siya para sa sarili niya saka kumuha ng sariling baril na gagamitin.
BINABASA MO ANG
My Son's Father (Sanmiego Series #1) [NOT EDITED]
RomanceFive years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal niya -ang ama ng anak niya. He is Jared Dylan Sanmiego. But Jared doesn't know about their child. M...